Blogger Widgets

Tuesday, August 7, 2012

Piso [1]

Sa Ilog
by Justyn Shawn


Napakaganda ng tanawin sa ilog na lagi kong pinupuntahan upang maligo at makapag isip-isip. Isa sa laging pinupuntahan ng mga tao rito ang ilog na iyon dahil sa mga nakapalibot na punong kahoy na nagbibigay ng lilim at preskong hangin na taglay nito. Di gaanong malalim ang ilog na ito at napakalawak, napakalinaw at sadyang napakalamig ang tubig dito.

Masasabing perpektong puntahan ng mga taong nais na magpalamig sa init ng panahon. Summer noon ng magkakilala kami ni Zaldy.

“Tol, ako nga pala si Zaldy. Taga kabilang bayan. Ikaw?” tanong nya sa akin na kumuha ng aking atensyon sa mga sandaling iyon sa aking pagmumuni-muni.

“Ahh..ehh. Jose pala.” Nauutal kong sabi sa kanya. Di ko kasi sya kilala pero sa kanyang ngiti ay parang nawala lahat ang nasa isip ko sa mga sandaling iyon. Parang ikinulong nya ako sa taglay nyang kapangyarihang at napatitig na lang ako sa kanya.

Si Zaldy. Tama lang ang laki. Hindi maputi at hindi din naman maitim ang kutis ng kanyang balat. Pantay ang kanyang mga mapuputing ngipin na una kong mapansin sa kanya nung nginitian nya ako at talaga namang nakakaagaw ng atensyon. Mayroon din syang dimples na bagay na bagay talaga sa kanya at lumalabas sa tuwing siya ay ngingiti. Ngunit ang talagang nakakuha sa aking atensyon ay ang kanyang malamlam na mga mata na parang may kakaibang kapangyarihang taglay at parang ako ay kanyang hinihipnotismo sa mga sandaling yun. Dagdagan pa ng makakapal ngunit napakagandang kilay na tumerno sa kanyang mga singkit na mata. Kung ikukumpara mo sya sa isang artista ay kahawig nya ang singer na si Enrique Iglesias. Ngunit mas mababa lang dito si Zaldy kumpara sa kanya. Mga 5’4 o 5’5” lang ata wari ko.

“Oh bat parang natulala ka dyan? May dumi ba sa mukha ko? Tanong nya sa akin na para naman akong binuhusan ng malamig na tubig na nagpagising sa akin sa aking mahimbing na panaghinip.

“Ahh…Ehh. Wala. Wala kang dumi sa mukha” nanginginig kong tugon sa kaya.

“Eh bat para kang nakatulala at nananaghinip dyan ng gising? Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapong tulad ko? Mayabang na tugon nya sa akin habang sya ay papalapit at tumabing umupo sa akin. Ngunit nakapagpainit ng aking laman at tumaas sa aking ulo na naging dahilan upang mamula ang aking pisngi kahit na ako ay moreno ang kutis.

“Di naman ahh. Mas gwapo kaya ako sayo. May iniisip lang talaga ako kanina” mayabang ko ding sabi sa kanya. “Ano nga ulit ang pangalan mo?”itinanong ko ulit dahil sa nakalimutan ko ang kanyang pangalan.

“Zaldy pala.” Sabi nya sabay abot ng kanyang kamay sa akin. Nakipagkamay naman ako sa kanya at ngumiti at dali daling tinanggal agad kamay ko sa kanyang pagkakahawak dito. Baka kasi may mahalata na naman siya sa mga kilos ko. Pero sa totoo lang gusto ko ulit mahawakan ang kamay niya. Napakalambot kasi nito at para bang iba ang dalang init ng palad nya sa aking katawan.

Di ko alam ang magiging reaksyon sa kanyang ginawa pero nagdulot talaga ito sa akin ng kakaibang nararamdaman sa una pa lang naming pagkikita. Para akong maiihi na ewan.  Para akong kinikiliti sa pagkatabi pa lang namin at nang dumikit ang kanyang mga balat sa akin. Iba talaga ang naging epekto sakin ng mokong na ito.

“Lagi ka bang nandito Jose?” dagdag na tanong nya sa akin.

 “Oo, lagi akong nandito para makapag isip ng mga bagay bagay.” sabi ko sa kanya.

Itong ilog na din kasi ang nagging takbuhan ko sa twing ako ang may dinadalang hinanakit sa mundo. Noong naging isang ulilang lubos ako. Sa mga hinanakit ko sa magulang ko sa pag iwan nila sakin.  Mga pasakit na dinaranas sa buhay ko ngayon. Mga katanungang bumabagabag sa akin. Dagdagan pa ng natuklasan ko tungkol sa aking sarili. Sa aking katauhan. Na ako ay nagkakagusto din sa kapwa ko lalaki.  Dito sa mismong lugar na ito ko ibinuhos ang lahat ng mga ito. Sadya kasing stess reliever ang lugar na iyon sa ganda at para rin akong nakakakuha ng mga kasagutan na aking iniisip.

“Nga pala jose, parang tayo lang ‘tong piso ohh.” Nakangiti ngang banggit sa akin.

“Bakit mo naman nasabing parang tayo lang yung piso? Ano yun piso lang halaga natin sa gwapo nating ito?” tanong ko sa kanya na naguguluhan din kung pano nya nasabi yun.

“ahh kasi si Jose Rizal ang nakalagay sa piso diba? Ikaw si Jose at ako naman yung Rizal. Kay Rizal din kasi kinuha yung pangalan ko.” Nakangiti nyang wika sakin. “…at isa pa hindi makukumpleto ang isaang daan kung walang piso diba? Parang ikaw at ako.  Di ako kompleto pag wala ka.  At di ako papayag  na piso lang ang halaga ko, ang cute cute ko kaya.” Matawa-tawa nyang dagdag.

“Ano daw? Di sya kompleto pag wala ako? Nakadrugs ba to?”natatawang sambit ng aking utak. Di ko alam ang mararamdaman pero para akong kinilig na ewan sa kanyang sinabi.

“Ahhhh…”yun na lang ang sabi ko sabay paiwas ko syang tiningnan . Di ko kasi alam kung ano mangyayari kung magtama na naman ang aming mga mata. Baka tuluyan na akong lamunin ng aking kamunduhan. Parang ngayon lang kami nagkakilala pero ang lakas talaga ng hatak nya sakin.

Habang nasa ganung posisyon ako ay naalala ko naman ang mga nakalipas na sandali sa aking buhay at mga bigat at sakit na pinagdaraanan ko. Ganito pa rin ba ang takbo ng buhay ko kung buhay lang sana ang mga magulang ko ngayon? Kaya ko pa kayang mamuhay sa mundo ng mag isa at walang karamay? Pagod na pagod na kasi ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Lugmok na lugmok ako. Hindi ko alam kung bakit sa lahat na lang ng pagkakataon feeling ko pasan ko ang bigat ng mundo. Puro pagdurusa na lang ang aking nararanasan. Gusto ko ng sumunod sa aking mga magulang na namayapa na.

 At nakita ko na lang ang aking sarili na tumulo na ang aking luha at agad ko naming pinunasan ito para di mahalata ni Zaldy. Ngunit huli na ang lahat. Kanina pa pala sya nakatitig sa akin at pinagmamasdan ako.

“Tol, alam ko may pinagdadaanan ka ngayon, alam ko din na gusto mo ng sumuko dahil sa mga nakita ko sayo. Di ka naman kasi iiyak ng wala lang eh. Pero masasabi ko lang na kaya mo yan. Lahat ng nangyayari sa atin ay may halaga at plano ang Diyos kung bakit natin ito pinagdaraanan ngayon.” Sabi nya sakin.

"Lagi mong tingnan kung hanggang saan o kung ano na narating mo kesa sa kung gaano pa kalayo ang pupuntahan mo. Lagi mong bilangin kung anong meron ka, hindi kung ano ang wala ka. Kapag sila ay nagdurusa, nagtatanong sila kung bakit ako? Bakit sa kanila nangyari ang ganung bagay? Bakit sa dinami dami ng taong pwedeng pagbigyang ng problema ehh sa kanila pa ito binigay pero hindi sila nagtatanong kung bakit sila nakakatanggap ng biyaya diba?” dugtong niya. Bagama't may kirot na dulot sa akin ang mga katotohanang sambit ni Zaldy ay may kaunting kiliti naman itong dulot sa akin habang nangungusap ang nanlalambing niyang mga tingin sa aking mga matang bakas ang dinadalang problema.

"Ano kayang buhay ang mayroon ang taong ito? Sa kanyang mga sinasabi'y may bahid ng kaunting lungkot na mga titig ay dama kong tila pareho o mas higit pa ang kanyang karanasan?" ang tanong ko sa aking sarili habang pinakikinggan ng mabuti si Zaldy.

“Salamat tol. Pero di ko na ata talaga kaya ehh. Para akong pinagkaitan ng tadhana sa mga pinagdaraanan ko. Lahat na lang ata ng problema sa mundo pasan ko na. Ang sakit sakit ehh. Masakit dahil ganito ang buhay ko ngayon. Problema, problema at problema lang ang gumigising sa akin araw araw. Di ko tuloy maiwasang sisihin ang mga magulang ko. Kung hindi sana nila ako iniwan, naging masaya sana ako kahit papano dahil andyan sila at kompleto kami. May gumagabay sa mga mali ko, may nagtatanggol kapag ako ay inaapi at may magpapayo kung ano ang tama at mali sa mga desisyon ko hindi tulad ngayon na mag isa ko na lang kinahaharap ang lahat ng ito.”sambit ko kay Zaldy habang di ko maiwasang tumulo ang luha sa aking mga mata.

"Ang mga problema na nararanasan natin sa buhay ay para lang yang isang malaking hadlang sa mga daraanan natin. Sila ang nagbibigay sa atin ng lakas. Lakas upang labanan ang mga susunod pang pagsubok na darating sa ating buhay. At di natin napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok na dadating sa atin kung wala tayong problemang kakaharapin."sagot naman ni Zaldy sa akin.

Hindi ko akalaing ganito kalawak ang pananaw niya sa buhay. Marahil may pinagdaanan siyang higit sa  kalagayan ko ngayon. Pilit na ngiti na lang ang ibinalik ko sa kanya habang inaayos ko ang aking sarili.

"Alam mo, ang isang diamante ay di pwedeng kumintab kung di mo kikiskisin ito. Ang ginto ay di mo mahihinang ng walang apoy. Ang mabubuting mga tao ay nakakaranas din ng matinding pagsubok sa buhay ngunit di sila nagpapadaig dito. Ginagamit nila ang karanasan nilang ito para magtagumpay sa buhay nila para maging mas mabuti at matatag tao." Ang matalinhaga niyang patuloy sa kanyang pagpapaliwanag ngunit dahil sa kanyang itsura, galaw at pangungusap ay nakaramdam ako ng kakaibang
init sa aking puso't naging mabagal at malakas ang tibok ng aking dibdib. Para akong ewan na hindi ko maintindihan dahil sa problema't seryoso ang aming usapan ngunit ang laman ng aking puso't isipa'y
unti-unting pinapalitan ng aming kalagayan at si Zaldy.

Habang patuloy lang siya'y natulala na ako kay Zaldy. Para akong nanaginip ng gising at di ko na napansin na tapos na siya sa  kanyang sinasabi.

"Tol? Natutulala ka nanaman sa akin... Ikaw ha.... Nakakahalata na ako." sabay bagon niya. Hinila pabalik ng kanyang sinabi ang aking ulirat at napansin ko na lang siyang biglang bumangon tangan ang piso
at tila nagpapahabol na tumungo sa gilid ng ilog.

“Tara na nga. Mag hanapan na lang tayo nitong piso. Ang drama na natin eh”. “Ihahagis ko ‘to tapos hahanapin natin ha?”dagdag na sabi nya sakin habang nakangiti at ako’y napa-oo na lang sabay hubad ng aking mga damit at iniwan ko na lang ang aking brief na aking tanging saplot sa aming paliligo.

Nakita ko sya sa kanyang ginagawa na naghuhubad din ng kanyang saplot sa katawan. Di ko maiwasang tumitig sa kanyang ginagawa at mamangha sa kanyang katawan. Hindi man maskulado pero hindi naman din mataba ang kanyang pigura. Sakto lang kumbaga. Tanaw ko mula sa aking kinalalagyan ang balahibong pusa niyang balbon sa katawan na tipo ko sa isang lalake.

“Hmmmmn ang sarap siguro lapain ni Zaldy?” intrega ng aking malanding utak.

“Oh, anong tinitingin tingin mo dyan? Kanina ko pa napapansing nakatitig sakin ahh? Type mo ba ako ha?” preskong pagpuna nya sa akin na nakapagpula na naman sa aking pisngi.

“Ahh. Ehh….di ahh” nanginginig kong sagot sa kanya.

Ramdam ko ang pagkahiya kanina sa kanyang mga sinabi kaya hinubad ko na lang ang natitira kong saplot para din maipagmayabang ko ang angking kagwapuhan at angking kakisigan. Di naman sa maipagmamayabang pero madaming nagsasabing hawigin ko daw si Derek Ramsay. Tipikal ang pagkamoreno ng aking balat dahil na rin siguro laging babad sa araw. Malalaki ang katawan at maskulado dahil na rin siguro sa mga mabibigat kong gawain upang mabuhay. May mapuputi at pantay na mga ngipin ngunit walang dimples tulad ng kay Zaldy.

Nakita ko ang kanyang reaksyon sa aking ginawa kaya napangisi na lang ako. “Ano ka ngayon ha?” sa isip ko lang.  “Oh? Bat ikaw naman ngayon ang nakatulala dyan? Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking nakahubad sa harap mo? Hinubad ko na rin brief ko para wala na ako patutuyuin bago umuwi. Tayo lang din naman ang tao kaya hinubad ko na.” nakangiti kong sabi sa kanya.

May fiesta kasi sa kabilang bayan kung saan si Zaldy nakatira kaya siguro walang katao-tao ang lugar na yun nung mga panahong yun.

“Ahh oo nga noh? Tayo lang tao.hehehe Sige na nga, maghuhubad na din ako. Wala din akong dalang pamalit ehh” Nakangiti nyang sabi sa akin.

Matapos kong maghubad ay agad akong lumusong sa tubig upang makaupo sa may bandang sulok ng ilog. Mayroon kasi itong parang kweba na maliit upang gawing umpukan sa tuwing may gustong mag inom dun. Nakita ko naman si Zaldy na tapos ng maghubad ata may kinuha sa kanyang bulsa bago pa ako sundan sa aking pinuntahan.

Tangan niya ang piso at agad akong sinundan kung saan ako nandoon.

“Game?..” tanong nya sa akin nang makarating siya sa aking kinaroroonan.

Ang sarap ni Zaldyng tingnan sa kanyang itsura. Hingal. Basa ang katawan. Hubot-hubad. “Ang halay mo talaga Jose.” Sambit naman ng echosera kong isipan.

“Hoy!..ano game na?..”tanong ulit nya sa akin.

“Ha? Ahhh… ehhh… O-oo..” di mapakaling sabi ko sa kanya.

Inihagis nya mula sa kanyang kinatatayuan ang piso sa malalim-lalim na parte ng ilog kung saan naming unahang hahanapin ito.

Dali dali kaming nag unahan kung saan ni Zaldy tinapon ang piso para hanapin namin. Sisid sisid kong tinatanaw ang piso sa ilalim ng ilog kung saan ni Zaldy ito itinapon. Hingal na hingal akong hanapin ito ngunit hindi ko talaga ito makita.

Napansin ko na lang na hindi na sumisisid si Zaldy at lihim na pinagtatawanan ako sa aking itsura. Hingal na hingal ako sa aking paghahanap pero wala talaga akong makitang piso. Una na pala itong nakita ni Zaldy at itinago lang sa akin at hindi sinabing nakita na nya ito.

Nainis ako sa kanyang ginawa kaya “Ikaw na lang mag laro sa piso mo” tamputampuhan kong sabi sa kanya. Hindi naman maalis sa akin na nag enjoy ako sa paghahanapan naming ng piso. Dagdagan pa ng damdamin kung unti-unting umuusbong para sa kanya.

“Sorry na. Hindi na mauulit hehehehe.”natatawa nyang sabi sa akin. “Oh ikaw naman mag tapon nitong piso” dagdag nya pang sabi sa akin. Ewan ko rin ba pero pag si Zaldy ang kasama ko, hindi ko kayang magalit sa kanya at parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Parang wala akong problemang pinagdaraanan.

Habang inaabot nya sakin ang piso ay palihim nya namang hinimas ang aking kamay. Di ko alam ang magiging reaksyon ko sa ginawa nyang iyon. “Pinaglalaruan ba ako nitong tarantadong ito?”isip ko na lang. “Eh bakit? Gusto mo din naman yan diba?”intriga na naman ng aking malanding utak.

Agad ko naman itong tinapon ang piso upang hanapin ito habang di pa nya nakikitang pinamulahan na ako ng aking pisngi sa pagkakahawak nya ng aking kamay. Sinisid ko kung saan ko ito itinapon.

Agad ko naman itong pilit na kinuha. Ngunit di ko pala alam na malapit na din ito makuha ni Zaldy at pagka dampot at pagka dampot ko ng piso ay sya rin naming dampot nya dito. Sa ginawa naming iyon ay di naman maiwasang magkahawakan kami ng aming mga kamay. Pero hindi ko binigay ang piso sa kanya habang inaagaw nya ito sa aking kamay habang nasa ilalim kami ng ilog.

May pustahan kasi kami na kung sino ang kulelat sa puntos ng aming hanapan ay manlilibre sa rides sa kabilang bayan kung saan ngayon may fiesta. Kaya ayaw ko ding magpatalo dahil wala akong ipanggagastos para doon.  Isip ko pa nung una baka date ang hanap nito kaya niyaya nya akong sumama sa kanya pero nagsabi naman sya sakin na gusto nya daw akong makilalang mabuti dahil gusto nya akong maging matalik na kabibigan. Napakagaan dawn g loob nya sakin at halos pareho kami ng pinagdaraanan sa buhay.

Hindi ko talaga hinayaang maagaw ni Zaldy sa aking kamay ang piso na hawak ko na ngayon. Habang gusto ko sana nang umahon upang kumuha ng hangin ay hinila naman ako ni Zaldy pababa at niyakap nya ako habang hawak pa rin ang kamay kong may tangan na piso. Ramdam ko naman sa aking likod ang kanyang malaki-laking armas na kumikiskis sa aking likuran dahil sa hubot hubad kaming naligo.

Sa pagkabigla ko naman sa kanyang ginawa ay buong lakas ko syang tinaboy sa akin at dahil nauubusan na din ako ng hangin sa katawan. Kaya nabitawan nya ako at nakaahon na habang hingal na hingal at pilit na hinahabol ang aking hininga.

“Ang daya naman.” Singhal ko kay Zaldy habang pilit ko pa ring binabalik sa normal ang aking hininga.  “kapag nakuha na ang piso, wala ng agawan. Ang daya daya mo ehh”dagdag ko pa dito.

Nang makapag ipon na ako ng nawalang hangin sa aking katawan at lakas sinabihan ko syang dun kami sa may mala-kwebang parte ng ilog kung saan kami nag-usap kanina magmumula upang hanapin ang piso.

Nauna akong makaakyat sa parteng iyon ng ilog. At agad naman akong sumigaw ng “Game!!!!” at dali dali kong hinagis ang piso sa di kalayuan habang di pa sya nakakaakyat sa dapat naming pwesto. Dali dali akong nagdive sa ilog upang hanapin ang piso na aking hinagis.

Di ko inaasahang sa kagustuhan ko ring makapanglamang sa kanya ay ako pa ang mapapahamak dahil mababaw pala ang parte ng ilog na iyon kung saan ako nag dive. Nabagok ang ulo ko at nawalan ako ng malay-tao.

Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari pagkatapos kong lumusong sa tubig. Parang may mga puting alitaptap na nagliliparan na aking natatanaw. Masakit ang aking ulo. Nahihilo at di makahinga.


_______________________________
Zaldy
_______________________________


Nagpustahan kami ni Jose sa paglalaro ng piso. Ang napagkasunduan naming premyo kung sino man sa amin ang makakakuha ng mas madaming puntos ay ililibre kung ano man ang gusto nitong sakyang sa rides. Fiesta kasi noon sa bayan namin.

Sa totoo lang hindi ko naman talaga gusto ang pustahan na iyon. Wala kasi akong maisip na idadahilan sa kanya upang makasama ko sya mamayang gabi sa perya. Gusto ko siyang makasama. “Sana nga lang di nya akalaing date ito” sambit naman ng aking isipan.


Dali dali ko namang inalalayan si Jose papuntang gilid ng ilog nang mapansin kong hindi na sya umaahon sa tubig at nang may nakita akong dugo galing sa kanyang noo.

Tarantang inalalayan ko  sya papunta sa gilid ng ilog upang ito ay subukang bigayan ng buhay sa pagkakabagok at pagkalunod. Agad ko namang tiningnan kung may pulso pa o kung himihinga pa sya. Di ko talaga alam ang aking gagawin sa pagkakita ko sa kanyang kalagayan. Tumibok ng mabilis ang aking puso sa kabang dulot ng pangyayari. Nanginginig ang aking mga kamay at buong katawan. Kinakapos ako ng hininga sa pagkakita ng kanyang kalagayan. Para akong maiihi na ewan. Natatakot. Kinakabahan. Balisa. Kung ano man ang pwedeng mangyari sa mga oras na iyon.

Sa totoo lang hindi ako marunong magbigay ng CPR. Kaya ginaya ko na lang ang mga nakikita ko sa tv pag ako ay nanunood sa kapitbahay namin.

Nanginginig kong inipit ng bahagya ang kanyang ilong gamit ang kanan kong kamay. Ang kaliwa ko namang kamay ay nabigyang laya upang bahagyang maitaas ang kanyang baba at ibuka ko ang kanyang mga labi upang bugahan ng hangin. Pagkatapos noon ay pinakinggan ko naman ang kanyang hininga kung may lumalabas na hangin mula dito at kung umaangat din ang kanyang dibdib. Yun kasi ang nakikita ko sa mga palabas. Ang pagma-mouth-to-mouth resucitation.

Ewan ko ba kung sa mga pangyayaring iyon ay dapat pa akong makaramdam ng ganoong bagay. Ang makaramdam ng kakaiba sa pag lapat ng aming mga labi. Pero di ko talaga maiwasan. Napakalambot kasi ng kanyang mga labi at kay sarap halikan. Para bang nang aakit pa itong lapitan at ulit-ulitin kong lasapin ang kanyang mga labi. May spark kumbaga. Agad ko naman itong winaglit sa aking isipan dahil nasa bingit ng kamatayan si Jose.

Nang wala akong mapansing senyales na himihinga pa siya, o kung may pagbabago sa kanya ay agaran ko naman inulit ang pagma-mouth-to-mouth ko sa kanya. Ngunit sa mga sandaling ito ay hindi ko na naramdaman ang naramdaman ko kanina. Para akong binanlian ng mainit na tubig at dali dali kong ginawa ang mga nakita ko sa tv. Kinakabahan ako. Nanginginig. Nanghihina. Sumisigaw.

Jose!...Jooooosssssseeeee!!!.....


Itutuloy…..

No comments:

Post a Comment