Blogger Widgets

Thursday, December 22, 2011

The Strongest Weak Heart (Christmas Special)

             “Merry Christhmas”, ang huli kong nasabi ko habang nararamdaman ko ang pag agos ng luha ko habang nakatingin ako sa mukha ni Gino.


            Matagal na kaming nagsasama ni Gino. Mag apat na taon na din. Kung ano ang hinahanap ko na pag ibig sa isang pamilya ay sakanya ko nahanap. Don’t get me wrong. May pamilya ako at hindi ako isang ulila. Ngunit simula nung malaman nila ang kasarian ko at naging kami ni Gino ay naramdaman ko ang mas panlalamig sa akin ng pamilya. Ramdam ko na hindi nila gaano tanggap o maintindihan ang aking kasarian. Pero wala akong paki. Hindi naman kasi kami close talagang pamilya. Lagi kasi naman lang napapansin ang kapatid kong babae, si Lara. Bukod kasi sa kagandahan nya ay ubod sya ng talino. Habang ako, hindi naman talaga mahina ang utak. Karaniwan lamang ako. Though nakakakuha ako ng honors sa school, mas matataas naman ang awards ng ate ko. She even graduated valedictorian nung highschool at Cum laude nung College. Achiever talaga sya. Ito ang dahilan kaya lagi akong nakukumpara sa Ate Lara ko. At isa pa ay nagkaroon kami ng malaking away ng ate ko kaya di rin talaga kami magkasundo hanggang ngayon. Sa Daddy ko naman, isa syang opisyal sa militar, kaya galit sa bakla. Kahit pa sabihin natin na isa akong bisexual dahil nagka girlfriend naman ako noon ay dahil sa pagkakaroon ko ng relasyon sa kapwa lalake, tingin nya pa rin sa akin ay isang bakla. Ang Mommy ko naman, ay medyo naging mailap din. Takot kasi yun kay Daddy. Actually, lahat kami.

            Ako nga pala si Jake, 23 taon gulang, maputi, may hubog ang katawan dahil sa pag ggym, at may kakayanan sa buhay. Sa ngayon, si Gino ang tanging kinikilala kong pamilya. He makes my everyday perfect kahit pa ganto ang aking sitwasyon. He never fails to put a smile on my face kahit pa anong pinagdadaanan ko o ano mang problema ang meron ako. Napakagaling nya sa pag aadvice at pagencourage sakin. Kaya naman sa twing nanghihina ang loob ko, hindi ako nangangamba dahil alam kong andyan lang sya para sa akin.

            Si Gino ay kasing edad ko din lang. Sa totoo lang, childhood bestfriends turned lovers kami. Nakakatawa nga kasi dati, sakanya ako nanghihingi ng mga advice sa mga ex lovers ko. But then, I ended up falling for him. Little did I know na ganun din pala sya sa akin. And that was the start of our happy days. Si Gino ay isang intelihenteng tao, scholar sa school, gwapo, makinis at higit sa lahat ay mapungay ang mga mata na sa twing titingin sya sayo ay mas nahuhumaling ka. He always had this warm glare and gentle smile na talaga naman nakakatunaw. He is the very description of a perfect partner. Isa lang ang problema. He has a weak heart. Ever since na nadiagnose sya with a certain heart ailment, unti- unti din napapansin ang pagbabago sakanyang pangangatawan. Panahon na lang ang hinihintay namin bago sya tuluyang lumisan. One year? One month? One day? Who knows……..

            “Nakasimangot nanaman ang mahal ko.”, nakangiting sabi sakin ni Gino.

            “Bwisit kasi sa bahay! Ako nanaman ang nakita! Alam mo bem, isanag araw, lalayas na talaga ako sa bahay!!”, galit kong sabi.

            “Ikaw talaga, halika nga dito. Sabi ko naman sayo, they only want the best for you. Walang magulang na gugustuhin na mapasama ang kanilang mga anak.”, sabay yakap nya sakin galing sa likod at pilit na pinalalamig ang ulo ko.

            “Bem? BEST?! By comparing me to my sister?! Kelan pa naging tama ang magkumpara ka ng dalawang tao?!”, galit kong pagmamaktol.

            “Sabihin na natin di maganda ang way nila, pero bem, take it as a challenge to yourself na rin. Wag kang magtanim ng sama ng loob sakanila dahil pamilya mo sila.”, mahinahon nyang sagot.

            “Pamilya? Ni hindi ko nga maramdaman na pamilya kami!”

            “Mahal kong Jake, your family loves you as much as I do. Trust me. Love mo ko diba?”, paglalambing nya. Eto na, naglambing na sya. Namungay nanaman ang mga mata nya. Nawala tuloy bigla ang init ng ulo ko.

            “Mahal na mahal….”, nakangiti kong sabi. Ramdam ko ang biglang pagkalma ko lalo na nakayakap sakin si Gino habang nakatitig ang kanyang pamumungay na mata.

            “Ugh! Ugh! Ugh!”, biglang pag ubo ni Gino.

            “Oh, are you ok? Sabi ko naman kasi sayo, magpahinga ka diba? Uminom ka na ba ng gamot mo? Ayos ka lang ba?”, pag aalala kong paguusisa. Sabay kuskos sa likod ni Gino.

            “Ito naman. Para ubo lang. Nasamid lang ako sa paglunok ko. Huwag ka nga masyado mag alala dyan.”, pilt nyang ngiti sakin. Alam ko sa sarili kong may nararamdaman na talaga syang hindi maganda. Pero pilit nyang itinatago ito sa harap ko.

            “Paano ako hindi magaalala! Gino naman……”

            “Hay nako mahal ko.. Dito ka nga sa tabi ko at makayakap sayo. Higa muna tayo.”, pagaaya nya sakin.

            Nakatingin ako sa paligid ng kwarto ni Gino habang magkayakap kami. Ito ang pinaka naging comfort zone ko simula bata pa lang ako. Sa twing may hinain ako ay kay Gino ko sinasabi ang lahat. Mga accomplishments, disappointments, lahat lahat.  Hanggang sa napatingin ako kay Gino. Nakapikit lang ito habang nakayakap sa akin. Bigla akong natakot dahil naisip ko, paano pag dumating ang araw na hindi na muling dumilat ang mga matang nasa harap ko? Hindi ko alam kung paano ko kakayanin yun. Sya ang naging saksi sa lahat lahat at kabuuan ng aking pagkatao. Kung mawawala sya ay mas nanaisin ko na mawala na lang din ako. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko. Hanggang sa napapikit na lang din ako. Ayaw ko munang isipin. Ayaw kong isipin. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang paghalik ni Gino sa mga mata ko. Pagmulat ko ay nakita ko si Gino na nakatingin sakin.

            “Natatakot ka ba mawala ako?”

            Luha lang ang naisagot ko. Naramdaman ko na tuloy tuloy ng umaagos ang mga luha ko. Naramdaman ko din ang pagdampi ng labi ni Gino sa akin. Mas humigpit naman ang yakap naming sa isa’t isa. Ako lang siguro ang kaisa isang tao na ayaw magkaron ng bukas. Para hindi na matapos ang isang araw ng masigurado kong hindi lilipas ang panahon para sa mahal kong si Gino…

            “Polvoron?”, nakangiting alok ni Gino kahit pa may luha pa rin sakanyang mga mata.

            “Salamat.”, tanging naitugon ko. Alam kasi ni Gino na ispesyal sa akin ang polvoron. Nung bata pa kasi ako, naniniwala ako na may magic ito at pag kumain ka nito ay mawawala ang kahit anong lungkot at sakit na nararamdaman mo..

            Naging madalas ang pagbisita ni Gino sa bahay namin kahit pa pinipilit ko na ako na lamang ang pupunta sakanila para hindi nya na kailanganin pang lumabas. At isa pa ay ayaw ko din sya sa bahay. Kahit pa hindi naman sya ganoong minamata ng aking pamilya dahil na rin sa bata pa lang sya ay pumupunta na sya dito sa bahay, ay ramdam ko pa rin ang mga matang nakatitig palagi sa amin. Alam kong hinuhusgahan pa rin nila kami. Pffff.. Kahit pa sa gantong sitwasyon ni Gino ay di man lang nila pinalagpas.

            Isang araw, bwan ng Nobyembre, ay bigla akong niyaya ni Gino na magpunta sa Enchanted Kingdom. Dito din kasi ang unang date naming nuong nagliligawan pa lang kami. Agad naman akong pumayag ngunit..

            “Ano?! Kasama si Ate Lara?!”, maktol ko kay Gino.

            “Oo mahal ko. Gusto ko lang makasama si Ate Lara uli. Matagal na panahon na simula nung nakasama ko syang lumabas. Ang huli ay bago naging tayo. Namimis ko na rin kasi sya.”, mahinahon na paliwanag ni Gino sa akin. Wala naman akong nagawa. Kaya pinilit ko ang Ate Lara ko na sumama kahit alam kong tatanggi sya. Pero for some reason, napapayag ko sya. Bored din daw sya sa bahay at tsaka isa pa ay ako naman ang taya.

            Nasa byahe kami at tahimik ang lahat. Habang nagddrive ako ay nakaupo lang sa tabi ko si Gino, nakatingiin sa paligid at sa mga taong nadadaanan namin. Si Ate Lara naman ay nasa likod lang at nakikinig ng music sakanya ipod. Naging maayos naman ang byahe naman at maya maya pa’y nakarating na kami.

            Pagkadating na pagkadating ay tinanong ko agad si Gino kung ayos lang ba ang pakiramdam nya. Medyo malayo din ang naging byahe namin. Gusto kong siguraduhin na okay sya bago kami pumasok dahil siguradong mapapagod kami sa loob dahil sa kakalakad at kung sakaling sasakay kami ng mga rides.

            Una kaming sumakay sa Carousel. Kahit pa malalaki na kami ay pumila kami. Halos puro mga bata ang nakapila pero pinilit kami ni Gino na dun muna sumakay. Maya maya ay kami na ang sasakay.

            Bakas sa mukha ni Gino ang tuwa. Animo’y bata din sya na ngayon lang nakasakay sa Carousel. Titingin tingin pa sya sa paligid at minsan ay tumatayo tayo pa sa kabayong sinasakyan nya. Nakakatuwang pagmasdan.

            “Ate Lara, naalala mo ba yung iniwan natin si Jake at tayo lang ang sumakay ng Carousel nung minsan magpunta tayo sa peryahan?”, tanong ni Gino kay Ate Lara. Natahimik si Ate Lara. Ngunit kapansin pansin din ang biglaan nyang pag ngiti. Inaalala ang nangyari nung araw na yun.

            “Oo naman. Iyak ng iyak si Jake kasi hindi natin sya sinama. Hahahaha!”, masigasig na tugon ni Ate Lara. Aaminin ko, medyo nagulat ako. Dahil after a long time ay narinig ko ulit syang tumawa at nakita ko syang masaya.

            “Nakakatuwa pa rin ang tawa mo Ate Lara. Parang walang kaproble problema.”, ngiting tugon ni Gino kay Ate Lara. Napansin kong napatingin sakin si Ate Lara sabay biglang alis ng kanyang mga ngiti at balik sa suplada nyang mukha.

            Kung saan saan kami sumakay. Pero sa bawat sakay namin ay sinisigurado kong okay si Gino. Ayoko may masaman mangyari sakanya. Ngayon pang papalapit na ang pasko. Ito rin kasi ang araw na naging kami ni Gino.

            Masaya ang paglalakad namin at pagsakay sa mga rides. Parang bumalik kami sa panahon na mga bata kami at nasa peryahan. At sa paglalakad namin ay napadaan kami sa roller coaster.

            “Ate Lara, diba sabi mo, gustong gusto mo sumakay dyan kaso takot din ang mga kaibigan mo at ayaw ka din naman samahan ni Jake?”, pilyong ngiti ni Gino.

            “Mahal, hindi pwede dyan. Delikado yan para sayo. Alam mo namang….”, pagtanggi ko.

            “Alam kong yan din ang sinabi mo nung unang beses kitang niyaya na sumakay. Sapilitan pa kitang napasakay. Okay lang ako. Gusto ko lang din talaga sumakay..”, ngiting sabi ni Gino sabay pagpupungay nya ng mga mata. Naloko na! Wala nanaman akong nagawa kundi pumayag.

            “Oh sige, hihintayin ko kayo dito sa may food court. Total, kaharap lang naman.”, sabay yakap naman sakin ni Gino dahil sa pagpayag ko sa gusto nya.

            Habang nakaupo ako sa may food court ay naalala ko ang lahat lahat sa amin ni Gino. Ang first date namin dito, ang first anniversary namin sa beach, ang mga masasayang monthsary sa mga restaurant o kaya naman ang pagluluto naming dalawa para mas masaya, at kungg minsan, ay cinecelebrate naming sa hospital dahil bigla syang isinusugod.

            Maya maya ay nakita kong naglalakad na papuntang food court si Gino at si Ate Lara kaya agad naman ako naglakad para salubungin sila. Gusto ko muna icheck kung okay lang ba si Gino. Pero medyo nagulat ako dahil nakita kong tulala si Ate Lara at medyo naluluha luha ang mata habang nakatingin sakin. Hindi ko alam, nasobrahan ba to sa shock kaya nagkaganto? Naramdaman ko na lang na bigla nya akong niyakap na sadya ko namang ikinagulat ng sobra.

            “A-a-ate? Ok ka lang?”, utal kong sabi.

            “Huh.. Oo, natakot lang talaga ako sa roller coaster. Akala ko kasi mahuhulog ako galing sa taas. Pasensya na.”, sagot ni Ate habang nakayakap sya sakin. Naramdaman ko din ang pag iyak nya.

            “Ate, ok lang yan. Atleast, nakasakay ka na diba?”, nakita ko naman si Gino na nakangiti lang sa amin.

            Pagtapos ng sandaling yun ay alam kong may nagbago. Hindi man gaano kahalata. Pero ngayon, ikinagugulat ko ang pagkatok ni Ate sa kwarto ko at pagyaya sakin pag kakain na kami. Medyo naninibago talaga ako. Ngunit hindi lang yun ang nagbago, pati ang pakikitungo sakin ng lahat sa bahay ay nag iba. Hindi na ganoon kasungit ang Daddy sakin. Si Mommy naman ay tinatanong ako kung may gusto ba kong ulamin. At si Ate naman ay nakikinood sa akin twing nanonood kami ng dvd ni Gino sa entertainment room namin na hindi naman nya ginagawa noon. Hindi ko na rin masyado nararamdaman ang pagmamata sa amin ni Gino hindi tulad dati. Dahil kaya ito sa lumalalang sitwasyon ni Gino? Kaya naawa sila at nagpapakitang tao sa amin?

            Isang araw bago magpasko. Umaga pa lang ay nakahiga kami sa kwarto ni Gino at nagkwekwentuhan habang magkahawak ang aming mga kamay. Sinasariwa namin ang lahat ng alaala na nagdaaan samin. Hindi lang as lovers, pero as bestfriends. Mga kalokohan at mga problemang napagdaanan naming. Mga masasayang sandal at mga panahon na gusto naming ibaon sa limot. Bigla akong napatingin kay Gino. Medyo namumutla na talaga ang ichura nya. Ito yung mga sandali kung saan gustong gusto kong itigil ang oras at iniisip ko nanaman n asana wag na dumating ang bukas. Sana ganto na lang.. Para hindi na ko mangangamba na mawala pa sakin si Gino.. Ang taong minamahal ko ng buong puso.

            “Bem.. pwede mo ba ko ikuha ng tubig? Nauuhaw kasi ako. Hindi ako makatayo.”, nakangiti pa ring sabi ni Gino kahit bakas sakanyang mukha ang paghihirap. Tumango lang ako kahit naramdaman ko ang biglaang pagpatak ng luha ko. Agad akong pumunta sa kusina at kumuha ng tubig. Ngunit pagbalik ko, nakita ko si Gino na hindi kumikilos at halata ang hirap nya sa paghinga. Nagpanic naman ako kaya agad kong tinawag ang Mommy nya at dinala namin sya sa hospital.

            Pagdating na pagdating namin sa hospital ay agad pinasok sa emergency room si Gino. Habang ako naman ay hindi mapakali. Nararamdaman kong gumuguho ang kinakatayuan ko sa sobrang gulo ng utak ko. Maya maya ay lumabas ang doctor at umiling ito. Dinala na lang daw nila si Gino sa isang kwarto at oras na lang ang hihintayin bago tuluyang umalis si Gino. Napatingin ako sa mommy ni Gino, umiiyak ito at may kausap sa cellphone.

            Tuliro akong napaupo sa sahig. Biglang nablanko ang utak ko. Gusto kong umiyak pero walang mga luhang tumutulo. Tinatanggi ko kasi sa isipan ko ang mga nangyayari. Okay lang si Gino. Isa lang to sa mga attacks nya. Hindi pwede ngayon. Mag papasko na mamaya, 4th year anniversary din namin. Magiging okay siya. Alam ko. Magiging Okay siya. Hanggang sa di ko namalayan na umiiyak nap ala ako. Hindi ko alam kung kelan tumulo ang mga luha ko. Pero parang biglang nagsink in sakin lahat ng mga nangyayari. Unang pumasok sa alaala ko ay ang ngiti ni Gino. Kailangan ko makita ang ngiting yun. Natataranta ako. Dyos ko po! Wag muna…

            Agad kong tinakbo ang chapel ng hospital. Dito ko binuhos ang luha ko. Nagmaka awa ako  sa harap ng Panginoon na wag muna. I was willing to give my life para lang ma extend ang buhay  nya kahit isang araw pa. Huwag muna ngayon. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang isang kamay sa balikat ko.

            “Mommy………”, bigla kong yakap sa aking Mommy. Kasama nya din si Daddy at si Ate Lara. Niyakap din ako ni Daddy at ni Ate Lara.

            “Anak, hindi ko alam na ganto ka palang nasasaktan na. Araw araw mo itong pinagdadaanan. Ang takot na mawala si Gino. Pero mas pinili kong pairalin ang galit ko. Ang galit ko sa mga bakla. Ayaw ko kasing malihis ka ng daan. Gusto ko magkaroon ng sarili mong pamilya balang araw. Pero ng kausapin ako ni Gino ay parang bigla akong namulat. Ako dapat ang unang sumuporta sayo. Hindi si Gino. Ako ang ama mo at kami ang pamilya mo, per okay Gino mo nahanap ang dapat na sa amin mo nakuhang appreciation. Ngayon ko naiintindihan ang lahat.”, sabi ni Daddy sabay hawak sa aking mga kamay.

            “Anak, naaalala mo ba nung maliit ka pa? Sa twing natatakot ka o nalulungkot ka ay gusto mong hinahawakan ko ang kamay mo dahil lage kong sinasabi sayong isusumbong ko sa military ang kung ano mang dahilan ng kalungkutan mo. Heto anak ang kamay ulit ni Daddy, at ngayon hinding hindi na bibitaw ang Daddy.”, naluhang sabi ni Daddy. Bigla ko namang naramdaman ang pagyakap sakin ni Ate Lara.

            “Jake, I’m so sorry… Naaalala mo ba yung bumaba kami galing sa roller coaster ni Gino. I hated you for the wrong reason. Sinabi kasi sakin ni Gino ang dahilan ng pinagawayan natin noon. Nung bigla mongg pinalayas ang boyfriend ko at kinasahan ng baril pag nakita mo pa syang umapak sa bahay. Nagalit ako sayo noon dahil akala ko ay binastos mo sya. Yun pala, ayon sa sabi ni Gino ay nakita nyo si Arvin minsan sa isang bar na may kahalikang ibang babae. Kaya pala ganun na lang ang galit mo kay Arvin. I’m so sorry hindi ako naging mabuting Ate sayo. Ako dapat ang nagaalaga sayo bilang nakakatanda pero ako pa pala ang iniisip mo. I’m so sorry Jake……”

            Wala akong nasabi kahit isang salita. Nagiiyak lang ako. Kaya pala nagbago ang pakikitungo sa akin ng aking pamilya. Lahat pala ay dahil kay Gino. Totoo pala ang sinabi nya. Na mahal ako ng pamilya ko. Naalala ko bigla ang mga ngiti ni Gino na sya namang lalo kong kinaiyak.

            Pagtapos n gaming paguusap sa chapel ay tinungo na naming ang kwarto kung asan si Gino. Halatang halata sa kanyang mukha ang paghihirap. Alam kong anu mang sandal, mawawala na sya sa amin. At dadating na ang kinakatakutan ko. Ang hindi na muling pagmulat ni Gino. Agad akong nagtungo sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya. Dahan dahan itong dumilat at tumingin sakin.

            “B-bem-bbem.. M-ma-hal na m-ahal k-ita. T-an-daan m-mo y-ung s-si-nabi k-ko s-sayo ha. I l-love y-ou so m-uch.”, nakangiti nyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko napigil ang aking emosyon at hinayaan ko lang umagos ang mga luha ko. Sumenyas naman sya sa akin na lumapit at dahan dahang hinalikan ang mga labi ko. Pagkalas ko ay kita ko naman ang sobrang paghihirap sa kanyang mukha.
            “Mahal kong Gino. Pahinga ka na. Kung pagod ka na. Pahinga ka na. Huwag mo na kami isipin. Pahinga ka na mahal ko. Mahal na mahal kita. At di ko malilimutan ang lahat ng sinabi mo. I love you. I love you so much mahal kong Gino.”, hirap na hirap kong sinabi.

            Nakita kong tumingin si Gino sa wall clock ng kwarto. 12: 03. Sabay tingin nya ulit sakin.

            “M-me-rry C-Christ-mas.. H-ha-ppy 4th y-ear a-an-nipv-ver-sa-ry. I l-love y-ou so m-uch..”, nakangiti nyang sabi sakin.

            “Merry Christhmas. Happy 4th year anniversary. I love you so much mahal kong Gino.”, ang huli kong nasabi ko habang nararamdaman ko ang pag agos ng luha ko habang nakatingin ako sa mukha ni Gino. Hanggang sa nagbigay ito ng huling pisil sa mga kamay ko. Agad naman akong humalik sakanya at gusto kong hulihin ang huling hininga nya. Hanggang sa iyakan na ang narinig ko sa buong kwarto.

            Nakayakap ako kay Gino habang inaaalala ang lahat ng aming nakaraan. Hindi ko alam na magiging ganto pala kasakit ang sandaling ito. Araw araw ko mang pinaghandaan ay hindi ko pa rin pala kaya. Ngayon, ang lahat ng kay Gino ay isang magandang alaala na lamang. Hindi, isa syang parte ng pagkatao ko. Binigay nya sa akin ang lahat ng kanya. At ibinalik nya pa sakin ang dati kong nawala, ang aking pamilya.

            Sunod kong namalayan ay nasa loob ako ng aking kwarto at nagbibihis para sa lamay ni Gino. Nakaupo ako sa aking kama at nakaharap sa salamin. Hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Sa biglaang pagkawala ni Gino. Ngayon pang araw ng pasko at 4th anniversary naming. Kung dati ay buong galak naming sinasalubng ang araw na ito, ngayon, ni hindi ko alam kung saan at paano magsisimula ngayong wala na sya. Naramdaman ko na pumatak muli ang luha mula sa aking mga mata. Kinakain ako ng sakit at kalungkutan. Nang biglang may kumatok at pumasok.. Si Mommy.

            “Anak……”, agad nyang bungad at abog sa akin ng isang plastic. Agad ko itong binuksan. Ngunit pagbukas ko ay mas lalong umagos ang mga luha ko. Isang plastic bag ng polvoron. May inabot ding sulat sa akin si Mommy. Binuksan ko agad at ito ang nilalaman..

            “Dear Mahal kong Jake,

                        By the time na mabasa mo ito ay nangangahulugan lang na wala na ako. Noon, natatakot akong mawala at dumating ang araw na mabasa mo ito. Pero I guess, wala tayong control sa sitwasyon.

                        Sabin g Doctor ay nalalapit na daw ang oras ko. Kanina, paguwi natin galing sa hospital ay sobra akong natakot. Hindi dahil sa alam kong mamatay na ko.. Kundi dahil natatakot ako at nalulungkot dahil narealize ko, sa sumpaang ginawa nating dalawa ay ako ang sisira. Ako ang unang mangiiwan. Napakasakit dahil ang dami ko pang gustong gawin kasama ka. Pero masaya na rin ako, dahil minsan sa buhay ko, naramdaman ko ang magmahal at mahalin.

                        Ginawa naming itong polvoron na to ng minsang dumalaw ako sayo. Kaso inutusan ka daw ni Tita kaya hindi mo alam. Minabuti ko na rin na wag muna sabihin. Dahil magiging sakto ito sa oras na to. Natatandaan mo ba nung sinabi mo nung bata pa tayo? Na pag kumain ka ng polvoron ay may magic ito? Na lahat ng kalungkutan at problema mo ay mawawala? Kaya ginawa ka naming ng sangkaterbang polvoron. Wala na kasi ako para making at punasan ang mga tutulo mong luha.

                        Nakausap ko na ang Tito at Tita. Alam kong tutol sila sa ating relasyon dahil na rin sa gusto nilang magkapamilya ka balang araw. Naiintindihan ko sila dun. Pero sinigurado ko sakanila na matutupad yun. Dahil alam naman nila na malapit na ang pag alis ko at sinabi ko sakanila na mas kakailanganin mo sila sa gantong panahon. Napaluha ako ng marealize din nila na malayo na ang loob nyo sa isa’t isa. Simula ngayon daw ay magbabago na ang lahat.

                        Ikaw talaga bem, hindi mo din pala talaga sinabi ang totoo kay Ate Lara about kay Arvin. Pasensya ka na kung sinabi ko sakanya nuong araw na sumakay kami sa roller coaster. Ginawa kong excuse ang pagsakay dun para makausap ko sya. Alam ko naman na mahal na mahal mo ang ate mo. Masyado ka lang pa macho kaya ayaw mo sabihin sakanya. Pasensya na ulit ha. Pero sigurado ko, magiging ayos na uli kayong magkapatid.

                        Bem, tulad ng sabi ko sayo, your family loves you as much as I do. Kaya kung mahal mo ako, ay mahalin mo sila. Huwag mong ilayo ang loob mo sakanila. Dahil ang bawat alaala na meron tayo ay ipamahagi mo sakanila. Ipakita mo ang naging resulta n gating pagmamahalan.

                        Bem, nararamdaman ko na malapit na ang panahon ko. Nararamdaman ko sa katawan ko na nanghihina na ako. Pero tulad ng pinangako ko, hihintayin nating sabay ang pasko, at syempre, ang anniversary natin. Pangako, aabot tayo..

                        Ito na ang mga huling katagang maiiwan ko sayo bem.. Sana pakaingatan at tandaan mo ang sasabihin ko..

                        Mahal kong Jake, kung bumigay man ang katawan ko ngunit ang puso at pagmamahal ko sayo ay hindi bibitiw. Mamahalin kita hanggang sa kabilang buhay. Kung saan man ako mapunta, sisiguraduhin ko na babantayan kita. I love you so much mahal ko.. I love you till the day after forever…..

                                                                                                Mahal mong Gino :)”


            Bumuhos ang aking luha kasabay ng agos ng damdamin ko. Npahawak ako sa aking mga labi at pilit na inaalala ang pakiramdam ng mga halik ni Gino. Napapikit ako. Sa aking isipan ay nakita ko ang mga ngiti ni Gino habang nakatingin sa akin ng may mapupungay na mata. Narealize ko na maaring namatay nga ang kanyang katawan, ngunit hindi ang alaala at pagibig nya. Mananatili sya sa aking puso habang buhay….

            “Anak, binilin yan sa akin ni Gino. Na kung dumating man ang iras na to ay ibigay ko ang polvoron at sulat na yan sayo. Anak, hindi ko alam na naniniwala ka pa rin pala sa sinabi ko na may magic ang mga polvoron. Bata ka pa noon nung una kong sinabi ko yun sayo. Hindi ko alam na dadalhin mo ito sa iyong paglaki. Pasensya ka na anak ha.. Hindi kita nasuportahan sa naging decision mo. Pero hayaan mong ang polvoron na ginawa naming ni Gino para sayo ang bumawi sa pagibig ko para sayo. I love you anak…”

            Napakayap lang ako kay Mommy at gumaan ang aking paramdam. Binigay ni Gino ang pinaka magandang regalo sa akin, ang kanyang pagmamahal at ang aking pamilya. Nakuha ko na ring patawarin ang aking pamilya. Napahalik lang ako sa aking Mommy. Kinuha naman nya ang kamay ko at niyaya na papunta sa lamay ni Gino.

            Hindi ko man alam kung paano pa haharapin ang bukas ngayong wala na si Gino. Pero alam kong lahat ng iniwan nyang aral sakin ay magagamit ko. Ang akala ko ay hinahanda ko ang sarili ko para sa sitwasyon na to, pero si Gino pala ang naghanda ng lahat para sakin. He really is the very definition of a perfect partner. Mapagmahal, mapagbigay, mapagintindi, lahat na ata na sakanya. He is the person with the strongest weak heart.


Sunday, November 13, 2011

Minahal ni Bestfriend (part 22)

 Sa lahat ng readers at followers ng blog na ito, ako po sana ay may konting favor sa inyo. At sana pagbigyan nyo po ako dito.


            Kasali po ang ating minamahal na writer na si MICHAEL JUHA, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan", at maraming pang storya na ating minahal at sinubaybayan. Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)


            Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
             PEBA ENTRY - PANTALAN
             http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html
           
             Pangalawa, BUMOTO sa POLL: (#24 Entry. Michael's Shades of Blue.)
             POLL VOTING

             Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)


             Una sa lahat,PASENSYA NA PO TALAGA SA SOBRANG LATE UPDATE. sobrang busy po kasi talaga ngayon sa trabaho.. Halos wala na rin po ako time para sa sarili ko dahil po sa sobrang busy.. Pero eto po.. Sana magustuhan nyo po ang update ko.. Ahm, malapit na rin po pala ito matagpos, so sana, abangan nyo hanggang dulo.. Thanks po!! Mwah!! :)



             Muli ay gusto ko pong magpasalamat kaila Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, ang utol kong si dhenxo, Jeffrey Paloma, Erwin Fernandez, yamiverde, MM, zekie, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! J , Emray08, Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! J), 07, iNNOH, Jayzon13, RLM101, johndave, Soulburn, Kristofer Lein Ylagan, riku13, rei, bharbzz, flashbomb, jazzmotus, blue, RGEE, Coffee Prince, Free Movie Downloads, Andrei, jesome colagong,  JhayCie, Jaro, John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, psalm, sesylu, maakujon, bluecho13, Neon, nick.aclinen, Jhay L, rheinne, jesome, Uri_KiDo, dada, Cyrus Perez, Mars, wastedpup, mico, wisdom, jex, -SLUSHE_LOVE-, pisceskid06, Ernes aka Jun, ZILDJIAN, Dave17, Ako si 3rd, Steffano, Ross Magno, M.V, JC, roman (roohmen), kokey, Brian_stephens, pink 5ive, ram,  alex tecala, J.C, , Jay, Erion, DM, Ace, russ, Jay, Jayfinpa, X, JV, my fb friends na naghihintay din..  at lalo na po kay “JEH”, sa bago kong kumapre na si “yos” (pare ko!! Apir!!!!),  “Jayfinpa”, “Brent Lex” na lageng naghihintay at walang sawang nagcocomment ng ilang beses sa bawat chapter.. At sa mga Anonymous at silent readers ng story thanks po talga sa inyo.. Maraming maraming salamat po talaga.

            Gusto ko din po magpasalamat sa aking “bembem” na walang sawang sumusuporta at nagbibigay pagmamahal sa akin. Salamat sa lahat ng tiwala na binigay mo sa akin. Alam ko andyan ka for me plagi.. And for that, I;m very very thankful. J Love lots!! J


   COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!!!


>>>> Sya nga po pala, tulad ng ipinangako ko sa lahat, na magpapakilala ko sa inyong lahat. Well.. ito na po ako. :)



>>>>> dark_ken






“Philip.. Can we pretend that I’m yours….? Even just for tonight….?”, sambit ni Jerry sakin.

            Nagulat at nabigla ako sa sinabi ni Jerry na yun. Hindi ako nakaimik. Pero sa reaksyon at mga titig nya, alam kong seryoso nya. Naramdaman ko na lang na nangingilid ang mga luha ko hanggang sa napayakap ako sakanya. Niyakap ko sya ng pagkahigpit higpit. Yung tipong yakap na walang bukas. Kahit pa hindi ko maintindihan ang nangyayari ay napakasaya ako. Wala na kong paki kung for tonight lang. Kahit pa 1 hour lang yan. Kung makakanya ko sya ng buo buo ay kaya kong isugal ang kahit ano. Ginantihan naman nya ito ng isang mainit na yakap din.

            Naging napakasaya ng bday kong ito. Ito na ata ang pinakamasayang regalo na naibigay sakin ng kahit nino man. Naalala ko na same date last year ng una kong nakumpirma na minamahal ko na ang kaibigan. At ito ngayon, bday ko ulit, at tuluyan syang naging akin. Kahit pa ngayong gabi lang…

            Halatang halata ng lahat ang pagiging sadya kong mas pagkamasiyahin ng particular na gabing yun. Kahit pa ng mama ko at ng kapatid ko.

            “James, bat ang saya saya ng kapatid mo?”, tanong ni mama ng nakatawa.

            “Nako inlove yan ma! Jackpot yan ngaung gabi! Hahaha!”, tawa tawang tugon ni James.

            “Mukha nga ee oh! Abot tenga ang ngiti ee oh! Tingnan mo nga yang ngiti ng anak ko oh! Kaganda! Hahahaha!”, masayang dagdag ni mama.

            At totoo, ako na ata ang pinakamasayang nilalang ng gabing yun. Wala akong sinayang na oras para hindi iparamdam kay Jerry ang tunay kong nararamdaman para sakanya.

            “Ma! Ito oh! Bat ako masaya!”, sabi ko kay Mama habang naka akbay kay Jerry.

            “Oh, Jerry anak, nagkamali ka jan sa anak ko! Hahahaha! Sabihin mo pag niloko ka nyan, uumbagan natin! Hahaha!”, casual na sabi ng mama ko kay Jerry. Nang tingnan ko naman si Jerry ay halata ang pagtataka sa kanyang mukha. Natawa naman ako.

            “Jerry, dito kasi sa bahay. Bawal magtago ng sama ng loob at ng sikreto. Kaya alam na nila lahat. Huwag ka magalala. Tanggap naman na nila.”, nakangiti kong pagpapaliwanag kay Jerry. Kita ko naman ang pamumula ni Jerry. Parang hiyang hiya to sa mga nangyayari.

            “Jerry, I don’t care if its just for tonight. Mahal kita noon pa. At mas mamahalin pa kita bukas…..”, seryoso kong sinabi habang nakatingin sa mga mata ni Jerry.

            Nagsimula at natapos ang party na sobrang saya ko. Wala na kong mahihiling pa. Even if it’s only a one night romance. Ang importante, akin sya.

            Pagtapos ng party ay nagayos na kami ng mga kalat at dali daling nagpahinga. Time check, 3am. Niyaya ko na si Jerry sa kwarto ko para makapagpahinga. Binigyan ko sya ng twalya at damit pampalit. Agad agad naman sya naligo. Pagtapos nya ay ako naman. Kahit pa tapos na ko maligo ay ramdam ko pa rin ang pagkalasing. Hindi pagkalasing sa alak kundi ang pagkalasing sa emosyong aking nararamdaman.

            Pagbalik ko ng kwarto ay nakita kong nakahiga na si Jerry sa kama sa tabi ng pader. Kahit pa pagod na ay ramdam ko pa rin ang energy dahil sa sayang nararamdaman. Agad akong humiga sa tabi ni Jerry.

            “Philip..?”

            “Oh?”

            “Natatandaan mo ba nung last birthday mo na naglasing lasingan ka?”

            “Hahaha! Lasing talaga ako nun noh! Ang dami nyo kayang pinainum samin ni kambal noon!”

            “Simula nung gabing yun. Hindi ka na nawala sa isip ko..”, nararamdaman ko ang pagkagaralgal sa boses nya. Umiiyak ba sya?

            Pagtingin ko sakanya ay nakita kong umiiyak nga sya.

            “Bat ka umiiyak?”, pagaalala kong tanong.

            “Masaya lang ako ngayon. Hindi ko kasi akalain na makakatabi pa kita sa kamang to. Ang tagal kong hinintay tong sandaling to ulit.”, umiiyak nyang sinabi.

            Sa sinabi nyang yun ay di ko na din napigilang hindi umiyak. Hindi ko akalain na maririnig ko ang mga salitang to mismo galing kay Jerry. Isang taon ang sinayang ko. Pero sulit na rin ang isang taong paghihintay kahit pa sa isang gabing magiging akin sya.

            Tumagilid ako sa direksyon ni Jerry at nilapit ang mukha ko sakanya. Kinakabisado ko ang bawat hugis ng kanyang mga kilay, mata, ilong, mukha, pisngi, bibig, baba at ang buong kabuuan nito. Kahit pa ngayong gabi ay ayaw ko kalimutan ang sandaling ito. Nakita ko itong nakangiti ng bahagya habang dumadaloy pa rin ang luha sa kanyang mga mata. Nagtitigan kami ng umiiyak.

            At doon, dahan dahan ko sya hinalikan. Pagtapos ng matagal na panahon, nahalikan ko ulit ang mga labing yun. Ang mga labing akala ko ay di na muling dadampian ng aking mga labi. Punong puno ng emosyon ang pagkakahalik kong yun. Banayad, swabe, punong puno ng pagmamahal. Hanggang sa naramdaman ko din ang paghalik nya sakin at ang paghawak nya sa aking mga mukha.

            Gumapang ang mga halik ko papunta sa kanyang pisngi, sa baba, sa bagang paakyat sa likod ng tenga, hanggang sa leeg. Ramdam at rinig ko ang pagdaing ng emosyon sa bawat isa. Ang romansang binuro ng panahon na ngayon aming pinagsasaluhan.

            Pinagsaluhan naming ang gabi na punong puno ng pagmamahal at emosyon. Nararamdaman ko parin ang mga kamay nya sa aking mga mukha. Hinahaplos haplos ito ng buong pagkaswabe. Napakasarap sa pakiramdam.

            Maya maya ay tumahimik ito at narinig ko na lang ang mahihinang hikbi.

            “Anong problema Jerry?”

            “Philip, pwede humingi ng favor sayo?”

            “Kahit ano Jerry…”

            “Pwede bang ihatid mo ko?”

            “Sa inyo? Bukas nlng. Pwede ka naman matulog dito.”

            “Hindi Philip.”

“E san ka pupunta?”, kinakabahan kong tanong.

“Mamaya ang flight ko papuntang Japan.”

            “Huh!? Aalis ka?!”

            “Oo. Dun ako magcecelebrate ng xmas with my family. Don’t worry ill be back first week ng January.”

            “Babalik ka ha….”, malungkot kong sabi.

            “I will.. Sunduin mo ko ha…”

            Malungkot man ay nagbihis na kami para ihatid sya sa airport. Yun ba ang ibig sabihin nya sa one night only romance namin?

            Magkahawak kamay naming tinahak ang daan papuntang airport. Magkatingin lang aming mga mata at ito na ang naguusap para saming dalawa. Madaling araw yun kaya mabilis lang ang byahe ng taxi papuntang airport. Pero it was the longest 20 mins of my life.

            Bumaba kami ng taxi at dali daling naglakad. Still, hindi nya binitawan ang mga kamay ko. Maya maya ay nagulat ako sa nasaksihan. Nakita ko si coach, may dalang maleta at tila ay hinihintay si Jerry.

            “Phil, kilala mo na si coach diba?”, casual na tanong ni Jerry.

            “WTF?! Anong eksena to?! So this what he meant by one night only. Kasi after, babalik na sya muli sa piling ni coach.”, masakit na sinasabi ng utak ko sa sarili.

            “Yeah, ofcourse.”, banggit naman ni coach sabay abot ng kamay na parang nakikipagkilala. Inabot ko ang kamay nya and we just gave each other a firm handshake.

            “Kasama sya?”, kinakabahan kong paguusisa.

            “Hahaha! Hindi noh! We just agreed na magkita dito. E hassle naman kung may dala akong maleta sa bday party mo. So pumayag sya na sya na lang ang magdadala ng gamit ko dito sa airport.”, natatawang sagot ni Jerry.

            “Oh, Jerry, nagsiksik pala si mama ng menudo sa check in luggage mo. Para naman di mo mamis ang pinas at si mama. Hihintayin namin ang pagbabalik mo.”, nakangiting sabi ni Coach kay Jerry. I felt very uneasy. Bat pa ba ko sumama sama dito kung ito din pala ang eksenang aabutan ko.

            “Wow! Ang sweet talaga ng mom mo. Thanks paki sabi. Anyways, I have to get inside. Magchecheck in pa ako.”, simpleng sagot ni Jerry.

            Hindi ko ba alam. Pero those words alone are enough para durugin ang puso ko. To think na kilala na rin pala ng parents ng lintik na Coach na yan si Jerry. Ano pang laban ko? E mukhang tight na sila. I was just a one night affair.

            Bago tuluyang umalis si Jerry ay lumapit ito sa akin. Nakita ko ang mga mata nyang namumuo ng luha. At the same time, nakangiti sya. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga ngiti at luhang yun. Could it be his sad goodbye and thank you for what happened tonight? Or is it something else? Hindi ko na alam. Ayaw ko na mag expect. Masyado nang masakit para sakin ang mga nasasaksihan ko. Napaluha na rin ako. Hinawakan nya ang mga mukha ko.

            “Im not crying because I’m leaving. We both know na babalik ako agad. Umiiyak ako dahil masaya akong andito ka.”, puno ng emosyon na sabi sakin ni Jerry sabay naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi ni Jerry sa mga labi ko. Napapikit ako.  This must be it. Its his farewell kiss..

            “Ahem! Jerry, oras na. Baka malate ka pa.”, biglang epal ni Coach. Lintik na! Badtrip!

            “Yeah, I know. I’ll see you when I get back. Thanks Ming.”, nakangiting sabi ni Jerry kay Coach.

            “I’ll see you when I get back…..”, paulit ulit na umiikot sa utak ko. I wish sakin nya sinabi yun. Pero hindi, kay coach nya sinabi. Masakit sa damdamin. Pero wala akong karapatang magreklamo. Wala akong lugar.

            Kitang kita ko si Jerry na naglakad palayo at pumasok na ng tuluyan sa airport. Napapahid ako ng luha. Alam ko halos 2 weeks and half lang sya mawawala, pero malungkot pa rin. Ganto pala ang feeling ng may umaalis na kamag anak o minamahal sa buhay. Kahit pa alam mong babalik sya ay nakakalungkot panoorin ang pag alis nila.

            “Okay, lemme get this clear. Show’s over.”, matigas at maangas na sabi ni Coach sakin.

            “Huh?!”, matigas na sagot ko kay coach.

            “Narinig mo ko diba?! What ever happened tonight, was just for tonight. He just felt bad for you dahil bday mo! Pero lets get things straight. Kami na ni Jerry. So better stay out of our way.”, sabay walk out ni Coach.

            Tameme at tulala ang reaksyon ko. “Ganun na lang yun? After nitong gabing to? Ganun ganun na lang yun?! Pinaglaruan ba ko? Was it because pa birthday lang sakin ni Jerry ang lahat?! Pinaglaruan nya lan ba ang damdamin ko?”, paulit ulit na sabi ko sa sarili hanggang sa narealize ko na nakaupo ako sa sahig at umiiyak.

            “But everything seemed so real. Every touch, hug, and kiss.. It all felt real. Pero why does it have to be like this? Why does it have to be for one night only?”, malungkot na tanong ko sa sarili.

            Naglakas loob ako tumayo at ipunin ang lakas ko para umuwi. Kailangan ko magpakatatag. Hindi ito ang lugar para gumawa ako ng eksena. Sumakay ako ng taxi pauwi ng lumuluha. Wala na kong paki.

            Pagkauwing pagkauwi ko ay dumirecho ako sa kwarto. Sariwa pa ang amoy at pakiramdam ng lahat. Napaupo ako sa sahig at nagsimula nanamang mapaiyak. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina lang. Kung paano naming inangkin ang mundo na sya ring nagtapos agad. Masarap at masakit isip isipin. It was my Ironic Romance…..

            Araw araw ay tila parusa at pahirap sakin. Dahil araw araw sa twing umuuwi ako ng bahay at pumapasok ng kwarto ko ay sumasariwa sakin lahat ng nangyari samin ni Jerry. Kung gaano kasarap sariwain ito ay ganun din kasakit isipin na pang isang gabi lang ang lahat ng nangyari.

            Nalugmok ako sa kalungkutan. Hanggang dumaan ang araw ng paguwi ni Jerry sa Pilipinas. Gusto ko syang sunduin tulad ng napagsunduan at itanong sakanya lahat lahat. Gusto ko itanong lahat ng “bakit” ko sakanya. Pero binantaan na rin ako ni Coach na wag na sila guluhin dahil masaya na sila. Masaya na si Jerry ngayon. Hindi na daw sya nasasaktan di tulad ng ginawa ko sakanya noon. Mas napanghinaan ako ng loob. Dahil kung tutuusin ay tama si Coach. Simula’t sapul ay puro problema at sakit na lang ang binigay ko kay Jerry. Lage ko na lang sinasabi sa sarili ko na mahal ko sya pero I always end up hurting him. Siguro nga tama na pabayaan ko na sya sa piling ni Coach.. Kung saan.. Hindi na sya masasaktan pa……




Si Jerry..

            Excited akong dumating ng airport ng Pilipinas. Ibang iba sa pakiramdam since malamig sa Japan ng umalis ako pero pagdating ko ay sobrang init naman. Nakakatawa pero namis ko tong init at lagkit ng hangin na to. Pero mas sabik akong makita si Philip.

            Paglabas ko at kuha ng bagahe ko ay naghintay ako sa waiting area at naghintay ng sundo. Nagtingin tingin ako sa mga taong naghihintay din at hinanap ang mukha ni Philip. Nang matanaw ko ang isang pamilyar na mukha na tumatakbo palapit sa kinatatayuan ko.

            “Welcome home!!”, masayang bungad sakin ni Ming.

            “UY! Salamat!! Kamusta?!”, nagulat ako dahil di sya ang ineexpect ko na makita. Nagmamasid masid pa din ako sa paligid. Hinahanap ang mukha ni Philip. Mukhang napansin ata to ni Ming.

            “Hindi daw sya makakarating. Kaya ako ang pumunta dito. Sabi ko nga, hindi ka man lan ba nya masingit kahit sandali lang? Pero sabi nya may training pa daw sya ngayong oras mismo na to kaya hindi sya pwede.”, sabi ni Coach.

            “Ahh. Ganun ba….”, nalungkot ako sa narinig. Hindi man lan ba nya kaya ipagpaliban ang araw na to? Kahit ngayon lang? Pero kahit ganun pa man din ay inintindi ko. Baka naman kailangan nya talaga tong araw na to kaya di sya makakapunta. Malungkot man ay di ko pinahalata. Ayaw ko naman din ma offend si Mingming.

            Hinatid ako ni Coach hanggang sa bahay. Medyo tahimik ako simula kanina dahil medyo disappointed pa rin ako. Pero sat wing tinatanong naman ako ni Coach ay sinasagot ko ay pagod lang ako sa byahe. Kaya paguwi ay umuwi na rin ito agad at hinayaan akong magpahinga. Agad din naman akong nakatulog.

            Kinabukasan, araw ng linggo ay tinext ko agad si Jenny at niyaya ito magsimba. Ngunit di ito nagreply kaya pinagpasyahan ko na tawagan sya ngunit dir in sya sumasagot. Baka busy sya.

            Pagtapos ng misa ay di pa rin ako mapakali dahilsa di pag reply ni Jenny. Hindi naman kasi sya ganun. Usually ay mabilis pa sa alas quarto kung magreply si Jenny. Pero this time, wala talaga syang reply. Kaya nagpasya akong pumunta sa bahay nila.

            Pagdating ko sa bahay nila ay agad akong pinapasok ng katulong nila Jenny. Agad agad naman akong kumatok at pumasok sa kwarto nya. Naabutan ko syang naglalaro sa laptop nya.

            “Hi! Im back!”

            Pero di ako pinansin ni Jenny. Medyo nagtaka ako. I know something is wrong.

            “Bat di ka nagrereply sa text ko? May problema ba tayo Jen?”

            “Wala akong load, senxa na.”, sinabi nya na di man lan ako tiningnan.

            “Walang load? E naka plan ka kaya?”, pagtataka kong sinabi. Biglang tumayo si Jenny.

            “You know what, fine! I also have to get this out of my head!”, mataray na sabi ni Jenny. Ngayon ko lang syang nakitang ganun. Or atleast sakin.

            “What the fuck is your problem Jerry?!”

            “Huh? Problem? Ano bang nangyayari?”, gulong gulo at taking taka kong tinanong.

            “Oh come on Jerry! Of all people! Alam mong ako ang pinaka nakakaalam ng lahat!”

            “Hindi ko maintindihan Jenny..”

            “Asan ba ang utak mo? Saan mo ba nilagay ang utak mo nung sinabi mong gusto mo makipag affair for one night?!”, iritableng sagot ni Jenny.

            Natameme ako sa sinabi ni Jenny. Actually, di ko din alam kung bakit yun din ang sinabi k okay Philip that night before I left.

            “Oh, ano?! Nagulat ka?! Jerry, gago ka ba?! Ineentertain mo si Coach tapos sasabihin mo kay Philip na gusto mo makipag on for one night?! Kakaiba ka din noh!!”, inis pa rin nyang sabi.

            “Look.. I don’t know bat yun ang nasabi ko. Pero sya nam..”

            “You know what. I don’t wanna hear your bullshit anymore! Youll always be my bestfriend and I’ll always love you for that. Pero ayusin mo to Jerry.”

            “Paano..?”

            “Jer, you were clever enough to come up with that idea so good luck getting out of it. Matalino ka diba? Gamitin mo naman yang utak mo oh!”

            Para kong biglang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Jenny. Tama sya.. Mali nga ang ginawa ko. And I must set things straight. Panahon na rin. Panahon na rin para mamili..

            At ikaw yun.. Philip..



            Hindi ako nakapasok ng halos buong linggong yun dahil nilagnat ako dahil sa biglaang palit ng weather. Pero Thursday ng gabi ay napagdesisyunan kong kailangan ko ng pumasok. Wala na naman akong lagnat, kayak o na siguro pumasok bukas. Gusto ko na rin makausap agad si Philip.

            Kinabukasan pagpasok sa school ay agad kong hinanap si Philip. Hinintay ko mag lunch break. Halos di ako nakakain ng maayos dahil gustong gusto ko ng makausap si Philip. Dapat di ko na pinatagal to. Dapat hindi ko na sinabi na one night lang ang gusto kong mangyari. Dapat binaon ko noon pa ang sakit at pabayaan sya tuluyang bumawi sakin. I realized nung nasa malayo ako at hindi sya nakikita ay sya pa rin pala talaga ang tinitbok ng puso ko..

            Agad kong nakita si Philip at nilapitan sya at tinanong sya kung pwede ba syang makipagusap. Hinila nya ko sa isang lugar kung saan wala masyadong taong dumadaan.

            “Philip….”

            “Oh, nakabalik ka na pala.”

            “Oo. Diba dapat ikaw pa susundo sakin? Bat hindi ka nakarating?”

            “Ah, umalis kasi kami ng kambal ko. Nagpasama sya sakin.”

            “Umalis?”, takang taka kong tanong. Naalala ko ang sinabi ni Coach na may training daw ito kaya di ito makakarating. Pero bahala na..

            “Oo nga. Tsaka sinundo ka naman ni Coach mo diba?”

            “Hah.. Ah.. Oo…. Pero Philip..”

            “Ano?!”, halata ang inis sa boses nya.

            “Gusto ko sana pag usapan yung nangyari nung gabing yun…. Gusto ko din mag sorry……”, kaba kaba kong sinabi kay Philip.

            “JERRY TAMA NA! Please! Nagmamakaawa na ko sayo! Nasasaktan na din ako! Hindi mo alam kung gaano kahirap sakin lahat ng to! Please! Ayoko na masaktan pa! I don’t deserve you! Dun ka na lang sa coach mo! Sumusuko na ko!”

            “Philip.. Please let me explain..”, pagmamakaawa ko.

            “No. Jerry. Tama na. Ayoko na.”

            “Ayaw mo na? So, ganun ganun na lang sayo yun?!”, umiiyak kong sinabi.

            “Oo Jer. Ganun na yun. Ayoko na.”

            Tiningnan ko sya sa kanyang mukha. Umiiyak din ito. Ang hirap nyang tingnan sa ganung katayuan. Pero nasaktan ko na sya ng sobra. Naging selfish ako. Nasobrahan ata ko sa pagmamahal sa sarili. Nakalimutan ko naman ata isipin ang mararamdaman nya at ang magiging resulta ng ginawa ko. Umalis sya at nakita ko syang nagpunas ng mga luha. Naglakad ako papunta sa gym at umupo sa dulo. Nakakatawa dahil pag gantong oras ay kadalasan ay maraming tao. Pero today, it was unusually quiet. Walang katao tao ang gym.

            Sa pagkakaupo ko ay umiyak ako sa sarili ko. Nilapat ko ang mukha ko sa kandungan ko at nagisip habang umiiyak. Kung di lang sana ako nagpakatanga at kung sana mas naging malakas pa ang loob ko. Edi sana.. Sana noon pa.. Sana noon pa lang.. Masaya na kaming dalawa…..

            “Jerry”, sabay tawag sakin ng isang pamilyar na boses. Napatungo ako at nagulat sa nakita.

            “Art…..?”

            “Pwede bang umupo sa tabi mo?”

            Tumungo lang ako at nagpatuloy sa pag iyak.

            “Alam mo.. hindi ko alam exactly bat ka umiiyak ngayon. Pero ang sigurado ako ay kung ano ang dapat gawin mo.”

            Napatingin ako kay Art.

            “Jerry, lumaban ka. Yun ang di ko ginawa sayo noon. Kaya tumigil ako. Pero hindi ibig sabihin noon na tumigil na ang pagmamahal ko sayo. Dahil ang totoo, hanggang ngayon. Mahal pa rin kita.”

            “Art……”

            “Oh, wag ka magalala. Hindi ako pumunta dito para sabihin sayo na ako na lang ang piliin mo. Mahal kita Jerry kaya gusto ko sumaya ka. Alam kong mahal mo si Philip, Jer… Masakit man pero tanggap ko na yun.”

            “Im so sorry Art.. Sorry sa lahat lahat..”

            “No Jerry. Nagpapasalamat pa nga ako sayo. Ang gusto ko nalang sana ngayon is sana maging magkaibigan pa rin tayo. Hindi magiging madali para sakin pero mas magiging maluwag ang pakiramdam ko kung magiging magkaibigan man lang tayo. Mas madali kong matatanggap. Atleast, masasabi ko pa rin, na akin ka.. Akin ka bilang matalik kong kaibigan..”, sabay akbay sa balikat ko.

            “Art.. tulad ng sabi ko sayo noon.. Maswerte ako na naging kaibigan kita. At dahil doon, nagpapasalamat ako sayo.”, mas naiyak ako. Nakita ko rin na namumuo na ang luha sa mga mata nya.

            “Ganun ba.. Pero mas maswerte ako sayo. Dahil pinayagan mo ko makilala ka at maging parte ng buhay ko. At hanggang ngayon ay araw araw kong ipinagpapasalamat yun.”,luha luha nyang sinabi.

            Niyakap ko sya sa sobrang tuwa at pasasalamat. Kahit papano ay nacomfort ako. Atleast ngayon, I have Art back. Kami na ulit.. as bestfriends.. :)

            “Oh Jerry, lumaban ka ha.”

            “Pero Art, sinuko nya na ko..”, umiiyak ko pa ring sabi.

            “Ikaw naman.. Para namang di mo pa kilala yan si Philip. E parehas lang kau ng ugali nyan. Nasabi nya lang yun. Pero alam ko… mahal na mahal ka din nya..”

            Tama si Art. Hindi porket na sinabi nyang sinuko nya na ako ay isusuko ko rin lang sya. At isa pa, oo nga naman, para nga namang di ko kilala ang ugali ni Philip. Nakakatawa dahil parehas kami halos ng ugali. Naalala ko rin ang sabi ni Jenny, alam ko naman talaga ang dapat gawin pero mas pinipili ko magpakatanga. Tama din si Philip. Tama na. Tama na in a way para sakin na itigil na ang pagkatakot o pagkatanga. Kailangan nya na malaman.

            Medyo gumaan na ang loob ko pagtapos nun. Nakipagusap na rin ako kay Jenny at sinabi ko ang paliwanag ko. Maayos naman nyang tinanggap dahil na rin sa sinabi ko na sakanya ang plano ko. Plano ko sabihin at magpakatotoo na sa nararamdaman ko para kay Philip. Do or die na to.

            Pagtapos ng klase ay agad kami dumirecho ni Jenny sa training naming para sa Pep. Plano ko na rin sabihin kay Coach lahat. Alam ko hindi magiging madali para sakanya yun. Pero ayaw kong isipin nya na pinaglaruan ko lan din sya. Ayoko na in paasahin sya. Kung ano man naramdaman ko noon, totoo yun. Pero di ito sapat. Alam ko na masasaktan ko sya, pero I have to do it one way or another. Mas maganda na rin na agad agad kaso naman palalain ko pa ang sitwasyon.

            Natapos ang training namin at nag final water break kami bago mag meeting at mag uwian. Ang iba ay nag cr muna. Ako naman ay kinuha ang pasalubong ko sa mga kasamahan at inayos para ipamigay sa lahat. Hanggang sa nakuha ko sa bag ko ang box na may pangalan ni Ming. Kinabahan ako dahil ngayong gabi ko din balak sabihin sakanya ang lahat. Alam kong di nya na tatanggapin ang pasalubong ko sakanya kaya balak ko nlng na ilagay yun sa bag nya.

            Dahan dahan akong lumapit sa bag nya para ilagay ang pasalubong ko sakanya at para masorpresa na lang sya. Pero ng buksan ko ang bag nya. Natulala ako sa nakita. Gulong gulo ako sa nakita. Isang cattleya notebook. Kulay blue na cattleya notebook. Kinuha ko ito at mas nagulat pa ko ng buksan ko ang unang pahina. Hindi ako makapagsalita sa nabasa. Gulong gulo at takang taka kong binasa.

            Personal Property of: Philip Sanchez