Blogger Widgets

Saturday, October 8, 2011

Minahal ni Bestfriend (part 9)

           Nagpapasalamat po ako sa lahat ng  tumatangkilik ng storyang ito. Ako po ay labis na natutuwa sa mga positive feedbacks and comments from all the readers of this story. At dahil sa sobrang tuwa ko ay sinubukan ko pong tapusin ito agad. Maraming salamat po.

           Nais ko pong magpasalamat ng lubos kaila Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! J , Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! J), 07,John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, nick.aclinen, Jhay L, dada, Mars, Jayfinpa, Zekie!! J, wastedpup, wisdom,  Ako si 3rd, pink 5ive, Brent Lex, ram,  alex tecala, J.C, Ace, russ, Jay, X at syempre kay “J.V” at lalo na po kay “JEH” at sa mga Anonymous at silent readers..

          COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!

          ENJOY!!!!!!!!!!!! :)))))))))))))))))))






            Kahit mejo late pa ito ganapin ay excited talaga kaming lahat. Palapit na ng palapit ang prom night. Ang bawat isa ay may kanya kanyang partner para sa prom. Wala akong partner that time pati si Art. Si Ben ay partner si Leah, At si Jenny naman ay may bago na ring boyfriend, si Erwin. Ang ex ko namang si Grace ay nabalitaan kong wala talagang tumatagal na relasyon. Dun ko narealize na wala pala sakin ang problema.

            Naging mabilis ang dumaang araw at malapit na ang prom, gayun din ang mga sunod sunod na tests na lalo ng mas mahirap dahil palapit na rin ang final exams. And soon, bakasyon na naman na. Kaya naging puspusan ang paghahanda ng bawat isa. Pero para sakin, mas prioridad ko ang pag aaral tlga. Kahit pa excited ako sa dadating na prom ay hindi ko pa rin pinabayaan ang aking pagaaral.




            Gabi na ng prom, lahat ay talagang excited para mamaya. Maski ako ay hindi na rin mapakali. First time ko din kasi ito. Dati sa tv o kaya sa mga kwento ko lang naririnig ang prom, pero ngaun, mararanasan ko na ito. Mamayang 7pm ang start ng program at matatapos nmn ng 12am. Pagkatapos ng prom ay napagkasunduan ng tropa na pupunta kami ng malate at dun itutuloy ang kasiyahan.

            Halos hindi rin ako nakatulog dahil sa excitement na nadadama. Kahit pa walang partner ay ok lang. Andyan naman ang mga kaibigan ko. May mga babae din naman dyan na pwede isayaw. Marami man sakanila ang nagbibigay ng motibo ay di ko muna pinapatulan. Hindi sa dahil hindi sila pasado sa standards ko, pero as of now, di ko muna focus ang lovelife. Gusto ko lang ienjoy ang sandali ng buhay ko na pagiging single.

            Nagpasya muna ko pumunta ng mall dahil naiinip pa rin ako sa bahay. Pamatay oras ba. Mamaya pa naman ako dapat mag ayos at mahaba pa ang oras.

            Pagpasok ko ng mall ay nagpunta agad ako sa may bandang sinehan, naghahanap ng magandang palabas, pero wala, di ko gaano trip ang mga palabas kaya nagpasya nalang ako magikot ikot.

            Sa pagiikot ko ay napadaan ako sa arcade. Nagpasya bumili ng ilang tokens kahit hindi sure kung gusto ko maglaro. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa games. Pero dahil sobrang bored, at minsan lang naman, why not?

            Pagtapos maglaro ay nakaramdam ako ng gutom. Nagaalburuto na ang mga bulate ko sa tyan kaya nagpasya akong humanap ng makakainan. Nakakatawa dahil sa dinami dami ng pwedeng kainan, eto, bumagsak ako sa pinakapinagsasawaan ko, MCDO! Amff. Hindi ko alam kung bakit dun ako kumain pero parang may humihila sa akin na dun kumain.

            Pagka order ay agad agad akong kumain. Kasalukuyan kong ineenjoy ang aking french fries ng mapatigil ako sa nakita. Kitang kita ko na dumaan si Philip at umupo sa table sa harap ko. Alam kong nakita nya ko dahil sinadya nya talagang umupo sa opposite na upuan. Kaya ayan, magkaharap kami, magkaiba nga lang ang table. Nang mga oras nay un ay tumigil ang oras. Naalala ko yung mga panahong okay kami, yung hinihintay ko sya matapos sa training nya at sabay kami kakain sa mcdo. Yung magkaharap kami sa table at nagkukulitan. Pinaguusapan ang mga nakakatawang nangyari sa maghapon. Pero eto ngayon, kaharap ko rin sya, pero animo’y di kami magkakilala dahil sa agwat na nasa pagitan namin.

            Sinubukan kong kumalma, dahil ang totoo, kahit pa nararamdaman ko ang pananabik sakanya ay di ko makalimutan ang mga masakit na salitang binitawan nya sakin.

“Why should I care? Sino nga ba ko sa inaakala ko?! Sus, he said it himself.”, nasabi ko sa sarili ko.

Pero di ko pa rin maiwasan hindi tumingin sakanya, pero yung sulyap sulyap lang, ayaw ko naman kasing ipahalata na tinitingnan ko sya. Kunwari, dedma dedmahan. Pero sa twing susulyap ako saknya ay nakikita ko itong nakatingin sakin. Di ko makakalimutan ang mga tingin nay un. Yung tingin na tumatagos sa kaluluwa ko at parang nangungusap. Pabilis ng pabilis ang pintig at pagkabog ng dibdib ko. Di ako dapat paapekto, pero ayun, nanlalambot ako. Alam kong may gusto syang sabihin pero nagmatigas ako. Nanaig pa din kasi ang pride at galit na nararamdaman ko. Binilisan ko nalang ang kain at dali dali tumayo. Lumabas at naglakad.. Dire-direcho. Ayaw ko lumingon, kahit pa nararamdaman kong nakatingin sya sakin at feeling ko sinundan nya ko. “Ayaw ko. Tama na ang disappointment. Lakad lan, direcho ang tingin. Wag kang lilingon. Umuwi ka na.”, sinisigaw ko sa utak ko.

            Nang makarating na sa labas ay agad akong pumara ng taxi at dali daling sumakay. Hindi pa rin lumilingon. Kahit halos nararamdaman ko ng gusto kong bumaba at makipag usap sakanya at tanungin kung bakit ganun ang mga nasabi nya sakin. Ang daming tanong sa isip ko. Ayaw ko na rin umiyak, pagod na ko iyakan sila. Baka nga bakla na ko kasi iyak na ko ng iyak. Mali. Lalake ako.

            Pagkauwi ay pinilit ko na hindi ko na isipin ang pagkikita namin ni Philip sa mall. Nagpahinga muna ako sandali at umidlip. Tama na ang pagiisip, kailangan fresh ako mamayang prom. Buti na lang at agad din ako nakaidlip.

            Pagka gising ko ay ala singko na ng hapon, agad agad akong naligo at nag gayak. Ramdam ko na talaga ang excitement. Pagtapos masiguradong gwapo na ako ay lumarga na ko papunta sa hotel na pagdadausan ng aming prom. 

            Pagdating ko sa hotel, di ko maitago ang excitement ng nakita ko ang tropa ko na naka abang sa labas. Aba! Ang mga mokong, ang ggwapo at ang gaganda! Sari saring coat at polo ang nakita ko sa mga lalake. At pabonggahan nmn ng dress, makeup at hairstyle sa mga babae. Sunod kong nakita ay si Art, medyo bumalik na ang dati nyang postura at malinis na sya uli tingnan. Mas gwapo lalo ngayon at mas lumabas ang pagkagandang lalaki nya sa suot nito. Nginitian ko sya sabay binati ang pagkagwapo nya. Pero teka, syempre, ako pa, di ako papatalo noh! Ako pa ba! Hahaha!

            Pagkatapos makapag register ay dumirecho na kami sa hall. Dun nakita ko ang lahat ng mga 3rd year at 4th year na ang garbo ng mga ichura. Di rin pahuhuli ang mga teachers. Magsisimula na ang program kaya naisipan ko muna dumaan ng cr. Lumabas ako sa hall at tinungo ang cr.

            Pagpasok ng cr ay wala halos tao, agad ako nagpunta sa isang urinal at dun umihi. Pgatapos umihi ay naghugas na ko ng kamay at nanalamin. Sinisigurong gwapo pa rin ang ichura ko.

            Palabas na ko ng cr ng may pumasok sa loob. Halatang parehas kami nagulat. “Sa dami dami ba naman ng makakasalubong ko, eto pa.”, sa loob loob ko. Napansin kong nakatingin sakin ung nakatayong lalake.. si Philip. Nang makita ko sya sa posturang yun, kahit anong laki ng galit at sama ng loob ko sakanya ay nakuha ko pa rin mapansin na ang gwapo nya talaga. Lalo na ngayon sa suot nya na formal coat. Gusto ko syang kausapin pero umiral ang pride ko. Lalabas na ko ng cr ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Magsasalita sana sya ngunit buong lakas kong hinila ang kamay ko at bago pa tuluyang makalabas ay akmang susundan ako nito. ngunit pinigalan at sinabihan ko sya ng isang matigas na, “Don’t”.

            Bumalik na ko sa loob ng hall. Agad ako pumunta sa table namin at tumabi kay Art. Hindi ko alam kung nahalata nya ang biglang pagpalit ko ng mood. Ayaw ko ipahalata. Peron g mapatingin ako sa pintuan ay nakita ko sya na papasok, di ko mapigilan hindi mangalaiti. Pero I tried to stay calm.

            Nang magsimula ang program ay nagbigay muna ng konting mensahe ang principal naming at sinabihan kami na kakain daw muna kami. Katabi ko sa kanan ko  sila Jenny sa upuan at sa kaliwa ko naman ay si Art. Bago pa kami kumain ay naglabas si Jenny ng camera at picture picture daw muna kaming magbebestfriend. Nakita kong hinila nya papalapit si Philip. Napilitan na magpapicture samin ni Philip kahit di pa din kami kinakausap ni Art. After all, they’ve been friends for a long time. Sino ba naman ako para pagbawalan sila. Picture lang din naman so wala namang problema sakin. Tumabi sakin si Art at mas lalo kong gusto asarin si Philip kaya inakbayan ko pa ito at niyakap ng mahigpit. Alam ko kasing titingin sya. Mas gusto ko sya asarin.

            Sayawan na! tugs! tugs! tugs! tugs! Lahat ay napapaindak sa bawat music na tumutogtog! Lahat kami ay naaliw sa mga sayawan na nagaganap. Yung iba pa ay pasiklaban sa pagsasayaw. Napakasaya nung panahon na yun. Maya maya nung medyo bumaba na ang tension ay love songs na ang pinatugtog. Bigla kong naalala ang eksena nung victory party. Yun din yung araw na hiniwalayan ako ni Grace. Pero ngayon iba na ang eksena. Hindi na ako uuwi at maglalakad sa daan dahil sa kalungkutan sa pag iwan sakin. Ngayon, masaya ako. Napkasaya. Wala naman akong partner kaya napagpasyahan kong umupo muna. Pumwesto ako katabi si Art sa mga lamesa since wala kaming mga partners.

Nakaupo lang kaming dalawa ni Art at nagkatinginan. Minsan, nag uusap ng onti. Pero parang may ilangan kaming dalawa. Parang kaming nagliligawan. Parehas kaming nakangiti sa isat isa.

Mistulang naging mas tahimik ang kapaligiran. Mas nakakakilig ang music. Parang sa bawat music love song na tumutugtog ay tumatama ito sa amin. Nakatingin lang ako kay Art. Nagtititigan kaming dalawa. Kahit sa simpleng tinginan naming habang nakaupo ay parang nagsasayaw ang aming mga damdamin. Hindi ko alam kung ano ito, pero masarap at magaan sa pakiramdam. Titingin tingin ako sakanya habang nakangiti. At minsan napapataas ang dalawang kilay at magbibigay ng malokong ngiti. Mas lumapit sa akin si Art. Inusog nya ang kanyang upuan sa tabi ko. Ang sarap ng feeling. Tinitingnan namin ang mga sumasayaw at karamihan sa kanila ay mga couples.

“Ang sarap nila tingnan noh?”, banggit ko kay Art.

“Oo nga ee.. Nakakainggit.”

 “Bat di ka kasi hindi pumili. Ang dami naman pwede.”

“Magsalita ka naman. E ikaw wala nga din.”

“Meron ha.. Hindi ko lang nasabi.”, mahina nyang sinabi. Pero narinig ko pa rin. Hindi lang ako nagpahalata.

“Ang ganda at nakakaaliw silang tingnan noh.”, ngiti kong sinabi kay Art. Bigla akong napatingin sakanya at nagulat ako na sa akin pala sya nakatingin.

Sa mga tingin nya sa akin ay bumilis ang tibok at kabog ng dibdib ko. Hindi naman ako kinakabahan pero ang bilis talaga ng pintig nito. Ibang saya at sensasyon ang nararamdaman ko.

“Oo.. Lalo na ikaw..”, sinabi nya ng nakatingin sakin. Isang tingin na di ko makakalimutan. Isang nangungusap at nakakalusaw na tingin.

Nang biglang umeksena si Jenny.

            “Peram naman si Jerry”, sambit ni Jenny.

            “Sure”, sabi ni Art.

            At dun, nagsayaw na kami ni Jenny.

            “Ahem. Nakasira ata ako sa moment nyo kanina.”

            “Hah? Hindi ah..”

            “Wushu. Hindi daw. Oo n lang ha.”

            “Ok nga lang.”

            “Bes, ang gwapo gwapo mo naman ngayon.”

            “Oo, ngayon lang yan bes, pagsawaan mo na. Bukas wala na yan. Hahaha!”

            “Bes, thanks for being a good friend ha.”

            “Bes, prom ngayon, hindi retreat. Hahaha!”

            “Tse! Kala mo jan! Hahaha!”

            “Pero hindi, kahit ako, thankful dahil naging kaibigan kita. Masaya ako at nagkakilala tayo.”

            “Hindi ka ba nalulungkot? I mean, ok, cge, tayo tayo, okay tayo, pero kayo kayo? I mean, wala ka na bang planong makipag ayos kay Philip? Malapit na kaya magbakasyon.”

            Ngunit isang ngiti lang ang tinugon ko saknya.

            Kasalukuyan kong kasayaw si Jenny ng mapansin kong nakatingin sakin si Philip habang kasayaw nya ang isang babae. Nung una ay di ako sure kung sakin ba nakatingin. Pero nung tumagal ay di nya inaalis ang tingin sakin.  Habang kasayaw ko si Jenny ay di ko rin maiwasan na sulyap sulyapin sya.

            “Shit! Taenang buhay naman to! Bakit ba ganto nararamadaman ko! Kahit galit ang nararamdaman ko para sakanya, bat di ko maiwasan di tumingin sakanya? Bakit hinahanap hanap ko pa rin sya? Eh gago yan eh! Taena bat ba ganto nararamdaman ko? Bakit nangungulila ko sayo Philip? Hindi dapat ganto.. ”, ito ang sinisigaw ng aking utak. Hirap na hirap na ko.. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari.

            Nang matapos ang prom night ay napagkasunduan naming tropa na pupunta na sa malate tulad ng napag usapan. Pero yung iba ay nagyaya nalang na  pumunta sa bahay imbis na mag malate, mas malaki kasi ang matitipid at ang iba naming kasamahan ay wala ring budget. Pumayag naman din ako. Ang boring naman kasi at malungkot kung hindi kami kumpletong tropa. Nalaman ko rin na niyaya ni Jenny si Philip sumama ngunit tumanggi ito at sumama sa ibang grupo. Kinumbinsi man ito ni Jenny ng maigi, ngunit nagmatigas si Philip.

            Nakarating kami agad sa bahay at nagsimula na kaming uminom magbabarkada. Habang nagiinom kami ay tinawag ako ni Jenny habang may pilyang ngiti naman ito sa kanyang mukha. Tinawag nya ko palabas sa gate.

            “Oh, Jenny, bakit?”

            “Nako, basang basa na ng lahat dito, ikaw nlng ata ang di nakakagets”

            “Huh? Ng ano?”

            “Sa mga nagyayari sa paligid mo! Hanurpaber!”

            “Ano bang nangyari?!”

            “Nakita ko kayo kanina ni Philip na nagkakatinginan habang nagsasayawan. Ang arte nyo kasi, ayaw nu pa mag ayos dalawa!”

            “Wala sakin ang deperensya Jenny, alam mo kung anon..”

            “Ssshh.. I know what happened. Ilang beses mo na kaya kinwento. Nakakasawa na noh.. Hay nako! Ewan ko ba kasi sa inung mga “lalake”, ang dami nyong eksena sa buhay! Nakakawindang!”, pag emphasize nya sa LALAKE.

            “Eksena?”

            “Oo, nako bes, malakas ako maka amoy noh. Pero don’t worry, kung ano pa man ang pagkatao nyo ay tanggap ko. Pero geez! Pakatotoo naman kau pwede?”

            “Jenny, what are you talking about?”

            “Ang lakas mo maka tanga ha. Nakakaloka ka na. Ano ba toh?! Ewan ko sayo! I don’t know kung dedma ka ba or just playing plain stupid. Hhmmm.. Pero hukei, don’t worry bes, I’ll do what every beautiful bestfriend has to do”
.
At yun na nga, umalis ito at nag iwan lang ng isang pilyang ngiti. Hindi ko naman nagets kung ano ba tlgang ibig sabihin nito ni Jenny. Nakakawindang. Ano bang pinagsasabi nitong babaeng to?!

Pag pasok na pagpasok ko ay nabaling ang tingin ko kay Art at napansin kong medyo namumutla at matamlay ito. Nang pinuntahan ko ito ay labis ako nabigla.

“Shit! Taena Art, ang taas ng lagnat mo, bat ka pa ba naginom? Dun na nga tayo sa kwarto.”, napasigaw kong sinabi na ikina alarma naman ng lahat. Agad naming dinala si Art sa kwarto upang mapaghinga. Nagdala rin sila ng bimpo at tubig para mapunasan ko si Art ng bumaba naman kahit kaunti ang kanyang lagnat. Maya maya pa’y pumasok din si Jenny na may dalang gamot at tubig na agad nyang pinainom nya kay Art. Halata at bakas sa lahat ang pagaalala.

“Pahinga ka na Art. Ikaw talaga, nilalagnat ka pala, di mo man lang sinabi sakin. Tsk tsk tsk.. Ikaw talaga…”

“Okay lang ako Jerry. Kaya ko.”

“Hindi pwede Art. Nangako ako kay Tito Lance at tska sa sarili ko na di kita papabayaan.”

“Sige na, bumalik ka na dun. Ok lang ako. Ayoko masayang ang oras mo ditto, magpapahinga ako dito.”

“Art, ano ka ba.”, sablay haplos sa buhok nya, “Hindi saying ang oras ko lalo na pag ikaw ang kasama ko. Kaya pahinga ka na dyan para maka gala na uli tayo.”

Nginitian lan ako ni Art at pumikit na ito at nagpahinga.

Nang nakatulog na si Art ay nagpatuloy na kami mag inuman.

Kahit pa nagiinom ay binabalik balikan ko si Art sa kwarto para icheck sya kung ok sya. Napansin ko din si Jenny na iiling iling sabay tatawa ng bahagya.

“Youre so predicatable.”, patawang sabi ni Jenny. Di ko nalang pinansin.

Maya maya ay may tumawag sa cellphone ni Ben. Nung una ay di namin pinansin pero ng magbago ang reaksyon sa mukha ni Ben ay napatutok kami dito. Mas nagulat nalang ako ng biglang inabot sakin ni Ben ang kanyang cellphone. May gusto daw kumausap sakin. Lalo naman ako nagtaka kaya agad agad kong kinuha ang kanyang cellphone at nakipagusap.

“H-hello? Si Jerry to. Sino to?”

Lalake ang sumagot.

“Jerry, si Philip…….”


(Itutuloy...)


           
            

No comments:

Post a Comment