Blogger Widgets

Saturday, October 8, 2011

Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan 1




Author: Mikejuha

E-mail: getmybox@hotmail.com

Blogspot: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com



Unang una, maraming maraming salamat kay Kuya Mike sa pagbibigay niya sa akin ng chance para mag-post ng story nya sa blog ko...hehehe Isa sya sa mga inspirasyon sa paggawa ko ng blog na ito at syempre sa aking hubby na alam kong busy pero lagi namang andyan para sa akin..hehehe salamat talaga:)

Pangalawa, sa lahat poh ng mapapadpad dito, ako po sana ay may konting favor sa inyo. At sana pagbigyan nyo po ako dito.

Kasali po ang ating minamahal na writer na si Michael Juha, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng maraming storya na ating minahal at sinubaybayan. Mga storya na kapupulutan ng aral at inspirasyon. Mga kwentong sumasalamin sa naiibang mukha ng pag-ibig. Sa pagharap sa naiibang hamon ng totoong buhay. At isa ang Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan sa mga ito :)Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)

Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
PEBA ENTRY - PANTALAN
http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html

Pangalawa, ILIKE ang PAGE:
PEBA FB PAGE
http://www.facebook.com/PEBAWARDS

Pangatlo, paki LIKE and COMMENT sa PIC:
PEBA PIC ENTRY
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=1&theater

Pang-apat, I-BOMOTO ang entry #24 Michael's Shades of Blue:
http://www.pinoyblogawards.com/

Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)

Pangatlo, sana poh ay bisitahin nyo ang blogspot ni kuya Mike sa http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/

[1]

First year college ako noon, 16 years old lang noong mapasali ako sa volleyball team ng college. Ang totoo, hindi ako mahilig sa volleyball; basketball ang gusto ko kaso, 5’4” lang ang height ko kaya wala talagang chance na mapasali sa team ng school.



Anyway, napagkatuwaan lang naman namin ang sumali sa volleyball tryout. At dahil ang kailangan lang naman daw sa team ay “tosser” at walang limit sa height kaya nakisali kami ng tatlo ko pang mga barkada. Kahit papaano naman kasi, nakapaglaro din ako ng volleyball noong high school pa ako. Kaya sabi ko, “Ok, magpapawis lang naman at mag-enjoy sa tryout kaya ok… go” at hindi ko na inexpect na mapasali pa sa team lalo na noong makitang maraming magagaling at matatangkad pa na sumali. Halos lahat kasi ng myembro ng team nasa third year at fourth year at ang pinakamababang height ay 5’10”.



Ngunit noong matapus ang tryout, laking gulat ko noong ang pangalan ko ang isa sa dalawang tinawag. Nanlaki ang mga mata ko at di makapaniwala.



“Ako ang nagrecommend na isa ka sa piliin. At ikaw din ang gusto ng karamihan sa team.” Sabi sa akin ni Romwel, ang team captain nila na tinaguriang “crush ng bayan” dahil sa angkin nitong kakisigan at tindi ng appeal. “Nakita ko kasing masipag kang kumuha ng bola kahit sa mahihirap na pwesto, maliksi, maganda ang ball handling at maganda rin ang mga pasa sa mga kasama. Malaki ang potential mo” dagdag paliwanag niya.



Napangiti na lang ako, di pa rin makapaniwala sa biglaan kong pagkasali sa team.



Doon ko na rin na-meet ang mga kasama noong ipinakilala ako ni Romwell sa kanila. “Waahhhh! Ako ang pinakamaliit, at pinakabata!” Sigaw ko sa sarili.



Simula noon, palagi na akong kasama sa practice at sa mga laro at liga. At ang naging pinaka-close ko sa lahat ay syempre, si Romwel, ang team captain namin. Si Romwel ay 22 years old at fourth year na ng college. Graduating kumbaga. Ewan din ba kung bakit ako ang pinakagusto niyang asar-asarin, biru-biruin. Pero sobrang sweet naman lalo na kapag nasa ibang lugar o school kami naglalaro. Iyon bang kapag hindi niya nakikita, hinahanap at nag-alala, tinatanong kung nasaan, kung kumain na ba, o baka napasma o naligaw. Halos hindi ako hinahayaang mawala sa tabi niya. Nakababatang kapatid na talaga ang turing niya sa akin. Kaya ang tawag ko sa kanya ay “Kuya Rom”. Actually, “Kuya” din naman ang tawag ko sa lahat ng mga ka teammates. Pero iba si Kuya Romwel; feeling ko kasi, kina-career niya ang pagtreat sa akin bilang isang baby-brother, na gustong-gusto ko naman dahil sa nag-iisang anak lang ako at walang matatawag na kuya. At sa pagiging close namin, wala namang kahit katiting na sumagi sa isip ko na may malisya iyon. Lalaking-lalaki kasi si si Kuya Romwel, may girlfriend, at palaging babae ang laman ng isip kapag inaatake ng ka-pilyohan o kapag nakikipagbangkaan sa mga barkada.



Unang athletic meet iyon sa taon na iyon na sinalihan ko. Ang venue ay sa isang state university sa karatig-siyudad. Syempre, sobrang excited ako at happy dahil iyon ang una kong makasali sa ganoong activity at iyong excitement na magkasama-sama ang mga ka-teammates. At kapag ganyan kasing nagka-sama-sama ang mga athletes sa iba’t-ibang school, sa isang kwarto lang naka-assign ang mga athletes sa kasamang teams at events, at ang tulugan ay sa papag, sama-sama. Syempre, kami ni Kuya Rom ang magkatabi.



Unang gabi din iyon sa athletic meet. Oras ng tulugan, halos hindi ako makatulog sa naghalong excitement, saya, at ingay ng mga ka-tropa. Ngunit noong mag-aalas onse na, nagalit na si Coach at pinatay ang ilaw upang matigil ang ingay, at makapagpahinga kami. Si Kuya Rom naman, iyong isang kumot ay itinakip sa aming dalawa. Tapus, tumagilid siya paharap sa akin. Nakatihaya lang ako. Tapus, idinantay ang isang paa sa tiyan ko at ang isang kamay sa dibdib ko’t niyayakap ako. First time naming magtabi sa higaan, at first time ko ring may katabi sa pagtulog at yumayakap sa akin. Kaya, naninibago din ako. Sa pagdampi ng paa niya gumapang sa katawan ko ang kiliting di ko maintindihan. Tila may kasabikan din akong nadama. Sabi ko sa sarili, “Ganito pala siguro kapag may kapatid o kuya. Nilalambing ka, niyayakap, iniinis, binu-bully...”



“Kuya, ambigat ng paa mo…” ang pigil kong pagsalita.



“Shhh! Yaan mo na. Gusto ko may kayakap pag natutulog. Anlamig kaya.”



“Argggg! Kuya naman eh. Paano ako makatulog nyan?”



“O sige, ganito na lang…” sabay tanggal ng kamay at paa niya sa katawan ko at tumihaya. “Tumagilid ka nalang paharap sa akin, at ikaw na ang dumantay ng paa mo sa may tiyan ko at patong ng isang kamay sa dibdib ko.”



“S-sige” ang sagot ko.



At idinantay ko ang isa kong paa sa may tyan niya at ang isang kamay sa dibdib. Maya-maya, naakatulog na kami. Ngunit sa kalagitnaan ng pagtulog namin, naalimpungatn ko na lang na iyong paa kong nakadantay sa tiyan niya ay hinawakan niya at itinulak ito pababa – sa umbok mismo ng ari niya...



(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment