Hello po sa lahat!! Kamusta? ^_^
Bilang panimula, gusto ko po magsorry sa lahat dahil ang tagal nasundan.. Promise, hahanapan ko po ng time talaga magpost! Kaya sana po maintindihan nyo po ako. Super busy lang po sa work.
Pangalawa, kung mapapansin po ng karamihan ay sumasagot po ako sa mga comments talaga, pero this time, di ako nakareply dahil po nga sa pagiging abala ko po sa trabaho.. Sana po ay maintindihan nyo. Meron din po akong natanggap na message asking for my fb acct po, ibibigay ko po muli ang email add ko po para kung may katanungan po kayo ay madali nyo akong macontact! ^_^ Ngunit po request ko din po sana na magmessage po kayo sa akin after adding me. Konting intro lang po :) Salamat po :)
dizzy18ocho@yahoo.com
Ngayon naman po ay gusto kong pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)
Di ko na po patatagalin. ENjoy na lang po!! ^_^
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED
<hr color="grey" align="center" width="100%">
“Ryan…”
“Hmmm?”
“Gusto sana kitang makausap tungkol sa nangyari kanina.”
“Hah? Ano yun?”, laking pagtataka ko.
“Pagpasensyahan mo na si Andre, ha. Mapagbiro lang talaga yun.”
“Huh? Ano ka ba, wala sa akin yun. Magkaiba talaga tayo. Alam ko naman yun.”
“Ano ka ba! Huwag ka nga ganyan. Hmmm.. Alam ko na! Gamitin mo na lang yung mga damit ko bukas!”, nakangiting sabi ni Larc.
“Ano ka ba. Hindi naman kailangan. Tsaka wala naman ako paki sa sasabihin nila, noh. Eh sa ganto ako eh. Simple. Hindi naman ako pumasok dun para makipagsiklaban ng porma.”, ngiti kong sagot kay Larc.
“Ayoko lang kasi nung sinasabihan ka ng ganun.”, seryoso nyang sabi.
“Hahaha! Bat ang seryoso mo? Tsaka I don’t care kung sabihan nila ako na alalay mo. So what?! Bestfriend mo ko kaya I know better.”
Tumahimik lang sya at tumitig sakin. Nakaramdam ako ng pagkailang. Nakita ko naman ang biglaan nyang pag ngiti. Pero hindi ordinaryong ngiti. May halong amazement ang mga ngiting ito.
“Paano? I mean, how do you that?”
“Huh, ang alin?
“Why are you so nice?”
“I’m not nice at alam mo yan.”, pagbiro kong sagot sakanya. Pero hindi sya tumawa, instead, tiningnan nya lang ako at ngumiti. Sa mga titig naman nya ay para akong unti unting natutunaw.
“You are.”, seryoso nyang sabi.
“Bes, hindi lang ako talaga nagpapaapekto sa mga ganung bagay. Alam mo naman ako, ayoko ng komplikadong buhay. Ayoko ng magulo, at yung mga ganyang emosyon, pinapalampas na lang yan dahil maliit na bagay lamang yan. Hindi naman din kasi big deal pa yung mga ganun.”, pagpapaliwanag ko.
Kinabukasan ay maaga muli akong gumising para maghanda ng almusal, at this time para magbaon na rin ng pagkain. Nang makatapos ako sa pag ayos ng pagkain namin ay ginising ko na rin si Larc.
“Good Morning.”, pungas pungas na sabi nito.
“Good Morning din.”, ngiti kong sagot.
“Ang aga mo namang magising.”, sabi ni Larc.
“Para namang di ka pa nasanay. Kumain ka na dyan.”
At sabay nga kaming kumain at pumasok. Ibang klase talaga ang kasikatan sa school ni Larc. Ang dami dami nyang kaibigan at kakilala. Ang dami ding umaapir sakanya at ang iba pa sakanila ay may distinctive handshakes.
“Iba talaga ang sikat, may alalay.”, bungad ni Andre sa aming dalawa. Napatingin naman sa akin si larc. Ngumiti lang ako.
“Loko ka talaga. Aga aga nang aalaska ka.”
“Ay hindi mo ba alalay yan/ Ano yan loverboy mo?”, pagdagdag na biro ni Andre. Medyo nakaramdam ako ng pagkahiya dahil ang daming tao sa paligid na nagtinginan at simpleng tumawa.
“Siraulo. Bestfriend ko to, noh.”, sabay akbay sakin ni Larc. Ngumiti lang ako na parang sinasabi sakanya na “I’m ok”
Umapir na lang si Andre kay Larc, tumingin naman sya sakin sabay ngumiti at umiling na tipong nangaasar talaga.
“Eh syempre, ano bang reklamo ng A=LA-Lay sa amo?”, pangaasar ni Andre sabay tawa bago tuluyang naglakad palayo.
“Ryan…”, biglang pagharap sakin ni Larc.
“Ok lang ako, ano ka ba.”, sabay nagbigay ng pilit na ngiti.
“Ok lang ako….”, sabay sabi sa sarili sa malungkot na tono.
Pumasok na kami sa loob ng classroom at nagfocus na lang ako sa klase. Kahit pa nasa isip ko pa rin ang mga nangyari ay sinubukan ko talagang magfocus. Hindi ako pwede mawala sa pagkascholar ko.
Nang magtanghalian ay pinauna ko na muna si Larc sa cafeteria. Baka kasi pag nagsabay nanaman kami ay ibili nanaman nya ako ng pagkain. Eh, may dala akong baon na pagkain, diba? Kaya nagdesisyon na akong paunahin na sya ng makaorder muna sya ng pagkain.
Makalipas ang ilang minuto ay pumunta na ako sa cafeteria at naka order na nga ng pagkain si Larc. Nakita ko itong nakaupo kasama ng ibang kabigan at nagtatawanan.
“Oh, anong gusto mo? Dali, para makakain na rin ako.”, bungad nyang tanong. Agad naman akong umupo at nilabas ang baon kong pagkain.
“Oh, nagbaon ka?”, pagtataka ni Larc. Tumango lang ako.
“Uy, walang budget na pagkain para sa alalay?”, bigla namang litaw ng boses mula sa aking likuran, si Andre. Matapos sabihin ang biro/insulto nya sa akin ay umupo na ito kaharap sa akin. Tumahimik lang ako at di sumagot. Napatawa naman ang ibang kaibigan ni Larc na kasama naming sa table. Mas lalo tuloy ako napahiya sa sarili.
“Ah! Nagbaon ka pala! Dapat sinabi mo sakin kanina! Para nakapagbaon na din ako! Penge ha!”, biglang sabi ni Larc at dakot ng pagkain mula sa baunan ko. Nagulat naman ako sa ginawa nya kaya napatingin ako sakanya.
“Takte sarap! Tol, subukan mo tong luto ng bespren ko! Panis yang pagkain dito sa cafeteria.”, pagmamalaki nyang sabi sa kaibigan.
Kahit pa dinepensahan ako ni Larc ay di ko nanaman maiwasan malungkot sa insulto ni Andre. Natahimik lang ako habang kumakain kami. Paulit ulit na umiikot sa utak ko ang salitang “alalay” na paulit ulit din iniinsulto sa akin.
Naging ganto ang mga pagtratong natatanggap ko lalo na sa mga ibang kaibigan ni Larc. Particularly na yung mga mayayaman nyang kaibigan at yung mga tipong pasosyal. Ako naman kahit na napapahiya na ay iniinda na lamang dahil lagi naman akong pinagtatanggol ni Larc. Sa twing mga panahon na yun ay lage lamang akong nagbibigay ng ngiti kahit pa sa loob loob ko ay napapabuntong hininga na lang ako. Alam ko naman eh, iba kami ni Larc ng mundo. Pananamit pa lang.
I mentioned na isang school ito na karamihan ay mayayaman ang pumapasok. I got here dahil sa scholarship ko at dahil sa inspirasyong makasama si Larc. I wanted this kaya dapat pagtiisan ko. At sa isip isip ko rin, bakit ko din ba bibigyan ng pansin ang mga insultong yun? Eh proud na proud nga sya sa school na bestriend nya ako. Bakit pa ko dapat mailing? Inggit lang sila!
Pero yun lang ang akala ko. Habang tumatagal ay napapansin kong may pagbabago kay Larc. Hindi tulad noon na lagi nya akong pinagtatanggol. Ngayon, sa kadalasang pang aasar sakin ay minsan ay nakikitawa na sya. Gusto kong isipin na siguro kasi iniisip nya na nasanay na ako sa pagbibiro ng mga kaibigan nya pero hindi eh, may mali. I can feel something is wrong.
Maging sa klase ay naramdaman ko ang pagbabago kay Larc. Hindi na ito tumatabi sa akin indi tulad ng dati. Though sabay pa din naman kami kumain pag break. At sabay umuwi pagtapos ng training nya.
“Paranoid lang ako.”, sabi ko sa sarili ko. Oo, bestfriend ko sya, pero hindi naman ibig sabihin na kailangan nasa tabi ko sya all the time. At tsaka wala naman syang pinagbago sa pakikitungo nya sa akin sa bahay, eh. Paranoid lang ako. Yung lang yun. I tried to laugh it off..
Sinubukan kong mag adjust sa mga munting pagbabago kay Larc. Though I must admit na medyo hirap ako sa pagbabagong nagaganap sa amin.
Isang hapon na naghihintay ako kay Larc na matapos ang training nya ay nagpasya akong maglakad lakad sa campus. Nagpunta ako sa likod ng covered gym kung saang merong isang mini park. Ako ay naupo dun at nagawa na lang muna ng assignments. Hindi ko namalayan ang bilis ng paglipad ng oras. Nagulat na lamang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong sinagot.
“Hello Ryan, oh, asan ka na? Tapos na kami sa training?”, pagtatanong ni Larc. Napansin ko naman ang mga tawanan sa background nya.
“Ah, pasensya na. Hindi ko namalayan ang oras eh. Andito ako sa mini park dito sa likod ng gym. Magliligpit lang ako tapos punta na ako dyan.”, sagot ko naman. Narinig ko naman ang mga boses sa background nya na nagsasabi na “Sabihin mo na pre”
“Ah.. eh.. Hindi, sige, ako na lang pupunta sayo dyan. Total malapit naman dyan kung san tayo nakapark.”, sagot ni Larc.
“Oh sige sige. Wait kita dito.”, sabay baba nya ng telepono.
Ilang minuto pagtapos naming magusap ni Larc ay nakita ko syang palapit kasama ang mga kateam at kaibigan nito. Agad naman akong tumayo para dire direcho na rin kami sa paguwi.
“Oh, tara na?”, bungad ko. Mukha namang nagulat ang mga kaibigan ni Larc.
“Oh pre, hindi mo ba nasabi sakanya?”, agad na sabi ni Bryan, kaibigan ni Larc. Nagtaka naman ako bigla.
“Ah, eh.. Ano kasi, birthday kasi ni Gino, eh. Niyaya ako na pumunta sakanila dahil may celebration daw.”, utal utal na sabi ni Larc.
“Ah ganun ba, oh sige, tara.”, simpleng sagot ko.
“Pre naman. Ayusin mo to.”, pagsulsol ng mga kaibigan ni Larc. Nagets ko naman agad. Hindi ako invited. Si Larc lang ang gusto nilang isama. Ngumiti lang ako kay Larc. Nakita ko itong parang di matae at napakamot sa ulo. Napakagat pa ito sa labi at tipong nag iisip.
“Akin na yung bag mo. Uwi na ko. May lakad ka pala.”, ngiting sabi ko kay Larc sabay abot ng kamay para kunin ang bag nya. Halos ayaw naman nya ibigay at nakatitig lang sa akin at di malaman ang gagawin.
“Ryan…”
“Oh? Bakit? Dali na, hinihintay ka na nila oh.”, sabay kuha ko ng bag ni Larc. Nagpaalam na ako agad at nagsabi na aalis na. Hindi ko alam pero may saloobin ako na nagsasabi na nasasaktan ako sa pangyayari. Pero meron din naman nagsasabi na kailangan kong intindihin yun. Bestriend ako, hindi jowa. Hindi ko kailangan sumama sa lahat ng lakad nya. Hindi ko namalayan na namumuo na pala ang mga luha ko. Agad ko itong pinigilan. Sa tagal na panahon na nainlove ako kay Larc na napupunta lang sa sakit, nadevelop ko na ata ang talent sa pagpigil sa mga luha.
“Sige na. Ok lang ako.”. nakangiting sabi ko sakanya habang tumatango.
Naglalakad na ako palayo ng biglang naramdaman kong may humablot sa balikat ko, si Larc.
“Oh, may nakalimutan ka ba?”, tanong ko.
“Sumama ka na.”
“Ano ka ba! Hindi naman ako invited. Nakakahiya naman. At tsaka hindi naman ako kailangan sumama sa lahat ng lakad mo. Ok lang ako. Makakauwi naman ako mag-isa.”
“Kung di ka nila isasama, hindi na rin ako sasama.”, matigas na sagot nito. Natouch naman ako sa sinabi nya. Parang gusto ko biglang ibuhos yung pinipigil kong luha. I was paranoid after all. He obviously cares for me. Nakita ko naman ang mga kaibigan nya sa likod nya na napapakamot na lang.
Walang nagawa ang mga kaibigan ni Larc. At ako rin ay walang nagawa kundi sumama. Kung hindi kasi ako sasama ay uuwi na lang daw si Larc. I didn’t want to spoil the night ng dahil sa akin.
Pagdating namin sa bahay ni Gino ay talagang namangha ako. Malaki at maganda ang bahay nila Gino. Katulad ng bahay nila Larc sa aming probinsya. Maganda ang hardin ng kanilang bahay na mas lalo namang nagpapasosyal sa bahay. Andoon ang mga kamag anak at mga kaibigan ni Gino.
Hindi naman talaga formal ang suot ng mga tao, casual nga lang eh. Kaso halatang halata na naiiba talaga ang suot ko. Mas simple pa sa casual.
“Pare, bat ngayon lang kayo? Pasok kayo!”, pagbungad ni Gino sa amin.
“Medyo nalate kasi ng tapos ang training, pare. Alam mo naman.”
“Oh sya, pasok na kayo. Maraming food. Kumain kayo ng maige dahil mamaya ay mag-iinuman tayo!”, paanyaya ni Gino.
Pumasok kami sa loob ng bahay at mas lalo akong namangha. Halata kasing mamahalin talaga ang mga gamit sa loob. Akala ko sa tv ko na lang makikita ang mga ganitong kasosyal na bahay, pero ngayon ay mismong nasasaksihan na ng mga mata ko.
Naiilang at nahihiya pa rin ako kaya umupo na lang ako sa isang tabi. Hinayaan ko naman si Larc na makipaghalubilo sa mga kaibigan.
“Kapag alalay nga naman, kahit saan, nakabuntot.”, biglang bungad ni Andre mula sa gilid. Tumahimik lang ako. Nakita ko naman na may lumapit na isang ginang. Postura pa lang nito ay alam mo na mayaman.
“Oh, hi Andre. Is he your friend?”, tanong ng ginang.
“Ay, no tita. Alalay sya ni Larc. Happy birthday po pala sa anak nyo.”
“Oh, you mean chaperon ni Larc? Anyways, thanks sa pagpunta sa birthday ng anak ko.”
Mommy pala yun ni Gino, kaya naman pala mukha talagang mayaman ay dahil mayaman naman pala talaga sya.Halos mamula naman ako sa hiya sa ginawa ni Andre. Parang gusto ko biglang maglaho.
“Good Evening po.”, magalang kong sagot.
“Good evening din naman hijo.”, nakangiting sagot ng ginang. Nakita ko naman biglang lumapit sa amin si Larc.
“Oh, there you are Larc. I was just talking to your chaperon. Aren’t you a little too old para sa chaperone?”. Biro ng Mommy ni Gino. Napatingin naman sa akin si Larc.
“Ah.. No tita, di ko sya chaperone. Bestfriend ko sya. Schoolmate din sya ni Gino.”, pagdedepensa ni Larc.
“Oh my gawd, I’m sorry hijo. Ito naman kasing si Andre. Im really sorry.”, pakikiusap ng ginang.
“Ok lang po. Wala po yun sakin.”, magalang na sagot ko.
Nakita ko naman si Gino na halos di magkandamayaw sa pagpigil sa tawa. Nagexcuse na rin ang mommy ni Gino dahil magaasikaso pa sya ng ibang bisita.
“Are you ok?”, alalang tanong ni Larc.
“Of course.”, simpleng tugon.
“Hay, kasweet ng dalawang to. Nako pare, baka ending nyan, is bromance ha!”, pagtatawang biro ni Andre. Tumawa lang naman si Larc.
“Sige na, wag mo ko intindihin. Balik ka na dun.”, sabi ko kay Larc.
Lumabas na lamang ako at nagpunta sa garden, gusto ko muna umiwas sa mga tao, lalo na sa mga iilang kaibigan ni Larc particular na kay Andre. Ayaw ko naman kasing mapahiya muli.
Medyo malungkot man dahil sa pagkakapahiya ay ok na rin ako. Sa twing napapahiya naman kasi ako, andyan si Larc para sakin. At yun lang ang rason na kailangan ko para maging ok.
Nasa gitna ako ng pagmumuni muni ng biglang nagring ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot. Si Tita Thea, ang mommy ni Larc.
“Hello tita?”
“Hello hijo. How are you?”
“Ok naman po tita, napatawag po kayo?”
“Ah, tinatawagan ko kasi yung phone ni Larc pero hindi sumasagot. Kasama mo ba sya? Paki sabi naman to call me. May itatanong lang ako.”
“Ganun po ba. Oh sige po. Sasabihin ko po.”
“Ok hijo. Salamat ha. Magiingat kayo ha.”
“Kayo din po.”
Pagkababang pagkababa ko ng telepono ay agad akong pumasok para hanapin si Larc. Nagtanong tanong ako sa mga kasambahay sa bahay na yun at napagalamang nasa taas daw sila sa may balkonahe at nagiinuman. Agad naman akong umakyat.
Bago pa man din ako makarating sa balkonahe ay naririnig ko na naguusap usap sila Larc at ang mga barkada nya. Narinig ko bigla ang pangalan ko. Kaya hindi muna agad akong tumuloy at nagtago kung saan hindi nila ko makikita.
“Pare, hassle yang tropa mo sayo.”, sabi ng isang kaibigan ni Larc.
“Hindi naman. Kayo talaga. Pinagkakaisahan nyo nanaman yun.”, pagsagot ni Larc. Napangiti ako sa sagot ni Larc.
“Tol, nakakasira sya sa image mo. Mga sikat tayo sa school tapos hahaluan mo ng tulad nya. Tol, badtrip.”, reklamo ng isa.
“Kayo talaga, wala yun. Kaibigan ko yun.”, sagot muli ni Larc.
“Tol ganto lang yan eh. Alam mo naman siguro yung kasabihan na it only takes one rotten apple para hawaan ang iba. Tol, panira sya sa atin.”, sagot naman ng isang kaibigan.
“Iwasan mo yun tol. Ikaw, gusto mo ba masira image mo. Tandaan mo, we are on top of the food chain. Gusto mo bang bumaba? Gusto mo ba isa ka sa mga pinagtritripan?”, pagdagdag pa ng isang kaibigan ni Larc.
Halos maiyak ako sa mga narinig. Mas matindi ang mga naririnig ko kaso sa mga panlalait ni Andre. Nakita kong tumahimik lang si Larc at nagiisip. Naghihintay ako sa isasagot ni Larc.
“Tigilan nyo nga ako. Ang seryoso ng usapan natin! Birthday na birthday ni Gino, seryoso usapan natin! Shot nay an! Shot!!”, sabay tawa ni Larc.
“Oh, anong ginagawa mo dyan?”, biglang sulpot ng isang boses. Nagulat ako ng pagtalikod ko ay makita ko si Andre. Napatingin naman bigla sila Larc at mga kaibigan nya.
“Ha. Ah, wala.”, simpleng tugon ko. Taka taka namang umupo si Andre kasama ang mga kaibigan. Bigla naman lumapit si Larc at mukhang alala.
“Kanina ka pa dyan?”, kabang tanong ni Larc.
“Hindi. Ngayon lang. Bakit?”, pagsisinungaling ko.
“Ah, sigurado ka?”, pagsisigurado nya.
“Oo naman.”, muli kong pagsisinungaling. Kahit sa isip ko ay bakit yun ang sinagot mo? Bakit hindi mo ako dinepensahan? At bakit ngayon mukha kang takot na takot kung may narinig ba ako. Bakit Larc?
“Ah.. Ano nga pala ang atin?”, simpleng tugon nya. Kahit halata pa din ang kaba.
“Ah, wala. Tumawag kasi ang mommy mo. Tawagan mo daw sya.”
“Ah, ganun ba? Osige sige. Salamat ha. Ok ka lang ba? Pasensya na di kita maasikaso.”
“Ok lang ako, ano ka ba. Sige, enjoy ka lang.”, tugon ko.
Babalik na sanang muli si Larc sa mga kaibigan ng pigilan ko muli ito.
“Oh, bakit?”, alalang tanong ni Larc.
“Uwi na ko.”
“Huh?! Bakit naman? Hintayin mo na ko. Sabay tayo.”, gulat na tanong nya. Narinig ko naman na umuubo ubo ang mga kaibigan nya.
“Hindi na. Mauna na ako. May tatapusin pa kasi akong project.”, pagsisinungaling ko.
“Sure ka bang wala kang narinig?”, pagsisigurado at kaba kabang tanong ni Larc. Muli ay nagsinungaling nanaman ako.
“Huh? Narinig? Ano ba yun? Di ko magets.”,pagmamaang maangan ko.
“Ah. Wala.”
“Sige, mauuna na ko ha.”, paalam ko.
“Hah.. Oh. Si-sige. Teka, eto..”, sabay kuha nya ng pera mula sa wallet. “Magtaxi ka na.”
“Hindi na. May pera naman akong dala.”, tugon ko, Narinig ko namang mas lumalakas ang kantyaw ng barkada nya, tumingin naman si Larc sa barkada.
“Bahala ka nga. Basta ito ang pera. Umuwi ka kung gusto mo.”, matigas na sabi ni Larc sabay pilit na lagay ng pera sa bulsa ko. Nagulat ako sa ginawa nya. Bigla akong tumalikod dahil naramdaman ko ang agarang pamumuo ng luha ko. Nagtatakbo ako palabas.
Naglakad ako palabas ng village nila Larc. Ni hindi ko alam pano lumabas. Ang laki naman kasi at private pa kaya walang mga pampasaherong sasakyan na pumapasok. Confused and crying, naglakad ako paikot ikot.
Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Larc, batid ko sa sarili. Napahiya talaga ako ng todo. Kaso naisip ko, kasalanan ko din naman kasi, nag inarte pa kasi ako. Pero hindi nya naman kailangan gawin yun.
Nang makalabas ng village ay agad akong sumakay ng taxi. Kinapa ko ang bulsa ko at nakita ang perang binigay ni Larc. Hawak hawak ko ito hanggang makarating ako sa bahay. Pagbaba naman ay binuksan ko ang wallet ko at naglabas ng perang pambayad sa taxi.
Pagpasok ko ng condo namin ni Larc ay tuloy tuloy na bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit. Ngayon lang nangyari samin ito ni Larc. Oo, nagkakatampuha kami pero yung gantong klase ay ngayon lang nangyari. Napaupo ako sa likod ng pintuan habang hawak ang perang pinasok ni Larc sa bulsa ko.
Pilit kong pinatahan ang sarili. Isa lang ito sa mga araw na yun, sabi ko sa sarili. Isa lang ito sa mga araw na kailangan ko magtiis. Pero mahirap, iba kasi ito. Naramdaman ko kasi na para akong pinahiya mismo ni Larc. Ibang iba ito dahil kung dati ay tinitiis ko lang ang pagkukubli ng nararamdaman ko para sakanya, ngayon naman ay pagtitiis sa sitwasyon namin.
Tumayo ako at agad na nagpunta sa kwarto. Nakita kong makalat nanaman ito. Kaya kahit umiiyak ay niligpit at inayos ko ang kwarto. Then I came up with the idea para maglinis. Ibubuhos ko na lang ang sama ng loob ko sa paglilinis. Para na rin wag ko masyado isipin ang nangyari at pagtapos ay mapagod ako at makatulog agad.
Umiiyak akong naglinis ng banyo, kusina, sala at kwarto. Hindi ko alam but for some reason, parang gusto sumabog ng dibdib ko. Marami na rin akong tiniis para kay Larc. At lahat ng ito ay parang umaapaw na at gusto ng kumawala mula sa dibdib ko.
Nagtagumpay naman ako sa aking plano, dahil matapos kong makapaglinis ng bahay ay nakatulog na ako.
Nagising ako kinabukasan at nakitang nakauwi na at tulog na tulog pa rin si Larc sa kanyang kama. Agad naman akong bumangon at nagluto ng almusal. Buti na lang at alas dyes pa ang pasok naming kaya hindi kami malalate.
Nang makatapos akong makapag luto at hain ay lumabas naman si Larc ng kwarto at agad na umupo sa hapag kainan.
Tahimik.
“Ryan….”, nahihiyang sabi ni Larc.
“Oh?”, casual na sagot ko.
“Im sorry…”
“Huh? Saan naman?”, pagkukunwari ko.
“Tungkol sa kahapon…”
“Kahapon? Ano bang nangyari kahapon? Wala naman, ah!”, pagsagot ko. Ngumiti ngiti pa ako.
“Ryan. Stop it. I don’t want you to be nice. Sabihin mo sa akin kung galit ka.”, pagmamakaawa nya.
“Ano ba yang sinasabi mo? Lasing ka pa ba? Hindi naman ako galit, ah.”, pagkukunwari kong muli. Tiningnan ako ni Larc sa aking mga mata, napatitig din ako. Nagbigay ako ng ngiti.
“Wala yun.”, tugon ko. Tumungo sya.
“Eh bat nilapag mo sa kama ko yung perang inabot ko sa iyo?”
“Ikaw talaga. May pera pa naman kasi ako. Tsaka hindi mo naman ako responsibilidad.”
“Ryan….”
“Stop it. Ang totoo, nahihiya na rin kasi ako dahil halos lahat, ikaw na lang ang nagbabayad.”
“Eh bestfriend mo naman ako, diba?”
“Oo nga. Kaso syempre, ayaw ko naman iasa sayo lahat. Kaya nga baka hindi muna ko sumabay sayo sa paguwi.”
“Huh? Bakit?”
“Ah.. Pag naghihintay kasi ako sayo pag nagttraining ka, minsan lumalabas ako ng campus. Eh, may nakita akong fast food na naghahanap ng crew. Baka mag part time muna ako.”
“Huh?! Teka, magtratrabaho ka? Paano pag aaral mo?”
“Sus! Wala ka bang tiwala sakin?! Kaya ko pagsabayin yan. Tsaka, mahina ang kitaan sa probinsya kaya ayaw ko na sanag problemahin pa nila Itay ang pang gastos ko.”
“Pahiramin na lang kita.”
“Ayoko. Nakapagdesisyon na rin ako. Ikaw na nga sumasagot sa pagkain at tirahan ko, pati ba naman sa ibang personal na pangangailangan ko? Huwag na, Nakakahiya na masyado.”
“Pero bestfriend mo ko.”
“Alam ko. Wala namang nagbago dun, eh. Kaso sana maintindihan mo ko.”
“Tungkol ba to sa kahapon?”
“Nope.”
“Then why?”
“Just because.”
“Ryan…”
grrrr nakakabitin.........
ReplyDeletevinz_uan