Blogger Widgets

Sunday, October 9, 2011

Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan 2



Author: Mikejuha

E-mail: getmybox@hotmail.com

Blogspot: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com



Unang una, maraming maraming salamat kay Kuya Mike sa pagbibigay niya sa akin ng chance para mag-post ng story nya sa blog ko...hehehe Isa sya sa mga inspirasyon sa paggawa ko ng blog na ito at syempre sa aking hubby na alam kong busy pero lagi namang andyan para sa akin..hehehe salamat talaga:)

Pangalawa, sa lahat poh ng mapapadpad dito, ako po sana ay may konting favor sa inyo. At sana pagbigyan nyo po ako dito.

Kasali po ang ating minamahal na writer na si Michael Juha, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng maraming storya na ating minahal at sinubaybayan. Mga storya na kapupulutan ng aral at inspirasyon. Mga kwentong sumasalamin sa naiibang mukha ng pag-ibig. Sa pagharap sa naiibang hamon ng totoong buhay. At isa ang Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan sa mga ito :)Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)

Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
PEBA ENTRY - PANTALAN
http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html

Pangalawa, ILIKE ang PAGE:
PEBA FB PAGE
http://www.facebook.com/PEBAWARDS

Pangatlo, paki LIKE and COMMENT sa PIC:
PEBA PIC ENTRY
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=1&theater

Pang-apat, I-BOMOTO ang entry #24 Michael's Shades of Blue:
http://www.pinoyblogawards.com/

Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)

Pangatlo, sana poh ay bisitahin nyo ang blogspot ni kuya Mike sa http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/





[2]



Hindi ko maintindihan ang naramdaman sa ginagawani Kuya Rom sa pagdidiin niya ng hita ko sa ari niya. Ewan kung tulog pa rin siya ngunit ramdam kong ikinakanyod-kanyod pa niya ng marahan ang harapan niya sa hita ko.



Patay-malisya lang ako. Kunyari tulog. Ramdam ng hita ko ang kumikislot-kislot niyang pagkalalaki. Habang nasa ganoong sitwasyon ako, tila tumatayo naman ang mga balahibo ko at lumakas ang kabog sa dibdib sa di maintindihang naramdaman. Kaya tumihaya na lang ako. Ngunit tumagilid si Kuya Rom paharap sa akin at idinantay ang kanyang hita sa aking harapan, ang isang kamay ay ipinatong sa dibdib ko.



Sa pagtagilid niyang iyon, dumampi rin sa tagiliran ko ang kumikislot-kislot pa rin niyang pagkalalaki. At sa pagdampi ng hita niya sa umbok ng pagkalalaki ko lalo namang tumigas ito.



Hindi ako kumilos, hinayaan na lang kung ano ang sunod na mangyayari. Maya-maya, inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko at lumapat sa balat ko ang mga labi niya. Dinig na dinig ko ang paghinga niya, ang ang bugso ng hangin na lumalabas at pumapasok sa baga niya. At ewan kung nagkamali lang ako, pero parang naramdaman kong hinalikan niya at inaamoy-amoy ang leeg ko!



Ilang minuto kami sa ganoong posisyon. Maya-maya, tumalikod na ako, iniisip na tulog lang iyong tao, di alam ang ginagawa, dala lang ang lahat ng kanyang pagkahimbing.



Ngunit kahit noong nakatalikod na ako, naramdaman kong tila hinigpitan ni Kuya Rom ang pagyakap niya sa akin, at ang umbok niya ay ikinakadyot-kadyot pa sa likuran ko. Nakiramdam pa rin ako at naghintay na baka may iba pa siyang gagawin. Ngunit mag-uumaga na lang ay hanggang doon na lang ang ginawa niya. Tuloy ay hindi ako nakatulog sa buong magdamag na iyon.



Kaya ang nangyari kinabukasan, talo ang team sa laro namin. At ako ang nasisi dahil ang mga bigay ko daw ng bola bilang tosser ay sablay at nahihirapang pumorma ang mga spikers.



“Ano ba kasi ang nangyari sa iyo, tol at palpak mga bigay mo? Magaganda naman ang pasa namin sa iyo ah. Di naman ganyan ang mga laro mo sa practice natin. Putsa naman o.” Paninisi sa akin ni Kuya Rom.



“Sige, sige, sisihin nyo pa ako. Next game, h’wag niyo na ako palaruin ha?” Ang may halong pagtatampo kong sagot.



“Di naman sa ganoon, tol. Ito naman, nagtampo kaagad. Tinanong lang kita kung anong nangyari sa iyo.” Ang pang-aamo naman niya sa akin.



Tinitigan ko siya, ang mga tingin ay may bahid ng paninisi. Gusto ko sanang sabihin sa kanyang, “Paano ako makatulog sa ginagawa mo sa akin kagabi!” Ngunit sinarili ko na lang iyon.



“O… ba’t ka ganyan kung makatingin sa akin? Ano ba ang problema? May… kinalaman ba ako d’yan?”



Yumuko na lang ako at padabog na sabing, “Wala!”



“Di nga… sabihin mo nga sa akin kung anong nagawa ko? Meron ba? Ha?”



“Wala nga!” Sabay ismid at bulong ko sa sarili “Kulittt!”



Napakamot sa ulo ni Kuya Rom. “Hirap maintindihan nito… O sige na nga, bukas may laro tayo, pag-igihan mo ha? Wag yang ganyang tatanga-tanga! Kapag natalo pa uli tayo, lagot ka sa akin.” sabay tampal sa pwetan ko.



Itinakip ko naman ang mga kamay ko sa pwetan sabay, “Arekuppp!”



Ewan ko rin ba, kung walang malisya para sa kanya ang pagtampal niyang iyon sa pwetan ko. Ngunit dahil sa ginawa niya sa akin noong nakaraang gabi sa pagtulog namin, di maiwasang sumagi sa utak ang malisya. “Shit! Pinagtripan yata talaga ako nito!” bulong ko.



“Anong sabi mo?” tanong niya kaagad noong mapansing may sinabi ako, ang boses ay matigas.



“Wala! Sabi ko Opo!” ang sagot kong pabulyaw sabay naman walkout.



Napailing na lang si Kuya Rom.



Noong mapansin niyang hindi sa direksyon ng quarters namin ang tinumbok ko, tumayo siya’t tumakbong sinundan ako. Gabi na kasi iyon kaya siguro nag-isip kung saang lugar ako mapunta o kaya’y mapaano sa lugar na hindi namin parehong kabisado. “Hoy! Saan ka pupunta? Baka mabugbog ka d’yan. Hoyyy!”



Ngunit di ko siya pinansin at tumakbo pa ako.



Actually, gusto ko lang magpalabas ng sama ng loob sa pagkakatalo na nga ng team naming ay nasisi pa at hindi man lang ako kinampihan ni Kuya Rom. Dahil nakita ko na ang ilog na iyon na malapit lang sa quarter naming, naisipan ko kaagad na doonpumunta. At dahil full moon naman at alam kong hindi ako pabayaang mag-isa ni Kuya Rom kaya malakas ang loob kong tumbukin ang lugar.



Noong makarating na ako, bigla ding pumasok sa utak ko ang maghubad, at dali-daling sumuong sa tubig ang mga damit, pati na ang brief ay inihagis sa batuhang gilid ng ilog.



“Hoy!!!” Ang sigaw ni Kuya Rom na nasa likod ko na pala.



“Weeeehh! Lika Kuya, ligo tayo!” ang pang-aasar ko, kampanteng lulusong din siya sa tubig.



Ngunit hindi pinatulan ni Kuya Rom ang udyok ko. “Hoy! Pag hindi ka umalis d’yan, iiwanan na kitang mag-isa dito!” Panankot niya sabay talikod.



Babalik na sana ako sa dalampasigan noong naramdaman kong lampas ulo ko na pala ang lalim ng parte ng ilog. Napakabilis ng mga pangyayari. Naramdaman ko na tinangay na ako ng agos at parang may humihigop sa akin papuntang ilalim ng tubig. Sobrang kabog ng dibdib ko at hindi makahinga. Nataranta hanggang sa naramdaman ko na lang na pumapasok na ang tubig lalamunan ko. Sa pagkakataong iyon, ang nasa isip ko ay mamamatay na talaga ako. Iyon ang huli kong natandaan.



Kung gaano kabilis ang pagkawala ng malay ko ay siya ding bilis ng pagbalik nito. Noong naubo ako at isinuka ang tubig, ang unang bumulaga sa mga mata ko ay si Kuya Rom na inupuan ang tiyan ko, habang pina-pump naman ang dibdib. Naka-jeans lang siya, basang-basa, walang saplot pang-itaas at halatang nininerbyos. “Uhu! Uhu! Uhu! K-uyaa?” Ang sambit ko kaagad, habol-habol ang paghinga.



Sa pagkakitang gumalaw at nagsalita ako, bigla din niyang ibinagsak ang katawan sa batuhan, sa tabi ko sa sobrang kagalakang na-revive niya ang malay ko. Sinasamapal-sampal niya ang mukha ko na parang gigil na gigil. “Tado ka… tinatakot mo ako, tangina! Di ka pala marunong lumangoy, ang lakas ng loob mong maligo d’yan?” sabay turo sa ilog.



Patuloy pa rin ako sa pag-ubo at pagsuka ng tubig. Noong tila mahimasmasan na at unti-unting napawi ang takot at kaba, napansin kong hubo’t-hubad pa pala ako. Ngunit di ko na binigyang halaga pa iyon. Tumihaya ako sa tabi niya, hindi gumalaw, hinayaang tuluyang mapawi ang kaba at ang panghihina ng katawan, ang mga mata ay nakatutok sa buwan. “S-sory Kuya… Kala ko kasi maliligo ka din eh.”



“Kung hindi kita naagapan e, di patay ka na sanang tado ka!” ang galit niyang sabi.



“S-orry na Kuya. H’wag ka nang magalit, o...”



“Sorry? Iyon na lang iyon?”



Napaisip naman ako sa sagot niyang iyon. “E... di salamat. Utang ko sa iyo ang buhay ko. Ano pa ba? Meron pa ba akong puwedeng gawin?” Ang sarcastic ko namang tugon.



Pakiramdam ko napawi ang galit ni Kuya Rom sa akin noong marinig niya ang pagbanggit ko sa sa salitang “utank ko ang buhay ko sa kanya”. Tinitigan niya ako at binitwan ang isang nakakalokong ngiti. Ewan ko pero parang may bahid malisya ang ngiti niyang iyon.



In fairness, noon ko lang din nasilayan ng maigi ang mukha ni Kuya Rom. Ang gwapo pala talaga. No wonder na ang tawag sa kanya ay “crush ng bayan.” Makinis ang mukha, mapupula ang mga labi, matungis ang ilong, ang ganda ng mga matang mga mata na kung ngumiti ay parang may susundot sa puso mo at feeling lulutang ka sa ikapitong alapaap.



Nginitian ko din siya. At ewan ko din kung anong epekto mayroon sa kanya ang ngiting iyon. Hind naman sa pagmamayabang, marami din ang nagsabi sa akin na ang pamatay ko daw ay ang ngiti ko. Ayaw ko ng i-elaborate pa ngunit iyan ang kadalasang naririnig ko lalo na sa mga kababaihang ka-klase ko at mga kaibigan.



Nabigla na lang ako noong biglang hinablot ng pabiro ni Kuya Rom ang basa ko pang buhok, tila nangigigil sabay sabing, “May bayad ang utang mo sa akin na iyan. Kaya kapag may ipagagawa ako sa iyo, dapat na sundin mo.”



“Ha? At anong ipagagawa mo? Baka mahirap kuya, di ko kaya...”



“Syempre, kayang-kaya mo.” Nag-isip siya ng sandal. “Okay... Sa ngayon, kiss muna!” Sabay turo ng daliri niya sa pisngi.



“Kuya Rom ha...” ang pag-aalangan kong sabi. ”H-hndi ako bakla ah! Ayoko niyan, iba na lang.”



“Abat...! Bakit, may sinabi ba akong bakla ka? Kiss sa kuya... daliiii!” Utos niya.



Dahil ayaw ko din namang ma-disappoint siya, “E, di e-kiss!” pagmamaktol ko, sabay kiss sa isang pisngi niya. “Mwah!”



“Kabila!” Utos naman niya, turo ulit sa kabilang pisngi.



Hindi na ako kumibo at kiniss ko na naman “Mwah!”



At tila nabagsakan ng malaking bato ang ulo ko noon gang sunod niyang utos ay, “Ibaba mo ang zipper ng pantalon ko...”



(Itutuloy)



------------------------------

No comments:

Post a Comment