Blogger Widgets

Thursday, December 27, 2012

Anino Ng Kahapon 20

Photo by: Justyn Shawn

Kahit late na babati pa rin ako sa inyo ng isang Maligayang Pasko!

Gusto ko  pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon.  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.  Gusto ko rin pong humingi ng paumanhin sa late posting ko medyo nahirapan po kasi akong hanapin si kumpareng imagination at isa pa po dumaan po ang Christmas Day kaya lalong natagalan ang aking pagsusulat.  Sana po ay naintindihan ninyo.

Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.

Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, Pop Star ng Korea, RGEE, rascal, Khate Williams Serjado, Jhonny Quest, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.

Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:

_____

Disclaimer:

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome. 

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!

Monday, December 24, 2012

Reflection

by: Justyn Shawn
email: jeiel08@gmail.com

Tumingin ka sa aking mga mata. Kita ko dito ang kalungkutan na iyong dinadala. “Kala ko na nakalimutan mo na sya?” Pagpapaalala ko sa iyo na sinabi mong hindi mo na iisipin ang lahat ng nangyari; ang lahat tungkol sa kanya.

Namasa-masa ang iyong mga mata. Mukhang naalala mo na naman ang mga ginawa niya. Tila ramdam mo na naman ang sakit noong pinagtaksilan ka niya; noong ipinagpalit ka niya sa iba. Hindi ka na naman makakain at makatulog ng maayos dahil sa sama ng iyong loob dahil hindi mo lubos maisip na magagawa niya ito sa’yo. Ang laki na ng ipinayat mo at ang panglalalim ng iyong mata ay kapansin-pansin na rin. Naaawa ka sa sarili mo dahil hindi mo alam ang dahilan. Tulala ka na lang lagi at wala sa sariling katinuan. Ang masama pa, inisip mo pang ang buhay mo’y waksan.

“Pinilit kong kalimutan ang lahat ng nangyari. Pinilit kong ibaon na lang ang lahat sa limot. Ngunit pano kong hindi maaalala ang lahat kung sa bawat paggising ko sa umaga, anino ng nakaraan ang ibinabalik ng aking puso at isipan?” Hindi mo na napigilang pumatak ang iyong mga luha. Pilit mo itong nilalabanan ngunit ang pagdaloy nito’y tila walang katapusan.

“Mahal mo pa rin s’ya , yun lang yun. Pero hanggang saan mo kayang dalhin ang sakit na dulot ng pagmamahal na meron ka para sa kanya? Hanggang kailan ka magpapakatangga?”

“Hindi ko alam. Ang alam ko lang, hindi ko kayang mabuhay ng wala sya.”

“Ikaw na ba talaga ‘yan? Hindi ka naman ganyan mag-isip at magdesisyon lalo pa’t sa ganitong klaseng sitwasyon. Matalino kang tao. Alam kong hindi mo sisirain ang buhay mo ng dahil lang sa pag-ibig. Asan na ang Arnold na nakilala ko?”

“Hindi ko na rin alam. Hindi ko na kilala ang sarili ko.”

Huminto ka saglit sa pagsasalita. Pinahid mo ang mga luhang patuloy pa ring umaagos sa iyong mga mata. Bumuntong hininga ka. “Kaya ko ba ‘to?,” sabi mong hindi pa rin humuhupa ang pag-agos ng iyong mga luha kahit anong gawin mong pagpigil dito.

“Oo naman, ikaw ang isa sa kilala kong may malakas na loob, inaalam muna ang bawat desisyon na gagawin, ikaw yung tipo ng tao na hindi nagpapadalos dalos at pantay ang tingin sa lahat ng aspeto ng buhay. Kahit noon pa man, mas madaming mabibigat na bagay ang kinaharap mo ng buong tapang. Hindi ka sumuko. Hindi ka sumusuko. Ngayon ka pa ba aatras? Ngayon pa ba, dahil lang sa pag-ibig?”

“Siguro nga matatag ako noon. Siguro nga nakaya ko dati. Pero nakakapagod din pala. Nakakapagod din palang maging malakas ang loob. Nakakapagod din palang magpakatatag. Hindi pala sa lahat ng panahon meron akong tibay ng loob upang humarap sa mga problema. Hindi pala sa lahat ng panahon kaya kong humarap sa pagsubok ng mag-isa. Hindi pala. Ngayon kailangan ko ng masasandalan, kailangan ko ng karamay…pero…sino…nasaan sya?”

“Nakalimutan mo na ba? Hindi sa lahat ng panahon kaya mo ‘yang mag isa. Nandyan lang Siya lagi. Tumawag ka lang. Tutulungan ka Niyang dalhin ang bigat na pinapasan mo.”

"Sana nga may Direct Hotline Siya na pwedeng tawagan. Sana mayroon din Siyang Facebook Account para ma-tag ko Siya sa lahat ng problemang gusto ko ng payo Niya. Sana may account din Sya sa Skype para makita Niya sa cam na nasasaktan din ako, na nahihirapan..na minsan, hindi ko din nakakaya ang lahat.”

“Sana nga, pero hindi. Dahil lahat ng bagay nakikita Niya, lahat ng bagay tungkol sa’yo alam Niya. Hinahayaan Niya lang mangyari ang lahat ng iyon sayo upang subukin kung gaano katatag at kung hanggang saan ang pananalig mo sa kanya o kung Siya ba ang una mong lalapitan kung sakaling magkaroon ka ng problema. Kaya lang minsan, mas inuuna natin na maghanap ng sulusyon sa mga taong nakaharap sa atin. Nakakalimutan natin na lagi siyang nandyan. Kailangan man natin Siya o hindi.”

“Hoy! Arnold! Hindi ka pa ba dyan lalabas? Alalahanin mo, hindi lang ikaw ang gagamit ng banyo. Kanina ka pa nandyan!”

Wakas.

Piso [9]

Kaba
by: Justyn Shawn
email: jeiel08@gmail.com

“Joseeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!...” pagtawag niya sa pangalan ko. 

Ang hindi alam ni Jay na sumunod ako sa kanyang paglabas. Kita ko mula sa aking kinatatayuan ang pagkabigla sa kanyang nakita sa loob ng banyo. Sa nasaksihan ko, gumuhit muli ang ngiti sa aking mga labi sa kanyang naging reaksyon. 

Iba na talaga ang tama ko sa kanya. Alam ko meron ng puwang si Jay dito sa puso ko. Inlove na nga talaga ako sa kanya. Ngunit bakit ngayon ko lang ito naramdaman sa tagal ng panahong ninais niya ng pagmamahal ko? Bakit ngayon ko lang nakita ang mga bagay na ipinapakita niya sa akin ng kay tagal na? Bakit ngayon ko lang naramdaman ang dapat sana noon ko pa dapat nadama? Kung sana dati ko pa pinakawalan ang damdamin ko para kay Zaldy at pinapasok sa puso ko si Jay, hindi na sana ganito ang kabang nararamdaman ko. Hindi na sana ako nagmumukhang tanga sa pinaggagagawa ko para maramdaman din niyang mahal ko na siya. 

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nasa likuran na niya ako. Ngunit tila hindi niya alam na andon lang ako dahil nananatili siyang tila isang estatwang tulalang nakatingin lang sa loob ng banyo. 

“Hindi mo ba nagustuhan?,” marahan kong bulong sa kanyang tenga. 

“Ay ano ba?!” 

“Ipaliwanag mo nga sa akin kung kailan pa nalipat ang garden sa loob ng banyo?,” tanong niya sa akin. Ramdam ko ang bahid ng pagkainis sa tanong niyang iyon. 

“Hindi mo ba nagustuhan?” nakayuko kong tanong. Hindi ko mawari kung bakit nasasaktan ako dahil hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit nanlulumo akong hindi niya pinapansin ang ginagawa ko para sa kanya. Masakit pala. Masakit palang ignorahin ang mga bagay na ginagawa mo para sa mahal mo. Ngayon, ramdam ko na kung ano ang nararamdaman niya dati nung siya ang nagpapakita sa akin ng kanyang nararamdaman. 

“Nagustuhan ko. Kaya lang…” hindi pa man s’ya tapos sa sasabihin n’ya ay pinutol ko agad. 

“Nagustuhan mo naman pala. Anong problema?” ang may tinig ng pagtatampo sabay tingin sa mga mata niya na tila nagpapaawa. 

“Ang problema mukhang naubos na yung tanim na Santan at Gumamela sa likod bahay. Halos punuin mo ang banyo ng bulaklak. Ano bang meron?,” matigas na sagot ni Jay ngunit nakapagpangiti naman sa akin. 

“Naguguluhan na ako sa ‘yo. Hindi ma-absorb ng utak ko ang nangyayari simula pa kanina. Hindi ko naman birthday. Wala namang okasyon. Bakit ba ganito ang set-up ng bahay ngayon? May sakit ka ba? Ano ba talaga Jose?,” dagdag pa niya habang tinitingnan ko sa kanyang mga mata. Napakasarap tingnan nito. Kinikilig ako na ewan. 

“Hindi ba niya naintindihan ‘yung sinabi ko kanina o talagang hindi niya inintindi?” bulong ng aking isipan. “Ano kasi Jay, sabihin na lang nating paraan ko ito ng pagpapasalamat. Pagpapasalamat sa lahat ng bagay na nagawa mo sa akin. Pagpapasalamat sa panahong hindi mo ko pinabayaan lalo na noong panahong nasa pinakamamababa akong parte ng aking buhay…,” sabi ko sa kanyang naguguluhan din sa mga tinuran. Bakit ba ito ang sinabi ko? Tama ba ang mga pinagsasabi ko? Ganito ba talaga ‘pag inlove ka sa isang tao, umuurong ang dila mo para sabihin ang totoo mong nararamdaman? Sunud-sunod ang mga tanong na pumasok sa isip ko matapos kong masabi ang unang pahayag kay Jay. 

Nakatitig lang sa akin si Jay habang ako ay nagpapaliwanag na lalong nagpadagdag sa aking kaba. Nang mga sandaling iyon, kahit hindi maalinsangan ang panahon ay bigla akong pinagpawisan na halos mabasa ang damit kong suot. Sabayan pa ng panginginig ng katawan ko ng dahil sa pagkabog ng aking dibdib. Hindi ako mapakali sa mga titig ni Jay. 

“Simpleng salamat lang naman. Okay na yun.” Sabay bigay muli ng napakagandang ngiti. 

“Kaya lalo akong nahuhulog eh. Dahil d’yan sa mga ngiti na yan,” hindi mapigilang sabat ng aking isipan. 

“Nakakahiyang gamitin ang banyo, sobrang linis at ang mga bulaklak para lang akong nasa five-star hotel kahit pa Santan at Gumamela lang. Ahahahahahaha.” Pagkasabi nito ay humagalpak na kami ng tawa. Kasabay naman nito’y pagkatanggal ng kabang nararamdaman ko kanina pa. Nakakagaan ng pakiramdam na masilayan ang kanyang mga ngiti. Ang kanyang mga titig ay nagpapakilig sa akin lalo. 

Mahaba pa ang magiging araw naming dalawa, halos magtatanghalian pa lang. May ilang oras pa kaming bubunuin para matapos ang araw na ‘to. “Tutal naumpisahan ko na bakit hindi ko na lang ituluy-tuloy ang pagbibigay ng espesyal na araw kay Jay?” Suhestiyon ng isipan kong kanina pa walang patid sa panghihimasok. Kung sabagay tama naman ang ideya na binigay ng utak ko kaya naman inistorbo ko na muna ang panonood ng telebisyon ni Jay. 

“Jay, may lakad ka ba ngayon?” bungad kong tanong. 

“Wala naman. Bakit?” habang hindi mapatid ang mata sa panonood n’ya. 

“Tara gala tayo. ‘Wag kang mag-alala sagot ko,” pagmamayabang ko pa. 

Tumingin lang ito sa akin ng tila may katanungan sa kanyang isipan. Tila binabasa kung ano ang nasa isipan ko. “Sana mabasa niya ang nasa isip ko…na siya ang laman nito,” hirit na naman ng aking isip. 

“Ah… eh… ‘yun ay kung okay lang naman sa ‘yo,” ang taranta kong pagbawi ng aking sinabi na lalong nagpakunot ng noo ni Jay. 

Hindi siya agad sumagot. Batay sa kanyang mga titig, tila wala siyang ganang lumabas ng bahay. Tila mali ang naisip kong ideya. “S-sige.. baka naiistorbo na kita balik na ako sa kwarto…” patalikod na sana ako ng tawagin niya ako. 

“Jose, okay ka lang ba? Ang weird mo talaga ngayong araw na ‘to. Sandali lang maliligo lang ako at mag-aayos ng sarili. Basta sagot mo ha. Ikaw ang nag-aya sa akin.” At muli ko na namang nasilayan ang ngiting hindi pumapalya sa pagpapatuliro ng nararamdaman ko. Alam kong namumula ang mga pisngi ko ng oras na iyon dahilang dama ko ang init nito. Kahit na kinakain ako ng aking pagkataranta ay pinilit kong maging normal ang kilos ko sa harapan niya. 

“O-oo ba… ako ang taya. S-sige ligo ka na… P-para pagkatapos mo… A-ako naman ang makapag-ayos.” Sa tono ng sagot ko sa kanya hindi mo maikakailang kinakabahan ako dahil sa pautal-utal kong pagsasalita. 

Dadaan sa harapan ko si Jay papuntang kwarto at sa kanyang pagtapat sa akin ay hinawakan ko ang kanyang kamay. “Maraming salamat ha.” Hilam sa mata kong na wika dito. Katulad na ng inaasahan ko ang ngiting kumakalaykay sa aking katauhan ay muling nagpakita at dumiretso na ito ng kwarto upang kumuha ng tuwalya at naligo. 

“Ano bang meron kay Jay upang makaramdam ako ng ganito. Natuturete ako sa tuwing makikita ko ang kanyang napaka-gandang mga ngiti. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko sa kanya dati. Kahit pa ilang beses siyang ngumiti wala lang sa akin. Pero ngayon, ngiti pa lang ang ginagawa nya nanginginig na ang buo kong katawan, at ang puso ko ay halos tumalon sa kaba. Mahal na nga yata talaga kita Jay. Mahal na kita.” 

“ Nababaliw na yata ako, kinakausap ko na ang sarili ko,” bulong ko sa sarili. 

Hindi ko na namalayan na tapos na palang makapaligo si Jay kung hindi pa ibinalibag ang tuwalya sa akin. 

“Jose, maligo ka na para makaalis na tayo o baka naman gusto mo paliguan pa kita?,” pangungulit pa nito sa akin. Tila nakakain ko ng madaming sili sa kanyang mga sinabi na dahilan ng pag-iinit ng aking katawan. 

“Bakit hindi mo na lang ako isinabay sa pagligo mo kung papaliguan mo rin lang ako.” Pabulong ko sagot. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko 

“Huh, ano yung sinasabi mo di ko maintindihan.” Kunot noo nitong tanong. Napangiti na lang ako. Isang pilyong ngiti ang sinagot ko sa kanya. 

“Wala, sabi ko maliligo na ako.” Agad akong tumayo at tumungo sa banyo upang makaligo. 

Ilang minuto din ang itinagal ko sa paliligo. “Ito ang magiging kauna-unahang date namin ni Jay. Dapat maging memorable ito hindi lang sa akin dapat pati sa kanya.” Ang sabi ng napakataba kong utak. Dahil sa maghapon na ‘to halos ito ang maraming sinabi kaysa sa bibig ko. 

Pagbalik ko ng kwarto ay bihis na si Jay. Hindi ko namalayan na nakatitig na lang pala ako sa kanya. Ang gwapo n’yang tignan sa napakasimple niyang ayos. Eto na naman ang kabang pilit na rumaragasa sa tuwing nakikita ko siya. Kabang nakakapagpatuliro sa akin dahil sa kanyanmg presensya. 

“Jose, ano bang nangyayari sa ‘yo kanina ka pang ganyan? Bigla ka na lang natatahimik. May problema ka ba? May dinaramdam ka ba? Lagi ka kasing lutang ngayon.” Biglang balik ako sa aking katinuan. 

“Ha… W-wala akong problema… O-okay lang ako…” sabay punta sa aparador upang bumunot ng masusuot na damit. Hugot dito, hugot doon na lang ang ginawa ko. Matapos kong makapag pantalon ay agad kong isinuot ang t-shirt ko. 

“Wala ka talaga sa sarili mo,” Iiling-iling na pahayag ni Jay. 

“Huh?!,” takang tanong ko. 

Bigla itong lumapit sa akin at nagulat na lang ako sa kanyang ginawa. Hinubad nito ang aking damit. Halos maglapat ang aming mga labi ng matanggal niya ito. Halos tumigil ang mundo ko sa tagpong iyon. Pinakatitigan ko ang mukha ni Jay na sobrang lapit sa akin. Tila kinakabisado ko ang bawat detalye nito. Walang kurap-mata akong nakipagtitigan at gayon din siya sa akin. Ibayong kaba ang nangibabaw sa aking sestema. Kaba dahil sa pagnanasang mailapat ko ang aking mga labi sa kanya. Napalunok ako ng sarili kong laway. 

“B-baliktad kasi ang t-shirt mo.” Sabay bawi ng tingin at iniabot nito sa akin ang damit ko. 

“S-s-salamat…” ang tanging nasambit ko. Agad kong isinuot ang damit. 

“Hintayin na lang kita sa sala,” pamamaalam nito. 

Agad akong napaupo sa kama at sinapo ko ang mukha ko ng aking kamay. 

“Hays… Ano bang nangyayari sa ‘yo Jose? Bakit ba ganyan ka? Natotorpe ka ba? Ano?,” pagkausap ko sa sarili. Tumayo ako at huminga ng malalim upang medyo kumalma ako. Tumingin ako sa salamin ng tukador. “Kalma ka lang Jose. ‘Wag ka masyadong mapapahalata. Kaya mo ‘yan.” Sabay pikit ng mga mata na tila naka-inom ng suka ang ekpresyon na aking ginawa. “Nakakatawa ka naman hindi ka naman naging ganito kay Zaldy. Bakit kay Jay sobrang natutupi ka, sobrang natotorpe ka. Ano bang meron sa kanya?,” bida na naman ng utak ko. 

Matapos ang sandaling pakikipag-usap ko sa aking sarili ay agad kong inayos ang sarili at nilabas na si Jay. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. 

“Ready ka na ba?” tanong ko sa kanya. 

“Kung ready ka na, of course ready na ako. Mas nauna kaya akong nakatapos mag-ayos sa ‘yo.” Pagbibiro nito sa akin. 

“Sabi ko nga. Tara na.” 

Sa pinakamalapit na mall sa may bayan kami nagtungo ni Jay at dahil medyo nagutom sa biyahe ay agad kaming nagtungo sa food court. Pinahanap ko na lang ng pwesto si Jay samantalang ako ay pumila na upang makabili ng pagkain. Paminsan-minsa’y sinusulyapan ko ang pwesto kung nasaan nakakuha ng upuan si Jay at madalas makita kong nakatingin din s’ya sa akin. Tuwing nakikita kong nakatingin din s’ya sa akin hindi ko talaga maiwasang hindi mataranta. Kaya naman muntik ng magkamali-mali ang pag-order ko sa counter. 

Nang makabalik ako sa mesa ay dala ko na ang pagkain namin ni Jay. Halos laging may mga panakaw akong tingin sa kanya na hindi ko talaga maiwasan. Alam kong mahigit na sa pagkakaibigan ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahigit pa sa naramdaman ko noon kay Zaldy. Dahil sa pagkakataong ito hindi na bumalik pa sa ala-ala ko ang mga nagdaan sa amin ng yumao kong nobyo. Wala ng bakas ng pait ang nararamdaman ko sa aking puso. Bagkus, napalitan na ito ng ibayong saya at pagkakumpleto. Napunan na ang puwang na iniwan ni Zaldy at ito ay sa katauhan ni Jay. 

“May dumi ba ako sa mukha?” mahinang tanong ni Jay. 

“Huh?!” nakangangang tanong ko sa kanya. 

“Sabi ko may dumi ba ako sa mukha?,” sabay bigay ng pampatureteng ngiti. 

“W-w-wala…” utal-utal kong tugon. “Kain na lang tayo. Gutom pa ako eh,” dagdag ko pang palusot. 

Matapos makakain ay nagpahinga lang kami ng kaunti at inaya ko muna s’yang mag-ikot ikot. Pasok dito, pasok doon ang ginawa namin sa mga stall sa loob ng mall. Tingin dito, tingin doon ng mga bagay na pinaplano naming bilhin pagdating ng sweldo. 

“Jay, punta tayo ng amusement,” pag-aya ko dito. 

Pagdating namin ay agad akong bumili ng token. Parang mga bata kaming naglalaro sa arcade. Pansamantalang naging kalmante ang pakiramdam ko. Pero hindi pa rin naalis ang paminsan-minsang pagsulyap at pag-ngiti ko kay Jay. Gusto kong sulitin ang araw na ito na kasama ang taong nagpapasaya at kumukumpleto ng araw ko. Gusto ko ng siguraduhin sa sarili ko kung ano na ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Ito ang tumatakbo sa isip ko habang nakatitig ako sa kanya ng walang kakurap-kurap ng bigla itong tumingin sa akin at ipinakita na naman sa akin ang mala-anghel na ngiti. Napangiti na lang ako at bumalik sa paglalaro. 

“Sobrang nag-enjoy ako sa arcade. Salamat Jose,” biglang pagyakap sa akin matapos magpasalamat. 

“W-w-wala yun..” ang halos hindi lumabas na tugon mula sa bibig ko dahil sa sobrang kaba. Ngunit dinama ko ang higpit ng kanyang mga yakap na gusting-gusto ko naman. 

Tinignan ko ang oras. Hapon pa lang kinalkula ko kung pupwede pang makapanood ng sine. Pwede pa, agad kong hinablot ang kamay ni Jay papunta naman ng sinehan. Nagpatianod lang naman ito kung saan ko siya gusting dalhin. 

“Anong gagawin natin dito?” takang tanong ni Jay. 

“Maglalaro… Ano bang dapat gawin ‘pag pupunta ng sinehan? ‘edi syempre manonood ng sine.” Pagbibiro ko. 

“Aba Jose, may pera ka pa ba at kung maka-gastos ka wagas?” ang panenermon nito sa akin. Ngumiti na lang ako. 

“Meron pa naman... Hindi naman kita aayain kung wala akong pera, isa pa bihira na nga lang tayong magkasama. Kaya lulubusin ko tong araw na ‘to para sa atin,” pagkasabi ko’y kinindatan ko siya. 

“Bahala ka nga!” hindi nakaligtas sa aking mata ang nakita kong pamumula ng pisngi ni Jay na aking ikinatuwa. Ngunit tila may gumugulo sa kanyang isipan. Tila may lungkot akong naaaninag sa kanyang mga mata. “Kalungkutan nga ba iyon o dahil sa kasayahang nadarama?,” pagsingit pa ng aking isipan. 

Pumili ako ng movie na tiyak parehas naming magugustuhan. Nang makapili ay agad akong bumili ng tiket. Bumili rin ako ng popcorn at softdrinks para may mangunguya naman kami habang nanonood. Ito ang mga bagay na hindi ko nagawa noon kay Zaldy na pinapangarap kong gawin. At ngayon nagagawa ko na pero sa ibang tao na. Sa isang taong nagbalik ng kulay sa mundo ko. Sa isang taong nagbalik ng ngiti sa mga labi ko. Si Jay. 

Sa totoo lang hindi ko naintindihan ang pinapanood namin. Hindi dahil hindi ako makaintindi, kung hindi dahil si Jay ang pinapanood ko. Tinitignan ko kung gaano siyang kaseryoso sa pinapanood ng palabas, ang pagsubo niya ng popcorn, ang pagsipsip niya ng softdrinks. Ang lahat ng bagay na ginagawa niya sa loob ng sinehan habang nanonood. Dahil dito sa dilim ko lang siya mapagmamasdan ng hindi niya masyadong nahahalata. Mahuli man niya akong nakatingin sa kanya ay hindi n’ya makikita ang pamumula ng pisngi ko. Ang ng pakiramdam ko, halos ang tinik sa dibdib ko ay tuluyan ng nabunot. Masasabi ko na nga na nagmamahal na ako. Handa na akong muling umibig at ito ay sa katauhan ni Jay. 

Seryoso siyang nanonood ng biglang may nagtext sa kanya. Tiningnan niya kung sino ito. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya sa cellphone ngunit iyon ang dahilan ng saglitang pag-iiba niya ng mood. Hinayaan ko na lang ito. Hindi ko na lang pinag-ukulan pa ng pansin. Dahil gusto ko sulitin ang araw na ito. May mga plano pa ako para sa araw na ito at gusto kong maging masaya siya. Habang abala siya sa kanyang telepono ay may tinawagan akong isang kaibigan. Nakausap ko siya ng maayos ng hindi napapansin ni Jay.

Pagkalabas namin ng sinehan ay halos ikuwento ni Jay ang nangyari sa pinanood namin. Para namang hindi ako ang kasama n’yang nanood. Pero okay na rin ‘yun at least medyo naintindinhan ko rin kahit konti sa pagpapaliwanag niya ng pelikulang pinanood namin. Hindi maalis sa aking mga labi ang ngiti habang nagkukwento s’ya. Tila isang bata na nagbibida sa kanyang mga kaibigan na hindi nakapanood ang inasta niya. Lubos nagdala sa akin ng kasiyahan. 

“Nag-enjoy ka ba?” bungad kong tanong kay Jay. 

“Oo, salamat,” tipid niyang sagot. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at nagreply muli sa nagtext sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi alamin kong sino iyon. 

“Sino ka text mo?,” tanong kong nahihiya dahil sa iniasta. 

“Ahh..iyon ba? Ka-trabaho ko,” tipid niyang sagot na tila kinakabahan sa kanyang mga sinabi at agad na nagsilay ng mga ngiti na nakakapagpaturete sa akin. 

“Hindi pa tapos ang araw natin. Bago tayo umuwi samahan mo muna ako.” Pag-iiba ko ng paksa namin habang nagpapa-cute. 

“Tigilan mo nga ako sa mga pa-tweetums mo. Tara kung saan man yang lugar na yan.” 

Nagtatakbo ako pababa ng hagdan ng mall. 

“Hoy Jose, sandali!” ang sigaw ni Jay habang habul-habol ako.

Itutuloy…

Thursday, December 20, 2012

Hiling

Photo by:  Justyn Shawn

Sa may bahay ang aming bati, Merry Christmas na ma-l’walhati
Ang pag-ibig pag s’yang naghari
Araw-araw ay magiging pasko lagi…

Ito ang kantang maririnig mo sa bawat bibig ng mga bata habang tangan ang mga niyuping tansan na ginawang tamburin at basyong lata na nagsilbing tambol sa kanilang pangangaroling.  Masaya ang pakiramdam sa tuwing sasapit ang kapaskuhan.  Madarama mo ang malamig ang simoy ng hangin, ang mga bahay ay napapalamutian ng mga nagagandahang dekorasyon na sinasaliwan pa ng mga kumukutikutitap na Christmas lights na animo’y tala sa kalangitan.  May kaya man o ordinaryong pamilya ay pinaghahandaan ang pagdating ng pasko.  Ang lahat ay nagiging abala sa pagbabalot ng kani-kanilang mga regalo para sa kamag-anak, kaibigan, at mga inaanak.  Ang iba ay nagkakaroon pa ng family reunion.   Dahil sa haba na rin ng panahon na walang pasok kaya ginagawa nila ang pagsasama-samang magkakapamilya. At para sa mga nakaka-angat talaga sa buhay ipinagdiriwang nila ang pasko sa ibang bansa, lalo na sa bangsang may snow.  Siguro gusto nilang makaranas ng tinatawag na WHITE CHRISTMAS.

Last week bago ang Christmas vacation, nag-announce ang club adviser namin na magkakaroon kami ng outreach program sa isang orphanage sa manila.  Ito ang taun-taong ginagawa ng school organization na sinalihan ko.  Advocacy na nila ang magbigay ng saya sa mga abandonadong bata tuwing sasapit ang kapaskuhan.  Bago pa man matapos ang meeting ay nagtakda na ang members at officials na magset ng date upang maiayos ang lahat ng regalong dadalhin at ipapamigay sa mga batang iniwan sa ampunan. 

Ang sarap sa pakiramdam ng makakatulong ka sa mga taong nangangailangan.  Lalo na sa panahon ng kapaskuhan.  Dahil pakiramdam ko naging mas makabuluhan ako para sa ibang tao.  Sa mga taong walang pamilyang matatawag.  Kaya, kahit isang araw lang ay maipadama namin sa kanila na may mga taong nagmamalasakit pa rin sa kanila.  Kahit isang araw lang.  

Araw ng outreach program.

“Ok guys, ready na ba ang lahat? Naisakay na ba sa van ang mga gifts at ang mga pagkain na lulutuin mamaya?,” tanong ng coordinator habang tinignan isa-isa ang nasa likod ng sasakyan.

“Yes sir! Everything’s packed.” Halos sabay-sabay na sagot ng mga miyembro.

Habang nasa daan, hindi maalis sa akin ang mag-isip kung ano ang mangyayari pagdating namin sa bahay-ampunan.  Iniisip ko rin kung paanong mapapasaya ang mga bata.  First time ko kasing sumama sa outreach program at hindi ko alam kung magugustuhan nila ako.

Hindi naman malayo ang byahe at isa pa abala ako sa mga iniisip kong paraan para makipaghalo-bilo sa mga bata kaya hindi ko napansin narating na namin ang bahay-ampunan. 

“Wait guys, punta muna ako sa Directress ng orphanage before i-unload ang mga dala natin,” paalam ng coordinator namin.

Ilang minuto lang ang tinagal nito at maya-maya at bumalik na rin upang sabihing pwede ng pumasok sa loob.  Tulung-tulong naming inilabas ang lahat ng regalo at mga pagkain na aming dala para sa mga bata. 

Pagpasok na pagpasok namin ay makikita at madadama mo sa mga bata ang saya.  Lalo pa ng makita nila ang mga dala naming regalo.  Makikita mo sa mga mata ang kislap ng pag-asa, na kahit isang araw lang ay magkakaroon sila ng mga matatawag nilang kuya at ate.   Kahit ako ay dama ko ang kakaibang saya at pananabik na makipaglaro sa kanila, dahil sa totoo lang nag-iisang anak lang ako, kaya naman masaya akong nakakakita ng mga bata lalo pa kung nakakalaro ko sila.

Ang lahat ay nakaayos na, ang mga regalo ay nailagay na rin malapit sa Christmas tree na nakatayo sa loob ng ampunan.  Dinala na namin sa kusina ang mga putahe at sangkap na gagamitin namin sa pagluluto.  Dahil ngayong araw na ito kami ang magsisilbi sa mga bata.  Kami ang magpapakain, magpapaligo, makikipaglaro, at kami ang magpapatulog.  Gawain ng isang nakatatandang kapatid kapag wala ang mga magulang dahil pumapasok sa trabaho o kaya naman ay may importanteng ginagawa.

Habang ang iba ay nasa kusina at nagluluto meron namang nag-umpisa ng makipaglaro sa mga bata.    Ginawa na nila ang mga bagay na napagkasunduan noong nagdaang meeting.  Hindi ko mawari kung bakit hindi ko agad makuhang lumapit sa mga bata kaya naglakad-lakad ako sa pasilyo ng ampunan.  Hindi ko alam kung paano kong sisimulan ang makipaglaro sa kanila ng mahagip ng aking paningin ang isang bata na nakaupo sa isang lumang bench sa may hardin na hindi nakikipaghalu-bilo sa mga kapwa nyang ulila.  Tila malalim ang iniisip.

“Hi, anong ginagawa mo dito bakit hindi ka nakikipaglaro sa kanila?” mahinahon kong tanong sa batang nakaupo.  Ngunit nanatili lamang s’yang tahimik.  Tinignan lang ako nito ng walang reaksyon.   “Ako nga pala si kuya Anthony.  Ikaw anong pangalan mo?”  Nanatili ang kanyang katahimikan at hindi kumikibo.  Tantiya ko ay mga anim na taon na ang batang pilit kong kinakausap.  Sa totoo lang ang gaan ng pakiramdam ko sa batang ito kahit pa hindi niya ako sinagot sa mga tanong ko.  Mayroong kung anong koneksyon sa aming dalawa.  Sa dinami-dami ng batang pwede kong makalaro at makausap ay pinili ko s’yang pagtyagaang makasama dahil may kakaiba talaga sa kanya at hindi ko siya kayang iwang nagmumukmok at nag-iisa.  Lalo ‘nung nagtama ang mga mata namin.  Bakas mo dito ang lungkot ng pag-iisa, pangungulila, at paga-asam na sana isang araw may mabuting pamilya ang kumupkop sa kanya.  Na sana, balang-araw ay magkaroon din s’ya ng pamilyang mag-aaruga sa kanya.  Kaya naman naisipan ko na lang magkwento sa batang kasama ko baka sakaling makuha ko ang kanyang atensyon.

“Ganito na lang, kukwentuhan na lang kita.  Gusto mo ba ‘yon?”  Ang nakangiti kong tanong sa kanya ngunit nanatili lang itong nakatitig sa akin.  Agad akong umupo sa kanyang tabi at sinimulan ang pakukwento.  “Alam mo ba noong maliit pa lang ako… t’wing magpapasko excited ako, kasi makakatanggap na naman ako ng gift galing kay Santa.  Kilala mo ba si Santa?” ang excited kong tanong sa kanya ngunit wala pa rin akong nakuhang tugon.  Itinuloy ko na lang ang pagsasalaysay.  “Si Santa, lalaking malaki ang t’yan na nakasuot ng pulang damit na may mahabang balbas...  Merong s’yang listahan ng mga batang naging mabait sa loob ng isang taon.  Tapos,  binibigyan n’ya ng regalo ang mga batang mababait at masunurin sa mga nanay at tatay nila.  Ikaw ba mabait kang bata?”  tinignan ko s’yang muli at nginitian.  Ngunit nanatili lang ang kanyang katahimikan.  Patuloy pa rin ako sa pagkukwento.  “Alam mo bang walang pasko na hindi ako nakatanggap ng regalo mula sa kay Santa?  Simula noong bata pa ako hanggang ngayon na malaki na ako nakakatanggap pa rin ako ng gifts galing sa kanya.  Kasi naging mabait akong bata at kahit ngayon na malaki na ako, sinusunod ko pa rin ang nanay at tatay ko.  Mahal na mahal ko sila.  Kaya kahit ano ang hilingin ko kay Santa binibigay n’ya sa akin.”  Hindi ko alam kung bakit may bumalik sa aking ala-ala ng mga sandaling iyon.

Pamilyar ang lugar kung saan ako nakaupo kasama ang bata, pati ang mukha ng batang kausap ko. Pinakatitigan kong mabuti.  Hindi ako maaaring magkakamali.  Ang batang kausap ko ay ang sarili ko noong bata pa ako at ang lugar na sinasabi ko ay ang lugar kung saan ako madalas mag-isa tuwing sasapit ang kapaskuhan.  Sa isang lumang bench sa may hardin ng ampunan.  Doon magmumukmok ako at walang sawang hihiling na sana magkaroon na ako ng pamilya, ng magulang na magmamahal at mag-aaruga sa akin.  Oo, isa rin akong batang iniwan na lang sa bahay-ampunan na pinalad magkaroon ng mabubuting magulang na s’yang kumupkop at nagpalaki sa akin.  Mga magulang na kahit hindi nila ako tunay na anak ay binigyan nila ako ng sapat na atensyon at nag-uumapaw na pagmamahal.  Kahit minsan hindi ko naramdaman na iba ako sa kanila.  Hindi ko maitago sa aking sarili ang lubos na pagpapasalamat na dininig ang aking hiling, na magkaroon ako ng matatawag kong sariling pamilya.   Tumulo ang butil ng luha sa aking mga mata habang inaalala ko ang tagpong nagpabago sa aking buhay.

“S’ya ba ang batang aampunin natin mommy?” ang tanong ng lalaki sa kanyang may-bahay.

“Oo daddy, diba ang cute n’ya?  Parang isang anghel ang mukha n’ya,” sabay pisil sa aking pisngi habang nakatitig lang ako sa kanilang mag-asawa na walang pakialam sa nangyayari sa aking paligid.  Ipinantay ng mag-asawa ang kanilang mukha sa akin upang pakatitigan akong mabuti.  Habang hinahaplos ng lalaki ang ulo ko,  “Hijo, mula sa araw na ito hindi ka na magiging ulila.  Nandito na kami ng mommy mo.  Ikaw ang magiging anak namin at kami ang magiging magulang mo.  We’re going to be one big happy family,”  sabay yakap sa akin ng mag-asawa.

Muli kong tinitigan ang batang kausap ko kanina.

“Alam mo bang masaya ako sa kinahinatnan ng buhay mo, kahit pa ampon ka lang, minahal at pinahalagahan mo ang mga taong tumanggap sayo ng buong-buo.  Isinaisang-tabi mo ang katotoohang hindi kayo tunay na magkadugo, mas pinili mo ang paniniwalang sila ang tinakda ng Panginoon para maging magulang mo. Ang pagkakaroon ng matatawag na pamilya ang pinakamagandang regalong natanggap mo sa buong buhay mo.  Alam mo rin kung paanong magbalik ng kaligayahan para sa mga katulad mong ulila.  Ikaw sinuwerte ka, paano naman ang mga batang naiwan dito sa bahay-ampunan?  Sana magkaroon din sila ng mga magulang katulad ng mga magulang ko.  Mapagmahal at mapagkalinga.  At sana katulad mo, pahalagahan nila ang mga taong kukupkop sa kanila at magbibigay ng bago nilang pagkatao,”  ang naging realisasyon ko habang unti-unting naglalaho ang batang kanina lang ay kinakausap ko.  Hilam sa mga matang pinahid ko ang aking luhang dumaloy dito.  Tumayo ako upang bumalik sa loob para tumulong.

“Kuya! Kuya!  Laro naman tayo.” Pagtawag sa akin ng isang bata habang tangan-tangan ang isang bola.

“Halika nga dito.  Lapit ka kay kuya.”  sabay ngiti at lahad ng dalawang kamay na tila nagsasabing handa akong pasayahin s’ya kahit isang araw lang.  Kahit isang araw lang maiparamdam ko sa kanya kung paano magkaroon ng kapatid.  Bakas sa mukha ng bata ang saya kaya naman agad itong tumakbo palapit sa akin at yumakap gamit ang isang bisig habang ang isang kamay ay tangan-tangan pa rin ang bola.

Para sa mga bata sa ampunan wala na silang iba pang mahihiling kundi ang magkaroon ng pamilyang kukupkop at mag-aaruga sa kanila.  Isang pamilya na kukumpleto sa pagkatao nila.  Pamilya na tatanggap sa  kanila at higit sa lahat, isang pamilyang mabibigay ng tunay na pagmamahal.

Ikaw ano ang iyong HILING?

W A K A S

Friday, December 14, 2012

Anino Ng Kahapon 19

Photo by: Justyn Shawn

Gusto ko  pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon.  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.

Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.

Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, Pop Star ng Korea, RGEE, rascal, Khate Williams Serjado, Jhonny Quest, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.

Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:

_____

Disclaimer:

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome. 

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!

Monday, December 10, 2012

Anino Ng Kahapon 18

Photo by: Justyn Shawn

Gusto ko  pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon.  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.

Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.

Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, Pop Star ng Korea, RGEE, rascal, Khate Williams Serjado sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.

Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:

_____

Disclaimer:

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome. 

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!

Saturday, December 8, 2012

Piso [8]

"In love nga ba ako?.."
by: Justyn Shawn
email: jeiel08@gmail.com

Ngayong pasado na ako sa trabahong pinag-aplayan ko, alam kong magiging masaya na rin sa wakas si Zaldy para sa akin. Alam kong kung saan man siya ngayon ay nakangiti siya, sumasaludo sa pagharap ko sa katotohanan, sa hamon ng buhay at sa aking pagbabago. Positibo ang pakiramdam ko na makakatulog na din ako ng payapa, ng magaan ang pakiramdam, ng walang inaalala; dahil alam ko, ang ginagawa ko ay tama.

Kasabay ng pagbabagong ito, may mga bagay akong kakalimutan at pilit na kinakalimutan na. May mga bagay na magbabago at magbabago. Mahirap man, alam kong kaya ko ito. Kakayanin ko.

Masaya kong tinahak ang daan pauwi. Habang naglalakbay ang mga paa ko ay may napansin akong nakalagay sa isang istante noong may madaanan akong isang tindahan. Masuyo ko itong tiningnan. Napangiti akong naalala si Jay. Binili ko ang nakadisplay dito. Alam kong magugustuhan ito ni Jay.  Tuwang tuwa akong naglalakad pauwi habang bitbit ko ang pasalubong ko sa kanya.

Friday, December 7, 2012

Anino Ng Kahapon 17

Photo by: Justyn Shawn

Gusto ko  pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon.  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.

Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.

Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, Pop Star ng Korea, RGEE, rascal, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.

Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:

_____

Disclaimer:

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome. 

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!

Tuesday, December 4, 2012

Anino Ng Kahapon 16

Photo by: Justyn Shawn

Gusto ko  pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon.  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.

Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.

Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, Pop Star ng Korea, RGEE, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.

Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:

_____

Disclaimer:

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome. 

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!

Saturday, December 1, 2012

Anino Ng Kahapon 15

Photo by: Justyn Shawn

Una po sa lahat ay gusto ko pong humingi  ulit ng paumanhin sa matagal na pag-aupdate ng kwento sa kadahilanang may mga bagay po na inaasikaso ako ngayon and gusto ko na rin pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon?  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.

Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.

Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.

Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:

_____

Disclaimer:

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome. 

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!

Sunday, November 25, 2012

Anino Ng Kahapon 14

Photo by: Justyn Shawn

Una po sa lahat ay gusto ko pong humingi ng paumanhin sa matagal na pag-aupdate ng kwento sa kadahilanang may mga bagay po na inaasikaso ako ngayon and gusto ko na rin pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon?  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.

Sunday, November 18, 2012

Anino Ng Kahapon 13

Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar,  sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.

Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:

_____

Disclaimer:

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome. 

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!

Saturday, November 10, 2012

Anino Ng Kahapon 12

Photo by: Justyn Shawn

Una po sa lahat ay gusto ko pong humingi ng paumanhin sa matagal na pag-aupdate ng kwento sa kadahilanang may mga unexpected things that came up this past few days and gusto ko na rin pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon?  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.

Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.

Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar,  sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.

Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:

_____

Disclaimer:

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome. 

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!

Sunday, November 4, 2012

Start Again

Photo by: Justyn Shawn

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang istoryang ito.  Isang parte ng buhay pag-ibig ko na muntikan ng ikawala ng taong minamahal ko.  Hindi ko inaasahan na ang pagigigng malapit ko sa isang taong nangangailangan ng atensyon ay magdudulot ng lamat sa tiwalang ibinigay sa akin.  Aaminin kong napalapit ako sa isang taong itinuring akong BEST FRIEND. Ang pagiging malapit pala namin sa isa't isa at ang mga malalambing na pag-uusap ay syang magiging mitsa ng muntikang makatakas na pagmamahal na ngayon ko lang muli naramdaman.