Minsan sa buhay ko may mga pagkakataong lugmok na lugmok
ako. Hindi ko alam kung bakit sa lahat na lang ng pagkakataon feeling ko pasan
ko ang bigat ng mundo. Puro pagdurusa na lang ang aking nararanasan. Walang
mahanap na kasagutan sa mga tanong ko at ni wala man lang maramdamang may
kakampi ako o may karamay man lang sa mga pighati at sakit na nararamdaman ko
ngayon.
Sa inis ko at para na rin mawala ang bigat at sakit na
nararamdaman ko, naisipan ko na lang mag computer para naman malibang ako at
makalimutan ko ang bigat na nararamdaman ko ngayon.
Habang abala ako sa nilalaro kong sa computer, bigla na
lang ako nakakita na mag nag message sa akin.
"Hi"....sabi nya.
Hindi ko sya lubos
na kilala o hindi ko talaga sya kilala pero parang magnet na lang ang kamay ko
at napatipa na lang upang replayan sya."Hello"..sabi ko.
"Alam ko ang pinagdadaanan mo ngayon at alam kong
kelangan mo ng karamay kaya andito ako. Alam ko rin na hindi mo matanto kung
bakit ako nakikipag chat sayo pero gusto ko lang malaman mo na laging may
karamay tayo sa lahat ng pinagdaraanan natin. Tumawag ka lang sa kanya".
Di ko alam kung pano nya nalaman na may pinagdaraanan nga
ako ngayon pero hindi ko talaga alam kung bakit nya nalaman ito kya nareply ko
na lang sa kanya ay "Alam mo, nagdadasal naman ako ehh at nakakagaan nga
naman talaga yun sa pakiramdam. Sa ngayon, busy ako at may ginagawa ako. kaya
wala akong time para makipagchat. Bye".
Nagpaalam ako sa kanya at nagpatuloy na lang ako sa
paglalaro ko ng angry birds. Di ko alam kung ano mafifeel nya sa kabastusan ko
pero di ko din naman sya kilala kaya hinayaan ko na lang ito. Di din naman
talaga ako mahilig kasi makipagchat ehh.
Maya-maya lang habang abala pa rin matapos ang level ng
nilalaro ko, nakita ko na naman na nag message sya sakin kaya tinigil ko muna
ang paglalaro ko.
"Ano naman pinagkakabusy-han mo? Alam mo, ang lahat
ng ginagawa natin ay nagiging dahilan ng pagiging abala natin. Subalit ang
pagiging produktibo ay makakakuha ng resulta. Ang mga gawain ay nakaka ubos ng
oras natin. Pero nakakagaan ng pakiramdam yung nakikita mong may napupuntahan o
may resulta lahat ng ginagawa mo." "Ang mga langgam ay lagi din
namang busy pero nakikita natin sa kanila na may resulta ang mga ginagawa nila.
Nakakapag imbak sila ng mga pagkain na kakainin kapag ang ulan o pagsubok ay dumating
sa kanila. Sana ganun ka din. Sana ganun lahat ng tao." Sabi nya.
Bigla naman akong nakonsensya sa inasta ko sa kanya at
parang sibat din ang mga katagang binitawan nya sakin. Nauunawaan ko naman
talaga ang lahat ng sinasabi nya. Pero binabaliwala ko lang ito.
"Di ko inaasahan na magmemessage ka sakin. Sino ka
nga pala?" nasabi ko lang.
"Sabihin na lang natin na andito ako para magbigay
sayo ng liwanag at para makakita ka sa dilim." matalinhaga nyang sabi.
Ewan ko ba kung bakit nakikipag chat ako dito sa taong
'to na di ko man lang kilala pero nagpapasalamat na din ako sa kanya dahil
pinapagaan nya nga ang nararamdaman ko sa bawat sinasabi nya.
"Sige, kung di ka magpapakilala, sabihin mo nga
sakin kung bakit napakakumplikado ng buhay ko ngayon?" ewan ko din ba kung
bakit ko nasabi yun sa kanya pero sa tingin ko sa kanya ako makakakuha ng
kasagutan na lagi ko na lang tinatanong saking sarili.
"Wag mong isipin at suriin ang buhay. Mamuhay ka
lamang dito. Kung pag-aaralan mo ang buhay mahihirapan ka lang at magiging
komplekado ang lahat."sagot nya.
Hmmn tama na naman sya sa kanyang mga sinabi sakin kaya
naisipan ko na lang na tanungin sya ng tanungin sa mga katanungan na
bumabagabag sa akin.
"Bat lagi na lang ako malungkot?"sabi ko
"Ang pinag-aalalahanan mo ngayon ay ang pag-iisip mo
kung ano ang kahapon at bukas. Nag-aalala ka dahil pinag-aaralan mo ang buhay.
At sa pag-iisip kung ano ang resulta nito ang dahilan kung bakit di ka
masaya."sagot na man nya.
"Ngunit, paanong hindi ako mag aalaala kung lagi na
lang ako nakakaramdam ng kawalang pag asa? Kung ano ang magiging buhay ko
bukas?"
"Ang kawalan ng katiyakan sa buhay ay di natin maiiwasan
pero kung mag aalala ka dito, ay nasa
sayo na yun"
"Pero masakit pa ring isipin na di ka tiyak kung ano
magyayari sayo bukas o sa makalawa."
"Ang sakit na nadarama natin ay di maiiwasan pero
ang paghihirap kaya nating piliin kung gugustuhin natin."
Di ko lubos maunawaan kung saan sya kumukuha ng mga sagot
sa katanungan ko ngunit sa mga sinasabi nya sakin ay para naman akong
naliliwanagan sa mga kinahaharap ko ngayon.
"Kung ang paghihirap ay pinipili natin at nasa taong
nagdadala nito. Bakit madami pa ring taong laging nagdurusa?"
"Alam mo, ang isang diamante ay di pwedeng kumintab kung
di mo kikiskisin ito. Ang ginto ay di mo mahihinang ng walang apoy. Ang mabubuting
mga tao ay nakakaranas din ng matinding pagsubok sa buhay ngunit di sila nagpapadaig
dito. Ginagamit nila ang karanasan nilang ito para magtagumpay sa buhay nila
para maging mas mabuting tao." sagot nya
Awts, para akong inumpog sa dingding upang matauhan lang
sa kanyang mga sinabi.
"Ibig mong sabihin, kapakipakinabang pa ngayon ang
nararanasan ko? Ang mga paghihirap na dinaranas ko ngayon?"
"Oo, sa lahat ng pagkakataon, ang karanasan natin sa
buhay ang pinakamahirap na guro. Siya ng nagbibigay ng pagsubok sa atin at nagbibigay
ng mga mumunting aral pagkatapos."
"Pero bakit pa kelangang dumaan sa mga pagsubok?
Hindi pa pwedeng wala na lang ito?"
"Ang mga problema na nararanasan natin sa buhay ay
para lang yang isang malaking hadlang sa mga daraanan natin. Sila ang
nagbibigay sa atin ng lakas. Lakas upang labanan ang mga susunod pang pagsubok
na darating sa ating buhay. At di natin napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok
na dadating sa atin kung wala tayong problemang kakaharapin."
"Sa gitna ng mararamdaman ko ngayong mga problema,
hindi ko na alam kung saan ako tutungo. Kung ano ang uumpisahang tapusin at
sulosyunan."
"Kung titingin ka lang sa labas o sa paligid mo,
hindi mo talaga makikita kung saan ka pupunta. Hanapin mo ang kasagutan sa mga
tanong mo sa loob. Dyan sa loob ng iyong puso. Mata mo ang nagbibigay ng
paningin. Ang puso mo ang nagbibigay ng pananaw."
Tama na naman sya sa kanyang mga sinabi. Tumutusok sa
aking puso ang mga mensaheng binibitawan nya sa akin. Maluha-luha na ako at
naisipan ko na lang na tanungin sya ng "Minsan ang sa hindi ko
pagtatagumpay sa buhay ay napakasakit.
Ano ba ang dapat kong gawin?"
"Ang tagumpay ay isang sukatan tulad ng napagpasyahan
ng iba. Ang kasiyahan ay sukatan na tulad ng napagpasyahan mo. Kung alam mo ang
daan na iyong tatahakin nang mas maaga ay makapagbibigay sayo ng kasiyahan kesa
sa alam mong ikaw ang nangunguna dito."
"Sa mga pagkakataong napakahirap ng buhay, paano ka
nananatiling motivated?"
"Lagi mong tingnan kung hanggang saan o kung ano na
narating mo kesa sa kung gano pa kalayo ang pupuntahan mo. Lagi mong bilangin
kung anong meron ka, hindi kung ano ang wala ka." "Kapag sila ay
nagdurusa, nagtatanong sila kung bakit ako? Ngunit hindi sila nagtatanong kung
bakit sila nakakatanggap ng biyaya. Gusto nila na lagi silang tama, ngunit ilan
lang ang mga nais na nasa bahagi sila ng
katotohanan."
Ewan ko ba kung bakit sa pagkakausap namin ay para akong
naliwanagan. Kaya komportable na akong kachat sya at makapag open up sa kanya.
"Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ako,
sino nga ba ako, at kung bakit ako nandito. Ngunit hindi ko pa rin masagot
ito."tanong ko.
"Ang paghahanap sa sarili ay hindi upang mahanap kung
sino ka, ngunit kung ano ang gusto mong maging. Wag mong hanapin kung ano ang
purpose mo sa buhay mo ngayon, gawin mo ito. Ang buhay ay hindi isang proseso
ng pagtuklas ngunit isang proseso ng paglikha."..sagot nya
"Paano ko makukuha ang pinakamaganda na kalalabasan
ng buhay ko?" tanong ko
"Harapin mo ang iyong nakaraan ng walang ikinalulungkot.
Panghawakan mo ngayon kung anong meron ka nang may pagtitiwala at maghanda para
sa hinaharap ng walang takot."sagot nya.
"Salamat. Maraming maraming salamat talaga sayo.
Masaya po akong haharapin ang buhay ng may bagong kahulugan ng
inspirasyon."
"Tandaan mo. Panatilihin mo lang ang iyong
pananampalayata at iwanan ang takot sa iyong puso. Huwag mong paniwalaan ang
anu mang iyong pagdududa. At pagdudahan mo ang pinaniniwalaan mo. Ang buhay ay
isang mesteryo upang malutas hindi isang problema upang lutasin. Mag tiwala ka
lang sakin. Ang buhay ay talaga namang kahanga hanga kung alam mo kung pano
mamuhay sa kabila ng mga pagsubok."
"Salamat po ng marami."
"Walang anu man iyon kaibigan"
No comments:
Post a Comment