Blogger Widgets

Thursday, October 4, 2012

My Points Of View About Love






may mga bagay sa mundo na mahirap intindihin. katulad ng bakit may buhay ang tao? paano at saan ba tayo nagsimula? parang sa pag-ibig. bakit nga ba umiibig tayo? kung masasaktan lang din nman tayo at luluha minsan sa mga bagay bagay na nakapaligid at malaki ang epekto sa ating buhay.

ang pag-ibig parang isang laro. kung di ka marunong sumabay sa takbo ng panahon maiiwan kang luhaan sa isang sulok at ang masaklap dito pirapiraso ka na at di mo alam paano ka ulit magsisimulang buuin ang sarili mo.

maraming aspeto ang dapat mong isaalang alang sa larangan ng pag-ibig. sabi nila pag mahal mo ang isang tao dapat tanggapin mo kung ano at sino sya. hindi mo dapat baguhin ang taong mahal mo kasi ganon mo syang nakilala. maari pa siguro na pagsabihan lang pero hindi mo dapat syang baguhin dahil pag nagkataon failure ang kahihinatnan ng relasyon nyo.

sabi rin nila na "if you love someone you have to set them free if he returns you were meant to be." eh pano kung di na sya bumalik dapat ba kasama ng pag-alis nya ang buong pagkatao mo? you have to save some love for yourself. hindi ko nman sinasabi na limitahan mo ang pag-ibig para sa taong mahal mo ang pinupunto ko dito dapat alam mo kung pano panghawakan ang sarili mo sa sandaling dumating ang panahon na kaylangan nyong maghiwalay ng landas.

minsan may mga pagkakataon sa buhay na haharap ka sa problemang pag-ibig ng mag-isa pero lagi mong tatandaan na may mga kaibigan at pamilya ka na pwede mong masandalan, mahingahan ng sama ng loob, at higit sa lahat sila ang magpapalakas ng loob mo na harapin ang mga pagsubok ngunit dapat tulungan mo rin ang sarili mo dahil hindi ka makakausad sa kinabukasan kung lagi kang nakalingon sa nakaraan.

masaya ang magmahal dahil sa pagmamahal magiging inspired kang gawin ang mga bagay ng may pagpupursigi para maging maganda ang kalalabasan. mahirap at masalimuot ang magmahal kung di mo alam paano mo ito hahawakan ng tama.

love is like a roller coaster ride. it's fun and exciting!

No comments:

Post a Comment