Blogger Widgets

Sunday, November 10, 2013

Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan 10

Author: Mikejuha

E-mail: getmybox@hotmail.com

Blogspot: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com




Sa pagkarinig ko sa sinabi niyang may ibibigay siya sa akin, agad akong tumagilid paharap sa kanya, “Talaga Kuya? A-ano...?” ang excited kong tanong.




Tumayo siya sa kama at tinumbok ang nakalatag na pantalon sa sahig, pinulot ito at may dinukot sa bulsa. Noong makuha na ang bagay na iyon, itiniklop niya ang kamay sa paghawak nito habang pabalik sa higaan. Umupo siya sa gilid ng kama, iniabot sa akin ang nakatakip pa ring kamay. Noong tiningnan ko ito, inilantad niya sa akin ang laman noon sabay sabing… “Surprise!”




At bumulaga sa mga mata ko ang kanyang sorpresa.




“Wahhhhh! Singsing!” sambit ko sabay balikwas at upo sa kama.




“Thumb ring.” Sabi niya sabay hablot sa kanan kong kamay it isiknikbit sa thumb ko iyon. “Eksaktong-eksakto, tol…” sabi niya noong tuluyang maipasok ito. “Ingatan mo iyan, mahal iyan, hehe.” Pahabol niya.




Halos mapaiyak naman ako sa tuwa. Hindi kasi ako makapaniwala na isang barakong katulad ni kuya Rom ay may soft spot para sa akin. Marahil ay mumurahin lang din ang singsing na iyon ngunit para sa akin, ang pagbibigay niya sa akin niyon ang pinaka-importante. Syempre, alam ko, mahirap lang ang pamilya ni Kuya Rom. Ni sa pag-aaral nga, kung hindi lang siya varsity scholar, hindi na iyan makakatungtong ng college.




“B-bakit mo ako bingiyan nito?” ang tanong ko sa kanya, kunyari, syempre, pa-demure, hehe. Atsaka, malay ko bigla siyang luluhod at sasabihing “Will you marry me???” Nyahaha!




“Tinatanong pa ba yan?” sagot naman niyang parang wala lang nangyari. “Pag may nagbigay sa iyo ng isang bagay, huwag nang itanong kung bakit; tanggapin mo na lang.” dugtong pa niya.




“Ganoon!?” sigaw ng isip ko. At syempre, ano pa ba ang pwedeng gawin ng lola ninyo kundi ang yakapin siya at halik-halikan sa pisngi.


Saturday, November 9, 2013

Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan 9

Author: Mikejuha

E-mail: getmybox@hotmail.com

Blogspot: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com



Isinara ko kaagad ang pinto noong makapasok na at agad kong hinarap si Kuya Rom na nakaupo lang sa sofa habang nakikinig sa paborito naming tugtog. Nakahubad siya ng pang-itaas na damit at hawak-hawak pa ng isang kamay ang isang bote ng beer.




“Ba’t ka nandito?” ang mataray kong bulyaw habang nakatayo sa harap niya at nakapamaywang pa.




“Ba’t ka ginabi? At sinong kasama mo?” sagot naman niya kaagad, hindi sinagot ang tanong ko, ang magagandang pares ng mga mata na tila malalaglag na sa pagkalasing ay nakatutok sa akin.




“Abaaaa, isang tanong lang ang sa akin nakadalawa na siya!” sigaw ng utak ko. “Wala kang paki kung gagabihin ako no? At ang kasama ko naman ay isang matinong tao na di kagaya mo! Ba’t ka nandito?” pag ulit ko sa tanong.




Hindi pa rin niya sinagot ang tanong ko. “Wow… matinong tao, huh!” ang sarcastic niyang tugon. “Bakit sino ba ang ipinagmamalaki mong m-a-t-i-n-o na taong yan?” pag-empahsize niya sa katagang “matino”




“Si Kuya Paul Jake” pagmamayabang ko. “Siya lang naman ang nakakaintindi sa akin eh.” Dugtong ko pa sabay pang-ismid.




“Paul Jake pala ha…?” at tumango-tango siya. Alam ko ang ibig ipahiwatig ng pagtango-tango niyang iyon. Malaswa.




“Opo! Siya nga.” ang sarcastic kong tugon. “Alangan namang iyong sa PBB Doubleup. Hindi pa kami ganyan ka-close noon at busy na iyon ngayon dahil marami na siyang fans! Iyong Paul Jake na kasama ko ay kasama din natin sa team na spiker pero di hamak na mas guwapo, mas matalino, at mas mabait kaysa sa iyo!” pagpapasaring ko, inaasahang masaktan ang pride at magrereact.




“Ganoon?” ang sagot lang niya na dedma na sa sinabi ko sabay tungga sa hawak-hawak na bote ng beer.




Feeling ko naman na-insulto ako sa sagot niya. Hindi ba naman nagreact ang hunghang o kaya magselos na may kasama akong iba? “Wala! Wala talagang pakialam sa akin ang hinayupak na to!” Sigaw ko sa sarili. Pakiramdam ko tuloy biglang nagkalaglagan ang mahahaba at smoth and shiny ko na sanang hair. At ang nasagot ko na lang ay, “Oo. Ganoon nga!”




“Alam ba nina tita na hindi ako ang kasama mo?” Ang kalmanteng singit niya habang kinuha ang remote, pinatay ang sounds at pinaandar ang TV na parang normal lang ba siyang nagtatanong, hindi ipinahalatang may nag-aambang pambablackmail na namang gagawin sa akin ang kumag.




Natameme ako, syempre. Ang ipinaalam ko kasi sa mga magulang ko ay na siya ang kasama ko. “Hoy! Sinumbong ba ako?” ang bulyaw ko.




“Hindi pa naman… Bakit, gusto mong isumbong kita?” tanong niya, tiningnan ako.




“Tange! Bakit ko gugustuhin iyon? E di grounded ako nyan? Paano ka pumasok dito na hindi nila nalaman na hindi mo ako kasama?” tanong kong paniguro natakot na baka isinumbong na ako.


Friday, November 8, 2013

Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan 8

Author: Mikejuha

E-mail: getmybox@hotmail.com

Blogspot: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com



Sa buong magdamag na iyon, natulog kaming magkatabi ni Kuya Rom. At sa pagkakatong iyon, malaya naming nagawa ang mga bagay na sana ay hindi dapat mangyari sa pagitan ng dalawang normal lalaki.




Masaya ako sa gabing iyon. Sobra. Sa buong buhay ko, noon lang ako nakaranas ng sobrang saya. Marahil ay dahil kay Kuya Rom ko rin unang naranasan ang sinasabi nilang “sex”. Alam ko, mali ito dahil lalaki ako at lalaki rin si Kuya Rom. Ngunit wala akong pakialam. Bagamat sa pinakasulok ng aking utak ay may mga katanungan tungkol sa kung ano ba ang tunay kong pagkatao, nag-uumapaw naman ang sobrang kasayahan ko sa mga sandaling iyon. Pakiramdam ko ay isa akong babae na sa wakas ay natagpuan na ang kanyang “knight in shining armor”.




Syempre, may naramdaman din akong pagkalito sa setup namin. Iyon bang, may nangyari sa amin, may naramdaman akong naiiba para sa kanya at inaassume na ganoon din siya sa akin, pero wala naman siyang sinasabi kung mahal ba talaga niya ako, or what. Nagtatanong ang isip kung totohanan ba iyong ginawa namin o isang laro lang na bagamat nakakapagod, masarap naman, masaya, ngunit pagkatapos ay pwede nang kalimutan ang lahat.




Akala ko ay tuloy-tuloy na ang kaligayahang iyon.




Noong magbalik-eskwela na, syempre, balik na naman kami sa dating gawi. Aral, praktis, bangkaan ng grupo. Pero sa nangyari sa amin ni Kuya Rom, pakiramdam ko, nasa ibang level na nga ang pagiging close namin. Kahit walang sinasabi iyong tao na kami na, ina-assume ko na lang talaga na may karapatan na ako sa kanya sa kabila nang ayaw kong aminin na ganoon na nga.




Gabi na iyon noong matapos ang praktis namin at uuwi na sana ako kasabay si Kuya Rom. Ngunit may nag-imbita sa kanya na maglaro ng basketball. Baketball player din kasi si Kuya Rom. Kahit na ang pinili niyang event sa varsity team ay volleyball, basketball talaga ang hilig niya. Kadalasan nga kahit katatapos pa lang ng praktis namin sa volleyball, naglalaro pa rin ito ng basketball. Parang walang kapaguran ang kanyang katawan. Sobrang athletic na tao na kahit anong laro alam at nagi-excel pa. Kumbaga, jack of all trade. Ang totoo niyan, kaya niya hindi pinili ang basketball sa varsity team ay dahil sa pag-give way niya para makapasok ang isang kaibigan. At dahil gusto din naman niya ang volleyball at naiibang challenge daw din ito para sa kanya kaya siya napasama sa team, at naging team captain pa.

Thursday, November 7, 2013

Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan 7

Author: Mikejuha

E-mail: getmybox@hotmail.com

Blogspot: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com



WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.




Hindi ako sunagot sa pag-imbita niyang umupo ako sa tabi niya. Bagkus, nanatiling nakatayo lang ako sa harap, nakatapis pa rin ng tuwalya, nakapamaywang at ang mukha ay hindi ma-drowing sa pagkainis.




“Oo nga pala, nagsabi sina Tito at Tita na mag-aatend daw sila ng lamay sa isang kasamahan nilang namatay. Ako na raw ang bahala dito sa iyo.”




“At sa iyo na pala ngayon nagpaalam ang mga magulang ko no?”




“Paano umakyat ka na at noong malaman nilang dito ako matutulog sa iyo, sinabi na nila sa akin at sabihin ko daw sa iyo.” Ang pangangatuwiran niya. “O, may reklamo? At… kasalanan ko ba kung ang mukha na ito, na hindi lang pogi, ay mas makapagkakatiwalaan pa kaysa sa iyo…” sabay pose naman papogi. “Ano sa tingin mo…”




“Ang kapal mo, grabeh! Ikaw na lang kaya ang maging anak nila at ako ang outsider” ang sarcastic kong sabi.




“Pwede…” ang pang-aasar naman niyang sagot.




“Arggghhh!” Sigaw ko sa sarili, nanatiling nakatayo at nagpupuyos sa harap niya. Iyon bang feeling na galit na galit ka, sa loob-loob mo ay gusto mo siyang mag-sorry sa kanyang ginawa o mag-expalin ngunit hayan, lalo pang nang-iinis. At syempre, ayaw ko ring i-open ang issue tungkol doon sa pag-etsapwera niya sa akin noong dumating ang girlfriend niya dahil may isang parte rin sa utak ko na nagtanggi-tangihang wala akong naramdaman o kaya’y baka isipin naman niya na inlove talaga ako sa kanya. “Yukkkkk!” sigaw ko na lang sa sarili.




Ngunit tila hindi rin niya napansin ang pagsisimangot ko. Dedma. Parang wala lang tao sa harap niya. At imbis na magreact sa inasta ko, hinubad niya ang t-shirt, tinanggal ang butones niya ng pantalon at ibinaba ng kaunti ang zipper. Iyon bang parang nainitan o nahigpitan sa pantalon kahit sakto lang naman sa bewang niya iyong waistline ng pantalon dahil wala naman talagang taba ang tiyan niya. Kitang-kita ko ang puting garter ng brief na umusli sa bahagyang nakabukas na fly. Mistula naman akong nakuryente sa nakitang iyon.




At kunyari, “Yukkk! Ba’t ka naghubad?” tanong ko, itinaas ang boses. Kahit nasarapan ako sa nakitang magandang hubog na katawan ni Kuya Rom, nagkunyari akong nabastosan.




“Bakit? May babae ba dito? Wala naman a! Ikaw nga nakatapis ka lang ng tuwalya d’yan, may sinabi ba ako? Nainitan ako!” ang mataray din niyang sagot. “Halika na, upo ka dito!” ang utos niya.




“Ayoko nga…! Tabihan mong mukha mo! Nyahahaha” pang-aasar ko sabay talikod at sisibat na sana upang magbihis noong bigla naman niyang hinablot ang kamay ko at hinila ang tuwalyang nakatapis sa beywang.




“Huli ka!” sambit niya sabay tawa.


Wednesday, November 6, 2013

Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan 6

Author: Mikejuha

E-mail: getmybox@hotmail.com

Blogspot: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com



Mistulang nawala ang kalasingan ko sa narinig. Nilingon ko siya. “K-kuya, hilong-hilo ako eh, nasusuka pa...” ang pag-aalibi ko na lang. Sa totoo lang, may parte din ng utak kong nag-udyok na sumang-ayon sa gusto niya. Ngunit kinontra ito ng isa pang parte ng isipan ko. At dahil latang-lata ang katawan sa kalasingan, hindi na ako nagsalita pa at ipinikit na lang ang mga mata.




“Ok, tulog ka na bunso...” ang isinagot na lang niya sabay halik sa pisngi ko.




Naramdaman ko namang bumalikwas ng kama si Kuya Paul Jake at tinungo ang CR. Malakas ang kutob ko na doon niya itinuloy ang kagustuhang magpaparaos.




Lalo namang humanga ako sa ipinamalas na kabaitan ni Kuya Paul Jake sa maluwag niyang pagtanggap sa ginawa kong pagtanggi sa gusto niya. Naikumpara ko tuloy sa kanya si Kuya Rom na sobrang demanding at hindi pumapayag ng hindi na sagot.




Yun na ang huli kong natandaan.




Kinabukasan, maaga kaming bumalik sa accommodation. Kailangan pa kasi naming magligpit ng mga gamit upang pagkatapus ng pagkatapus kaagad ng awarding, diretso na kaming lahat sa bus para bumalik na sa aming lugar. Syempre, may bahid din ng lungkot dahil sobrang saya ko sa lugar na iyon, maraming nangyaring first time na karanasan, memorableng naramdaman, muntik pa akong malunod…at mas naging close kami ng mga ka-teammates ko, lalo na kina Kuya Rom at Kuya Paul Jake.




Nauna na palang dumating sa accommodation namin si Kuya Rom. Hindi ko lang alam kung anong oras ngunit noong makita niya kaming dalawa ni Kuya Paul Jake na nagsama, napansin kong biglang umasim ang mukha niya. Ewan ko kung ano ang nasa isip niya. Pero wala akong pakialam. Syempre, may galit ako sa ginawa niya. Ikaw ba naman ang bigla na lang iwanan ng walang ni ho ni ha. Dumating lang ang girlfriend niya, kusa na lang ba akong isinantabi na parang wala lang, hindi ako kilala, o hindi ako nag-iexist. Feeling ko tuloy isa akong tissue paper na pagkatapus ipahid ay kusa na lang itinapon sa basurahan. Ano iyon? Ang saklap kaya…


Tuesday, February 19, 2013

Paglisan


PAGLISAN
by: Justyn Shawn

Galing sa trabaho, pagod, puyat, naiinip at inaantok na naghihintay sa usad ng mahabang pila ng mga nagbabakasakaling makapagtrabaho sa ibang bansa. Kung tutuusin, hindi ko na kailangan pa ang magtrabaho sa dayuhang bayan dahil kahit paano ay sumasapat naman ang kita ko bilang isang caregiver dito sa Pilipinas. Ngunit dahil sa pagtaas ng bilihin, sa pagdami ng pangangailangan, lalo pa ngayong magbubunga na din sa wakas ang pagmamahalan namin ng aking asawa ay napagdesisyunan ko na makipagsapalaran sa banyagang lugar. Alam kong mas madaming oportunidad ang naghihintay sa akin doon para sa kinabukasan ng aking pamilya. Bilang isang haligi ng tahanan, nararapat lamang na mabigyan ko sila ng buhay na hindi ko naranasan noon. Kahit mahirap, alam kong kakayanin ko ito para sa kanila at para sa kinabukasan namin.

Araw ng aking pag-alis. Hindi ako umiyak kahit pa man nahahabag akong makita ang aking asawang pilit akong pinipigilang lumisan. Nakatuon ang atensyon ko sa kinabukasang naghihintay para sa amin. Alam kong mariharap ito para sa kanya dahil wala siyang masasandalan sa panahong kailangan niya ng karamay, tatag ng loob ang pinakita ko sa kanya upang makaya niya ang lahat kahit na magkalayo kami.

Ilang taon din ang nakalipas, naging maganda ang takbo ng trabaho ko. Nakapagpatayo kami ng bahay. Nakapagsimula ng negosyo. Kahit hindi ko nasilayan ang paglaki ng aking panganay, kahit hindi ko siya nagabayan sa kanyang paglaki, kahit na hindi ko sila kapiling ng aking asawa, masaya pa rin ako dahil sa kung anong mayroon kami.

Nalulungkot ako minsan ngunit iniisip ko na lang ang mga pangarap na unti-unti ng natutupad. Ang mga tawag, larawan at sulat galing sa aking asawa ang nagpapatatag sa akin. Ito lang ang aming paraan upang magkamustahan.

Minsan napapaiyak na lang ako habang nag-aalaga ng ibang tao ngunit sa sarili kong pamilya hindi ko man lang maipadama ang pagkalinga na dapat ay sa kanila ko ginagawa.

Natapos ang ilan pang taon. Makakauwi na din ako sa wakas. Ilang beses na din itong naudlot dahil ang perang ipambibili ko sana ng ticket pauwi ay ipinadala ko na lang upang matapos lang ang bahay na pinapagawa namin at ang iba naman ay iniipon ko para sa aming kinabukasan.

Masaya ngunit nakakapanibago. Halo-halong emosyon ang meron ako sa pagtapak muli sa bayan kung saan ako isinilang. Hindi ko pinaalam sa aking mag-ina ang aking paguwi upang sorpresahin sila. 

Inabutan ko sa harap ng aming bahay ang aking anak. Kilala ko na siya sa larawan pa lang na ipinadadala sa akin ng aking asawa. Hindi maipagkakaila na anak ko siya dahil sa aming pagkakahawig. Dagli akong lumapit at akmang yayakapin sana siya ngunit iwinaksi niya ang aking mga kamay.

“Anak…?!”

“Hindi po kayo ang Daddy ko!” sambit niya at tumakbo papasok sa bahay. Alam kong iyon ang bahay namin. Alam kong siya ang aking anak, hindi ako pwedeng magkamali. Ngunit bakit ganon ang kanyang naging reaksyon? 

Hinabol ko siya habang pinipigilang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. 

“Hindi ba niya ako nakikilala? May malaking tampo ba siya dahil hindi niya ako kapiling sa paglaki niya?,”tanong ko sa aking sarili. 

Masakit isipin ngunit alam kong sa paglipas ng araw ay maiintindihan din niya na para din sa kanya ang ginawa ko.

Padabog niyang siniraduhan ang pinto. 

“Mommy!..Mommy!!!,”pagtawag niya kay Ann, ang aking asawa.

“Bakit anak? Anong nangyari?” Ang tanong naman niyang tila inaamo ito.

Nasa likod lang ako ng pinto at nakikinig sa usapan. 

Hinahanda ang sarili. Kinakabahan. May lungkot ngunit masayang masisilayan, mayayakap at mahahagkan ko na rin muli ang aking mag-ina.

“Oh bakit Jojie, anak? Anong nangyari?,” tanong ng isang boses ng lalaki sa aking anak.

Binuksan ko ang pinto. Nakita ko ang aking mag-ina at isang lalaking nakayakap. Isang larawan ng isang masayang pamilya. 

Nanlambot ang aking mga tuhod. Isip ko’y natuliro. Pumatak ang mga luha ko sa aking mga mata.

“Tol!..tol!!!..,”gising sa akin ng isang aplikante sa aking likuran. Nakatulog lang pala ako habang naghihintay. Tila totoong totoo ang nangyari. Ramdam na ramdam ko ang sakit nito. Sa halip na pumasok na sa loob, nagmadali akong umuwi.



Wakas.

Sunday, January 6, 2013

Anino Ng Kahapon 21




Photo by: Justyn Shawn


Kahit late na babati pa rin ako sa inyo ng isang Manigong Bagong Taon!


Gusto ko  pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon.  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.  Gusto ko rin pong humingi ng paumanhin sa late posting ko medyo nahirapan po kasi akong hanapin si kumpareng imagination at isa pa po dumaan po ang Christmas Day kaya lalong natagalan ang aking pagsusulat.  Sana po ay naintindihan ninyo.


Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.


Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, Pop Star ng Korea, RGEE, rascal, Khate Williams Serjado, Jhonny Quest, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.


Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:




_____


Disclaimer:


This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.


Comments and any kind of reactions are welcome. 


You have the freedom to express your feelings.


Read at your own risk!


Enjoy reading!