Blogger Widgets

Saturday, October 8, 2011

"100 Days to Heaven"


Sa araw-araw na ginawa at ibinigay ng diyos na buhay para sa atin, hindi na natin kailangan ng "100 days to heaven"...upang magampanan ang lahat ng kanyang mga ipinag-uutos sa atin bilang kanyang anak. Dapat lagi tayong handang magbago at tumanggap ng pagkakamali. Dapat i-enjoy ang buhay ng walang nasasagasaan o natatapakang ego ng ibang tao.


Lahat tayo ay may kanya-kanyang pagsubok na pinagdaraanan at sa pagharap sa mga pasanin na to makikita ang ating katatagan. Katatagang magpapatibay pa sa atin sa pagharap sa mga susunod pagsubok. Pag subok na magiging anay sa ating buhay...^_^


Masakit. Masakit harapin ang mga hamon ng buhay ng nag-iisa at parang walang kasangga at karamay sa pagharap nito. Ngunit natutunan ko pa ring lumaban. Na hanapin ang lakas na mabuhay at humarap sa mga pagsubok sa kabila ng lahat. Lahat tayo ay may kanya-kanyang pagsubok. Napakaraming taong sa kabila ng nasa kanila na ang lahat ngunit hindi pa rin sila maligaya o kuntento. May mga taong napakayaman na ngunit sa konting problema lang ay nagda-drugs na o kaya’y nagpapakamatay, sinasayang ang buhay. Kahit ganito lang ako, pero natutunan ko ang halaga ng buhay, at lalaban ako hanggang sa kaya ko. Hindi ko man alam kung bakit ibinigay sa akin ng maykapal ang ganitong klaseng buhay, ngunit alam ko, may silbi pa rin ako sa mundo, I have a place under the sun, at gagawin ko ang makakaya ko upang maraming tao ang mapapaligaya ko at matulungan. Napakasarap mabuhay sa mundo. At lalo itong mas masarp kapag wala kang galit sa puso, kapag marunong kang magpatawad, marunong magmahal..

5 comments:

  1. touch by this article. Remarkable lines... Really motivating and inspiring..

    ReplyDelete
  2. touch by this article...remarkable line. really motivating and inspiring.. :))

    ReplyDelete
  3. Salamat. Sana may mamotivate at mainspire pang iba kagaya mo..hehehe

    ReplyDelete
  4. Thumbs upπŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ˜„πŸ˜Š

    ReplyDelete
  5. πŸ‘thumbs upπŸ˜ŠπŸ˜„

    ReplyDelete