Kamusta po sa inyong lahat? ^_^
Ayan, late nanaman po ang posting ko. Pasensya nanaman po sa inyo ulit.. Pero maraming maraming salamat pa rin po sa inyong lahat at pinapataba ninyo po talaga ang aking puso.. Kaya sobrang salamat po talaga.
Ngayon, gusto ko pasalamatan ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.
Pwede nyo po pala ako macontact sa mga sumusunod. Favor na rin pala. Hehehehe ^_^
Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
Blogsite - darkkenstories.blogspot.com
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.
IntroducinG...
-Aaron
OMG!! YOURE GAY?! K.
-ARIANNE
Agad na nagsitayuan ang Mommy, Daddy, si Aaron at si Anne mula sa kinauupuan. Mukhang dismayadong dismayado sila a mga narinig. Kitang kita din kasi sa reaction ng mukha nila. Gusto ko naman din makitayo at tuluyang lumabas ng bahay nila.
Napayuko ako ng dahil sa hiya. Ano ba naman kasing ginagawa mo Andre?! Ni hindi ako makatungo kahit man lang tingnan si Andre.
Gusto ko na sanang maiyak dahil sa hiya ng may napansin akong nakatayo sa tabi ko. Agad ko itong nilingon.
“Welcome, hijo.”, sabay pagaabot ng isang kamay. Nakangiti pa ito. Ang Daddy ni Andre.
“Welcome!!!”, sigaw naman ng mga kapatid pa nito. Naramdaman ko naman ang pagbeso ng Mommy nya. Hah?! Teka?! Anong nangyayari?!
Napansin ko na lang na halos humagalpak ng tawa si Arianne sa kinauupuan.
“And this is why I don’t bring friends over…”, sarkastikong sabi ni Andre.
“Oh my Gawd!! You should’ve seen the look on your face!!”, tawang tawa na sabi ni Arianne. Bumalik naman sa upuan ang lahat.
“Calm down, hijo. Sorry din sa ginawa naming. Family tradition, I guess?”, natatawa ding sabi ng Mommy ni Andre.
Ano daw?! Family tradition?! Ang alin?! Ang manakot ng bisita?! What the hell is wrong with these people?!!
“Anyways, I’m Aaron. Kapatid ni Kuya Andre. May boyfriend din.”, casual na pagpapakilala ni Aaron.
“Ako naman si Anne. Natakot ka ba? Sorry, ha. Pero your reaction was epic!”, pagpapakilala naman ng isa pang kapatid ni Andre.
“Geez!!!”, pagsigaw ni Andre. Napatingin naman ako.
“Pagpasensyahan mo na sila, ha. Ganyan kasi kami sa bisita. Pasensya na talaga.”, nahihiyang sabi ni Andre. Hindi ko naman alam ang magiging reaction. Halos mabaliw ako sa takot kanina, eh!
“We’ve heard so much about you, hijo. And we are thankful to have you here.”, seryosong sabi ng Daddy ni Andre.
“Po?!”, takang tanong ko.
“Yeah! If it wasn’t for you, baka watak watak na kami.”, dagdag ni Arianne.
“Po?!”, tanong ko uli.
“Oh, di sinabi sayo ni Kuya?”, singit ni Aaron.
“Sinabi na…?”
“One day umuwi sya dito ng masayang masaya. It has been months since umuwi sya dito sa bahay namin. But then inabutan nya na nagaaway kami ng Daddy nya. We were only hanging by a thread. We were ready to give up on our relationship. But then sumingit si Andre. He was talking about sacrifice is a part of being in a relationship. Kesho ang dapat na lang ay wag magtimbangan. Na walang dapat “mas” nagmamahal, nagbibigay o nagsasakrapisyo. He reminded us of how I and his dad first laid eyes on each other. Of what love was, sinabi nya na ang love isn’t simply just an emotion… It is something you do.”, ngiting sabi ng Mom nya.
“So basically right after that, naayos ang problema naming mag asawa. But then nagtaka kami kung saan nya nakuha ang mga gantong salita. We were really wondering kasi it is so not him to be saying those words. Si Andre pa ba?”, dagdag ni Arianne.
“And then we had dinner as a family. There, kinwento nya na he wasn’t sure bat yun ang nasabi nya. He never learned it. Naramdaman nya daw yun. We figured out, inlove si Kuya.”, sabi naman ni Aaron.
“And so, last night, he called us. Rush nga eh. Sabi nya lang na prepare lunch. Isasama nya daw ang rason ng lahat.”, ngiting sabi ni Anne.
“But of course we were shocked nung dumating kayong dalawa. We weren’t really expecting two guys to show up.”, pagbibiro ng Daddy nya.
“Nasurprise pa talaga kayo, ha? Paano na lang ako? I never thought na… “belong” pala si Kuya.”, dagdag na biro ni Aaron.
“Pero to sum it all up. We are happy to have you in the family.”, ngiting sabi ng Mommy ni Andre.
Hindi talaga ako nakapagsalita sa mga sinabi ng family ni Andre. I was really awed by everything that I just heard. Kahit ako, hindi ko inisip na masasabi ni Andre lahat ng yun.
“And thank you.”, dagdag na sabi pa ng Daddy ni Andre. Nakita ko sila lahat na nakangiti sakin.
“T-thank you din po…”, nahihiya kong sagot.
“SO! Hindi pa ba talaga tayo kakain?! Gutom na talaga ko.”, pagrereklamo ni Arianne. Nagtawanan naman ang lahat. At nagsimula kaming kumain.
“Surprised…?”, ngiting tanong ni Andre.
Duh! Malamang!
Ngunit napatango lang ako sabay bigay ng ngiti.
Matapos ng konti pang interview mula sa family ni Andre ay umalis na din kami. May pupuntahan pa daw kasi kami. Pero bago pa man din ako umalis ay niyakap ako ng Mommy ni Andre at taos pusong nagpasalamat hindi lang dahil sa pagsalba ko sa pamilya nila, ngunit sa pagiging mabuti ko sa anak nila. Sinabahan pa ako na bumalik kami anytime at huwag na mahiya sakanila. Nagpasalamat din naman ako.
Habang nasa sasakyan kami ay ramdam ko ang sobrang pagkasaya. I was more than happy. Nang mapatingin naman ako kay Andre ay nakangiti ito at bakas din sa mukha ang saya habang nagmamaneho.
“Sorry nga pala ulit sa pananakot ng family ko, ha. Family tradition kasi.”, natatawang sabi ni Andre.
“Family tradition talaga? Ang alin, magbigay ng trauma o heart attack sa bisita?”, pagbibiro ko.
“Pero your reaction was priceless indeed! Gustong gusto ko na nga tumawa, eh! Hahahaha!’, pangaasar pa ni Andre.
Pinagmasdan ko lang syang tumatawa. Habang ako naman ay napangiti sa sarili ko at napagisip isip ko.. Mahal nya nga akong talaga… Sabay ngiti kong muli.
Nakarating kami sa pangalawang destinasyon namin. Sa University na pinapasukan namin. Just being there brought back memories. Merong masaya, malungkot, nakakaexcite, at nakakaiyak. I remember my first time sa pagpunta dito. I was with Larc back then at kumuha ng schedule ko. Everything seemed perfect. Until… alam nyo na.
Nilagyan ako ng blindfold ni Andre.
“Huwag kang sisilip.”, sabi nito habang ginagabayan ako sa paglakad.
“Ang korny mo talaga! May ganto ganto ka pa.”, pagbibiro ko.
“Hayaan mo na.”, rinig ko.
Mga ilang minute lang din kami naglakad. Hanggang sa nakarating kami sa aming destinasyon. Kulob. Naririnig ko kasi ang echo ng yabag ko at ni Andre. Pinaupo nya ko sa isa sa mga upuan. Kinakabahan ako at naeexcite at the same time.
Halos mapatalon ako sa gulat ng makarinig ako ng malakas na tugtog ng musika. Pinakinggan ko. The song was familiar!! Ang opening ng pageant!! Agad kong tinanggal ang piring sa aking mga mata. Nasa theatre house kami kung saan kami nagppractice ng pageant noon.
Nagulat na lang ako ng may lumabas sa stage at suot ang pinang opening ko noong nakaraang pageant. Si Andoy! Nagulat naman ako dahil kakaway kaway pa ito sakin sabay pagpopose pose nya habang naglalakad. Ramdam ko ang pamumula sa sobrang tuwa.
Sumunod na lumabas si Melai na naka gown. Suot nito ng syay lumaban. Ni rere-enact nila ang nangyari noong pageant, kwela version nga lang.
Sumunod na lumabas naman si Gino at si Chelsea na naka vintage na suot. Para silang mga unang gangster pero “mas sosyal version”. Nag flying kiss pa si Chelsea at kumaway kaway. Halos maubusan naman ako ng hangin sa sobrang tuwa. Pero teka, dapat summer wear muna ha?!
Nagulat na lang ako ng biglang lumabas sila Kulas at Karen na nakapang summer wear. Suot suot ni Gino ang katulad ng sinuot kong bikini brief na may leopard na design at si Karen naman ay tinernuhan ito. Naoahiyaw talaga ako at napatayo sa sobrang saya.
Matapos ang munting presentation ay bumaba sila at lumabas din si Brian na sya namang may pinakamalaking participasyon dahil sya ang naki-usap sa school kung maaring gamitin sandal ang theatre. Agad naman akong napayakap kaila Melai, Chelsea at Karen.
“Namiss ka namin…”, pacute na sabi ng tatlong babae.
“Oo nga tol!”, dagdag pa ni Kulas.
“Pasensya nga pala, ha…”, nahihiyang sabi nila Gino at Brian. Ngumiti lang ako at kumamay sa dalawa.
Namiss ko bigla din sila. Lampas isang bwan din kaming di nagkita kita at nagsama sama. Unlike before na halos araw araw ay magkakadikit kami. Bigla ko tuloy namis ang pagaaral ko dito.
“Bumalik ka na kasi dito.”, biglang sabi ni Andoy.
Medyo nagbago ang mood ko. Bigla akong nalungkot ng bahagya. Ngayon ko napagtanto na isang alaala na lang ang lahat. Agad naman akong napatingin kay Aaron at bakas din dito ang kalungkutan.
Nag ayos muna ang mga kaibigan naming at nagbihis ng maayos. Naiwan naman kami ni Andre sa mga upuan.
Tahimik.
“Hindi mo ba namimiss dito…?”, malungkot na sabi ni Andre.
“Namiss syempre.”, casual kong tugon. Bigla itong humarap sakin.
“Pwes, dito ka na lang. Bumalik ka na lang dito. Pwede ka naman magstay sa condo ko.”, pakiusap ni Andre. Natahimik lang ako at tumingin sa mga mata nya.
“Andre… Alam mo namang…”, malungkot na sagot ko. Hindi ko alam paano itutuloy. Bahagya akong napatingin sa sahig.
“You know what, nevermind. Naiintindihan ko. Kahit ano iintindihin ko, para sayo…”, seryosong sagot ni Andre sabay yakap sakin. Sakto naman din na lumabas ang mga kaibigan namin.
Sa paglalakad naman nila papalapit sa amin ay may agad akong napuna.
“Ahem. Ahem. Teka, teka. Bakit bitbit ni Kula sang bag mo Karen?”, malisosyong tanong ko. Napangiti naman si Karen at si Kulas naman ay di makatingin. Lumapit dahan dahan.
“Ehehehe.. since nandito na naman ang lahat.. sasabihin ko na…”, kinikilig na sabi ni Karen.
“NA?!”, pagtatanong namin.
“Kami na ni Kulas. Kagabi lang.”, ngiting sagot nito.
Sa sobrang tuwa ko ay agad akong napayakap kay Karen.
“Congrats. Pero teka, kelan pa?! I mean..?”, takang tanong ko.
“After nung sa resort. Ayun, una nagtatanong lan sya kung kamusta ka at nagsorry sa nagawa nya. Tapos ayun…”, kinikilig na sabi ni Karen. Agad ko namang kinamayan si Kulas.
“Alagaan mo yang bestfriend ko, loko ka!”, pagbibiro k okay Kulas. Nahihiya naman itong kumamay din.
“Talagang umayos ka! Huwag kang aastig astig! Uumbagan kita!”, pagamba ni Karen kay Kulas.
Agad akong hinila ni Karen at nilayo ng bahagya.
“Ano na?”, tanong ni Karen.
Si Andre…
Tagumpay man sa balak na supresahin si Ryan ay bigo naman ako sa pinaapakay ko. Ang akumbinsi si Ryan na bumalik na lang dito sa Manila upang mag-aral. Kita ko ang tuwa a mukha ng lahat. Masaya din naman ako kahit papano, eh. Pero mas nangingibabaw ang lungkot dahil hindi ko makakasama si Ryan.
Nagulat ako sa announcement na ginawa nila Karen at Kulas. Sino bang magaakala na magkakatuluyan ang dalawa. At under pa talaga si Kulas, ha. Eh ang pagkakakilala ko dyan, hindi pumapayag na ma-under yan.
Masaya ako para sa dalawa. Pero hindi ko kayang i-peke ang sarili kong nararamdaman. Akala ko kasi talaga ay makukumbinsi ko si Ryan… Pero sa dating ng paguusap namin kanina ay talagang malabo na ito. Pero dapat ko syang intindihin. Mahal ko eh..
Mula sa pagkakatawag ni Karen kay Ryan ay muling bumalik ang dalawa sa grupo. May malungkot pa rin itong ekspresyon sa mukha habang nakatingin sakin. Agad itong may dinukot sa bulsa. Kinuha ang wallet at lumapit sa akin.
“Oh…”, sabay abot sakin ng isang bagay. Kinuha ko ito at tiningnan. Ang i.d. nya last school year.
“Salamat..”, malungkot kong usal.
“Para maalala mo pa rin ako kahit nasa klase ka o nasa training mo.”, malungkot din nyang usal.
“Kahit naman wala to, eh…”, sagot ko.
“Ingatan mo yan ha…”
“I will…”, malungkot kong tugon. Napatitig ako kay Ryan at sa lahat. Tahimik at bakas ang lungkot.
“Kukunin ko sayo yan next year.”, bigla nitong sabi at pakawala ng isang ngiti.
“HA?!”, gulat kong tanong.
“Sabi ko. Kukunin ko sayo yan next year. Kailangan ko yan para makapasok ulit dito.”, sabay ngiti pa ulit nito.
“I-ibig mong sabihin…?!”, gulat at galak kong tanong. Tumango lang ito sabay ngiti. Sa sobrang tuwa naman ay napayakap ako agad kay Ryan.
“Oh teka. Pahingahin mo naman yan!”, biro ni Gino dahil sa sobrang higpit ng yakap k okay Ryan.
“Alam nyo! Ang A R T E nyo! Swear!”, sarkastikong biro ni Karen.
“Babalik ka?”, tuwang tanong k okay Ryan. Naramdaman ko ang pamamasa ng mata ko.
“Oo. Ayaw mo ba?”, ngiting tugon nito.
“Pero akala ko? Akala ko. Diba, sabi mo, ayaw mo. Akala ko.”, utal kong sagot.
“Kala mo, ikaw lang ang may surprise ha! Mas nagulat ka, noh?!”, pang iinis ni Ryan.
“Oo! Pero salamat! Salamat!”, naluha kong sabi sabay yakap muli kay Ryan.
“Ang korny mo talaga…”, tuwang tugon ni Ryan sabay yakap din sakin.
“Uy, tama na yan! Magaayos pa tayo!”, pagsingit ni Kulas.
“Mag-aayos?”, tanong ni Ryan.
“Alam mo, ang daldal mo! Ang daldal mo lalake ka!!”, pagsermon ni Karen kay Kulas.
“Ano yun?”, tanong ni Ryan.
“Basta!.”, ngiting sabat ko.
Si Ryan
Ano nanaman kaya ang gimik nitong mga to?
Napansin ko na ang binabagtas naming daan ay pabalik na ng probinsya sa may amin. Ngunit kasama naming sila Chelsea at ang iba pa. Nakasakay silang lahat sa Fortuner na dala ni Kulas. Habang kaming dalawa lang sa sasakyan ni Andre.
“Masaya ka ba?”, tanong nito.
“Oo naman noh! Andyan yung halos mamatay ako sa takot dahil sa kapatid mo, tapos naging okay. Tapos mamatay nanaman sa takot dahil sa pamilya mo. Tapos okay nanaman. Tapos humagalpak ng tawa dahil sa ginawa nyo.”
“Pero mas nagulat naman ako sa supresa mo.”, pagbibiro nito.
“Alam ko.”, pagmamayabang ko.
“Salamat, ha. Ngayon, siguradong masaya na ang school year ko.”
“Aba! Kaya ayusin mo din ang pagaaral, ha! Graduating na kaya tayo!”, sagot ko naman.
“Ngayon pa! Eh kasama ko na ang inspirasyon ng buhay ko.”, sagot ni Andre.
“Wala ka talagang mintis. Korny pa din.”, biro ko.
“Kinilig ka naman.”
“Hmmm. Medyo.”
“Medyo?”
“Oo, mga tatlong patak.”, biro ko.
Nakarating na kami sa bahay. Maliit man ang bahay naming ay pinapasok ko silang lahat. Gabi na rin ng makarating kami kaya bumili na lang kami ng madaling maluto sa labas para pagsaluhan sa bahay. Isa isa ko ding pinakilala ang mga kaibigan sa aking mga magulang.
“Oh, Karen, hija. Kamusta ka na?”, pangangamusta ng mga magulang ko kay Karen. Kilala na nila ito dahil nga kaklase ko si Karen nung highschool.
“Ito tito, tita, maganda pa rin. Kayo tito, ang pogi pa din ha!”, sagot ni Karen.
“Ikaw bata ka talaga!”, tugon ng Itay.
“Buti naman at napasyal kayo dito at nakilala naming kayo.”, magiliw na sabi ng Inay sa mga kaibigan ko.
“Ang sarap nyo po magluto! May pinagmanahan naman pala talaga si Ryan!”, bungad ni Kulas.
“Ay teka!! May surpresa pa pala kami sayo Larc!”, pagsingit ni Gino at Brian. Pagkasabi ni Gino noon ay pumunta sila Andre, Kulas, Gino, Brian, Andoy, Chelsea, Melai, at Karen sa likod ng fortuner at nagbaba ng mga kung ano anong kahon. Meron din binaba galing sa sasakyan ni Larc. Nilagay daw ito ni Brian habang nagpapageant show sila Kulas.
“Oh, ano yan?”, tanong ko.
“Eh kasi naman friend. Ang hirap ng tindahan dito sa inyo.”, bungad ni Karen.
“Tsaka, pambawi ko na ito sa inyo sa pagtira ko dito. Pinabibigay nila Mommy at Daddy yan. Tapos nagambag ambag sila para dagdagan pa.”, sagot ni Andre.
Nagulat na lang ako ng binuksan ang mga box. Puno ito ng mga de lata, sabon, shampoo, chichirya, at kung ano ano pa.
“Teka, ang dami naman nito kung para samin lang. Eh, pang tindahan na to ah!! Hahaha!”, pagbibiro ko. Doon ko napansin na walang tumawa. Napatingin ako sa lahat at nakangiti lang sila.
“Teka… Ibig sabihin?”, takang tanong ko.
“Para na rin hindi pa kailangan umalis ng Itay at Inay mo. Para pwede na sila magnegosyo dito. At din a kailangan pang mamasukan pa sa labas.”, sagot ni Andre. Agad naman akong napatayo at yumakap kay Andre.
“Oh my.. Hindi ko alam ang sasabihin… Pero maraming maraming salamat. Maraming salamat talaga…”, maluha luha kong tugon at niyakap sila isa isa. Ganun din naman ang ginawa ng mga magulang ko. Hindi ko talaga inaasahan ito.
“Oh, pano! Bukas simulan na agad ang paggagawa ha! Walang atrasan!”, singit ni Brian.
“Pag gagawa?”, gulat kong tanong.
Hindi kami makapagsalita halos ng aking mga magulang sa sobrang tuwa. Kaso bigla akong may naisip na problema.
“Nako, malamang pagod na kayo at malalim na rin ang gabi. Paano tayo matutulog nyan. Eh dalawa lang ang kwarto dito? Pwede naman sa sala pero… Ah! Pwede naman kayo magstay na lang kaila Karen! Malapit lang naman ang bahay nila!”, suhestyon ko. Ngunit walang pumansin sakin at nagsipag ayos ang lahat at puwesto sa sala.
“Huy…? Pansinin nyo ko… Hello?”, pagpapapansin ko.
“Ano ka ba! Okay lang kami! Enjoy nga eh! Minsan lang to!”, pagsagot ni Gino.
“Oo nga. Okay na kami dito!”, sagot din nila Andoy at ng iba pa.
Nahihiya man ay wala na rin akong nagawa.Pinatulog naming ang mga babae sa kwarto ko. At nagtabi tabi kaming mga lalake sa sala. Kahit papano ay nagkasya naman kaming lahat.
Bago pa man din kami natulog ay tinawag ko si Andre upang makausap sandal. Kaya lumabas kami sandal ng bahay. Nagpasama na rin ako para ilock ang gate. Naupo naman kami sa upuan sa ilalim ng puno namin.
“Salamat ha… Hindi ko inaasahan lahat ng ito.”, taos puso kong pagpapasalamat.
“Wala yun. Mahal kita eh.”
“Mahal din kita.”
“Oh, himala! Hindi mo ko sinabihan ng korny!”, pagbibiro nito.
“Ewan ko sayo!”, pagbibiro ko din. Nagulat na lang ako ng sa pagtawa ko ay nakatingin ito sakin ng seryoso.
“Oh, seryoso mo dyan?”, tanong ko.
“Wala man lang ba kong kiss?”
“Kiss ka dyan! Kaka score mo nga lang eh.”, biro ko.
“Sige na. Isa lang.”
“Ayoko nga. Tsaka makita tayo. Nakakahiya. Baka sabihin nila, kaya tayo lumabas para maglampungan!”
“Bakit, hindi ba?!”
“Alam mo ikaw! Grabe ka! Hindi yun..”
“Hindi talaga? E bat namumula ka?”
“Ang kapal mo noh!”
“Waaah! Ang ingay mo..!”, biglang sabi nito at halik sakin. Napangiti naman ako habang nakalapat ang labi nya. Gumanti din ako ng halik.
“Hahalik din pala…”, biro nito.
“Ewan! Tara na! Tulog na!!”, pagngiti ko sabay lakad pabalik sa bahay.
Sa mga naghahanap po kay Larc.. Dont worry.. Pabalik na sya ^_^
nice one good job i like the story walang kalaswaan nakaka inspire.
ReplyDelete