Blogger Widgets

Sunday, October 16, 2011

Unknown


Minsan sa buhay ko may mga pagkakataong lugmok na lugmok ako. Hindi ko alam kung bakit sa lahat na lang ng pagkakataon feeling ko pasan ko ang bigat ng mundo. Puro pagdurusa na lang ang aking nararanasan. Walang mahanap na kasagutan sa mga tanong ko at ni wala man lang maramdamang may kakampi ako o may karamay man lang sa mga pighati at sakit na nararamdaman ko ngayon.

Sa inis ko at para na rin mawala ang bigat at sakit na nararamdaman ko, naisipan ko na lang mag computer para naman malibang ako at makalimutan ko ang bigat na nararamdaman ko ngayon.

Habang abala ako sa nilalaro kong sa computer, bigla na lang ako nakakita na mag nag message sa akin.

"Hi"....sabi nya.

 Hindi ko sya lubos na kilala o hindi ko talaga sya kilala pero parang magnet na lang ang kamay ko at napatipa na lang upang replayan sya."Hello"..sabi ko.

"Alam ko ang pinagdadaanan mo ngayon at alam kong kelangan mo ng karamay kaya andito ako. Alam ko rin na hindi mo matanto kung bakit ako nakikipag chat sayo pero gusto ko lang malaman mo na laging may karamay tayo sa lahat ng pinagdaraanan natin. Tumawag ka lang sa kanya".

Di ko alam kung pano nya nalaman na may pinagdaraanan nga ako ngayon pero hindi ko talaga alam kung bakit nya nalaman ito kya nareply ko na lang sa kanya ay "Alam mo, nagdadasal naman ako ehh at nakakagaan nga naman talaga yun sa pakiramdam. Sa ngayon, busy ako at may ginagawa ako. kaya wala akong time para makipagchat. Bye".

Nagpaalam ako sa kanya at nagpatuloy na lang ako sa paglalaro ko ng angry birds. Di ko alam kung ano mafifeel nya sa kabastusan ko pero di ko din naman sya kilala kaya hinayaan ko na lang ito. Di din naman talaga ako mahilig kasi makipagchat ehh.

Maya-maya lang habang abala pa rin matapos ang level ng nilalaro ko, nakita ko na naman na nag message sya sakin kaya tinigil ko muna ang paglalaro ko.

"Ano naman pinagkakabusy-han mo? Alam mo, ang lahat ng ginagawa natin ay nagiging dahilan ng pagiging abala natin. Subalit ang pagiging produktibo ay makakakuha ng resulta. Ang mga gawain ay nakaka ubos ng oras natin. Pero nakakagaan ng pakiramdam yung nakikita mong may napupuntahan o may resulta lahat ng ginagawa mo." "Ang mga langgam ay lagi din namang busy pero nakikita natin sa kanila na may resulta ang mga ginagawa nila. Nakakapag imbak sila ng mga pagkain na kakainin kapag ang ulan o pagsubok ay dumating sa kanila. Sana ganun ka din. Sana ganun lahat ng tao." Sabi nya.

Bigla naman akong nakonsensya sa inasta ko sa kanya at parang sibat din ang mga katagang binitawan nya sakin. Nauunawaan ko naman talaga ang lahat ng sinasabi nya. Pero binabaliwala ko lang ito.

"Di ko inaasahan na magmemessage ka sakin. Sino ka nga pala?" nasabi ko lang.

"Sabihin na lang natin na andito ako para magbigay sayo ng liwanag at para makakita ka sa dilim." matalinhaga nyang sabi.

Ewan ko ba kung bakit nakikipag chat ako dito sa taong 'to na di ko man lang kilala pero nagpapasalamat na din ako sa kanya dahil pinapagaan nya nga ang nararamdaman ko sa bawat sinasabi nya.

"Sige, kung di ka magpapakilala, sabihin mo nga sakin kung bakit napakakumplikado ng buhay ko ngayon?" ewan ko din ba kung bakit ko nasabi yun sa kanya pero sa tingin ko sa kanya ako makakakuha ng kasagutan na lagi ko na lang tinatanong saking sarili.

"Wag mong isipin at suriin ang buhay. Mamuhay ka lamang dito. Kung pag-aaralan mo ang buhay mahihirapan ka lang at magiging komplekado ang lahat."sagot nya.

Hmmn tama na naman sya sa kanyang mga sinabi sakin kaya naisipan ko na lang na tanungin sya ng tanungin sa mga katanungan na bumabagabag sa akin.

"Bat lagi na lang ako malungkot?"sabi ko

"Ang pinag-aalalahanan mo ngayon ay ang pag-iisip mo kung ano ang kahapon at bukas. Nag-aalala ka dahil pinag-aaralan mo ang buhay. At sa pag-iisip kung ano ang resulta nito ang dahilan kung bakit di ka masaya."sagot na man nya.

"Ngunit, paanong hindi ako mag aalaala kung lagi na lang ako nakakaramdam ng kawalang pag asa? Kung ano ang magiging buhay ko bukas?"

"Ang kawalan ng katiyakan sa buhay ay di natin maiiwasan pero kung mag aalala ka dito, ay  nasa sayo na yun"

"Pero masakit pa ring isipin na di ka tiyak kung ano magyayari sayo bukas o sa makalawa."

"Ang sakit na nadarama natin ay di maiiwasan pero ang paghihirap kaya nating piliin kung gugustuhin natin."

Di ko lubos maunawaan kung saan sya kumukuha ng mga sagot sa katanungan ko ngunit sa mga sinasabi nya sakin ay para naman akong naliliwanagan sa mga kinahaharap ko ngayon.

"Kung ang paghihirap ay pinipili natin at nasa taong nagdadala nito. Bakit madami pa ring taong laging nagdurusa?"

"Alam mo, ang isang diamante ay di pwedeng kumintab kung di mo kikiskisin ito. Ang ginto ay di mo mahihinang ng walang apoy. Ang mabubuting mga tao ay nakakaranas din ng matinding pagsubok sa buhay ngunit di sila nagpapadaig dito. Ginagamit nila ang karanasan nilang ito para magtagumpay sa buhay nila para maging mas mabuting tao." sagot nya

Awts, para akong inumpog sa dingding upang matauhan lang sa kanyang mga sinabi.

"Ibig mong sabihin, kapakipakinabang pa ngayon ang nararanasan ko? Ang mga paghihirap na dinaranas ko ngayon?"

"Oo, sa lahat ng pagkakataon, ang karanasan natin sa buhay ang pinakamahirap na guro. Siya ng nagbibigay ng pagsubok sa atin at nagbibigay ng mga mumunting aral pagkatapos."

"Pero bakit pa kelangang dumaan sa mga pagsubok? Hindi pa pwedeng wala na lang ito?"

"Ang mga problema na nararanasan natin sa buhay ay para lang yang isang malaking hadlang sa mga daraanan natin. Sila ang nagbibigay sa atin ng lakas. Lakas upang labanan ang mga susunod pang pagsubok na darating sa ating buhay. At di natin napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok na dadating sa atin kung wala tayong problemang kakaharapin."

"Sa gitna ng mararamdaman ko ngayong mga problema, hindi ko na alam kung saan ako tutungo. Kung ano ang uumpisahang tapusin at sulosyunan."

"Kung titingin ka lang sa labas o sa paligid mo, hindi mo talaga makikita kung saan ka pupunta. Hanapin mo ang kasagutan sa mga tanong mo sa loob. Dyan sa loob ng iyong puso. Mata mo ang nagbibigay ng paningin. Ang puso mo ang nagbibigay ng pananaw."

Tama na naman sya sa kanyang mga sinabi. Tumutusok sa aking puso ang mga mensaheng binibitawan nya sa akin. Maluha-luha na ako at naisipan ko na lang na tanungin sya ng "Minsan ang sa hindi ko pagtatagumpay sa buhay ay napakasakit.
Ano ba ang dapat kong gawin?"

"Ang tagumpay ay isang sukatan tulad ng napagpasyahan ng iba. Ang kasiyahan ay sukatan na tulad ng napagpasyahan mo. Kung alam mo ang daan na iyong tatahakin nang mas maaga ay makapagbibigay sayo ng kasiyahan kesa sa alam mong ikaw ang nangunguna dito."

"Sa mga pagkakataong napakahirap ng buhay, paano ka nananatiling motivated?"

"Lagi mong tingnan kung hanggang saan o kung ano na narating mo kesa sa kung gano pa kalayo ang pupuntahan mo. Lagi mong bilangin kung anong meron ka, hindi kung ano ang wala ka." "Kapag sila ay nagdurusa, nagtatanong sila kung bakit ako? Ngunit hindi sila nagtatanong kung bakit sila nakakatanggap ng biyaya. Gusto nila na lagi silang tama, ngunit ilan lang ang  mga nais na nasa bahagi sila ng katotohanan."

Ewan ko ba kung bakit sa pagkakausap namin ay para akong naliwanagan. Kaya komportable na akong kachat sya at makapag open up sa kanya.

"Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ako, sino nga ba ako, at kung bakit ako nandito. Ngunit hindi ko pa rin masagot ito."tanong ko.

"Ang paghahanap sa sarili ay hindi upang mahanap kung sino ka, ngunit kung ano ang gusto mong maging. Wag mong hanapin kung ano ang purpose mo sa buhay mo ngayon, gawin mo ito. Ang buhay ay hindi isang proseso ng pagtuklas ngunit isang proseso ng paglikha."..sagot nya

"Paano ko makukuha ang pinakamaganda na kalalabasan ng buhay ko?" tanong ko

"Harapin mo ang iyong nakaraan ng walang ikinalulungkot. Panghawakan mo ngayon kung anong meron ka nang may pagtitiwala at maghanda para sa hinaharap ng walang takot."sagot nya.

"Salamat. Maraming maraming salamat talaga sayo. Masaya po akong haharapin ang buhay ng may bagong kahulugan ng inspirasyon."

"Tandaan mo. Panatilihin mo lang ang iyong pananampalayata at iwanan ang takot sa iyong puso. Huwag mong paniwalaan ang anu mang iyong pagdududa. At pagdudahan mo ang pinaniniwalaan mo. Ang buhay ay isang mesteryo upang malutas hindi isang problema upang lutasin. Mag tiwala ka lang sakin. Ang buhay ay talaga namang kahanga hanga kung alam mo kung pano mamuhay sa kabila ng mga pagsubok."

"Salamat po ng marami."

"Walang anu man iyon kaibigan"

No comments:

Post a Comment