Blogger Widgets

Wednesday, March 28, 2012

Dream On Chapter 7





Mula sa may pintuan ay iniluwa nito si Rolly. Hindi ko akalain na siya pala ang kapatid ni Renz. Kung sa ugali at sa ugali lang din naman ang batayan ay di hamak na mas mabait si Renz kay Rolly. Hindi pa man kami nagsama ni Renz ng matagal at ni hindi ko pa rin siya lubos na kilala ay masasabi kong mas lamang siya kay Rolly. Maalaga, Maaalalahanin, masipag, at mapagmahal. Iyon naman ang kabaliktaran na nakita ko kay Rolly. Pero sino ba ako para manghusga ng isang tao ganoong hindi ko naman sila talaga kilala ng husto. 



Gayon pa man, hindi pa rin nawawala ang paghanga ko kay Rolly sa simula’t simula pa lamang noong kami ay nagkita. 



Transferee siya noon sa aming eskwelahan at nagkabanggaan kami sa pagpila sa para makapag enroll. Siya ang nakabangga sa akin dahil na rin siguro sa kanyang pagmamadali. Humingi naman siya ng pasensya sa kanyang nagawa ngunit pagkatapos noon ay tinungo na niya ang pila. Kita mo sa kanya na hindi talaga siya sanay sa mga ganong pilahan. Ayaw ko din namang tulungan siya kahit na gustong gusto ko. Suplado kasi ang dating niya sa akin kaya hindi ko na lang siya pinansin. Ngunit lihim ko naman siyang pinagmamasdan habang ako din ay nakapila. 



Sa simula ng aming pasukan ay nagulat ako noong malaman ko na kaklase ko pala siya. Matalino si Rolly. Noong una ay lagi siyang nangunguna sa klase na para bang alam na alam na niya ang mga itinuturo ng aming guro sa kanya ngunit noong lumaon at nakahanap ng mga kaibigan sa aming eskwelahan ay hindi na ito nag-aaral.Parang hindi natatakot kung mabagsak man siya o hindi. Laging lumiliban sa klase. Gayun pa man ay nasasagutan pa rin niya ang mga pagsusulit namin, minsan pa nga ay nangunguna siya. 


Monday, March 19, 2012

Dream On Chapter 6



by: Jojimar Abarido




Nagulat ako sa kanyang ginawa. Hindi ako makagalaw o makaimik. Para saan naman kaya iyong halik na iyon sa aking pisngi? Hindi ko inaasahan ang ganong kaganapan. Ang weird. Kahapon, tinulungan nila ako sa pagkakabugbog sa mga adik na yun. Tapos ngayon gumising ako ng gulong gulo ang isip sa mga nangyayari, sa mga pinagsasabi sa akin ni Renz. Tapos hindi man lang ako sinagot ng deretso para man lang sana ay malinawan ako sa mga nangyayari. At magpasalamat sa lahat ng itinulong nila sa akin. Ngayon, hinalikan ako. Iyon ba ang kapalit ng mga ginawa nilang pagtulong sa akin? O dala lang ng bugso ng kanyang damdamin? Di ko alam. Pero ang alam ko, may namumuo ring kung ano dito sa puso ko. Alam kong mabuting tao siya kahit ngayon pa lang kami nagkita.Ako ngayon ko pa lang siya nakita pero sya, ang dami na niyang alam sa akin. Alam ko ring hindi siya mahirap mahalin. Pero baka naman nag-aasume lang ako na mahal nya nga rin ako? Baka panaghinip lang talaga ang nangyari kanina. Pero hindi eh, totoo ang lahat nang iyon. Dama ko. Damang dama ko. 



“P-pasensya ka na. Di na mauulit. Pasasalamat ko yun sa iyo dahil sa wakas nandito ka na, hindi na namin hinahanap, at ligtas ka na.” saad sa akin ni Renz sabay lingon sa kalangitan. Malalim ang iniisip. Tahimik. 



Mga ilang minuto pa ang nagdaan matapos akong halikan ni Renz sa pisngi ay wala sa aming nagsasalita. Nakatingin lang siya sa ganda ng kalawakan noong mga gabing iyon. Ako naman ay ganon rin at nakikiramdam kung anong mangyayari. 



“Tara na! Pasok na tayo sa loob. Mahamog na eh. Baka mas lalo kang magkasakit nyan” saad sa akin ni Renz sabay tayo at pagpag ng kanyang pantaloon sa may pwetan dahil may mga buhanging dumikit dito sa kanyang pagkakaupo. Inalalayan naman niya ako upang makatayo. Paika-ika akong naglakad dahil sa sakit ng katawang dinanas ko kahapon at nadagdagan pa ata kanina noong nagkanda dapa-dapa na ako sa paghahanap sa ulupong na ito. 



Napansin yata niya na hirap ako sa paglalakad. “Kasi naman ehh. Sumunod pa kasi.”Mahinang sambit niya ng paninisi ngunit rinig ko pa rin. Hindi na lang ako nagsalita pa. 


Sunday, March 11, 2012

Dream On Chapter 5


by: Jojimar Abarido



“Renz.” Sabay lahad nito ng kanang kamay at ang kaliwa nama’y kamot ang kanyang ulo.



Inabot ko ang kanyang kamay at nagpasalamat dito.



“Salamat talaga. Kung hindi dahil sa inyo baka kung ano na ginawa sa akin nung mga gagong iyon. Diba dalawa kayong nagligtas sa akin? Asan na yung isa?”sabi ko dito at inumpisahan nang lantakan ang pagkaing dala niya. Halos mabulunan naman ako sa sabay-sabay na pagsubo ko dito.



“Ahh. Si kuya? May aasikasuhin daw sila ni Madam na importanteng papeles kaya maagang silang umalis kanina.”saad niya sa akin na animo’y natatawa sa aking hitsura habang tinitingnan ako.



“Ako nagluto niyan para sayo. Masarap ba? hehe”dagdag pa niya.



“Oo. Masarap, sobra.!” saad ko naman dito pagkatapos lumulon ng subo kong pagkain at nag thumbs up. Ewan ko kung masarap nga ba talaga ang niluto niya o hindi. O dahil siguro ay talagang gutom lang ako. Itlog at hotdog lang kasi iyon at wala naman kasing pinagkaiba kung ako ang magluluto pero nakakahiya naman kung barahin ko siya sa lahat ng ginawa niya at ng kuya niya sa akin.