Blogger Widgets

Saturday, July 21, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 12



             Kamusta po sa lahat lahat? ^_^

             Una, gusto ko pong magpasalamat sa lahat lahat ng taong nagbigay ng mensahe nila about me being sick. Honestly, Ive been in the hospital since monday kaya po hindi ako nakapagpost. AT sobrang natouch po ako sa mga taong nagbigay ng encouragement and comfort nila for the time being that I was sick. Unang una sa lahat, syempre sa bembem ko na nagalaga sakin kahit pa we are miles apart. I love you more for that. Most especially kay Riley na halos everyday na naguupdate sakin at nangangamusta.. Maraming salamat po.

             Pangalawa, sa mga readers at mga nagcomment din sa story na ito Maraming salamat po. Gusto ko pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee,  Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy,  ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn,   _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)


             Pangatlo, hindi ko pa ma express ang aking gratitude sa inyong lahat. I actually thought na wala ng magbabasa ng book 2. Talagang kinabahan ako nung una pero salamat sa friends na nag encourage. Medyo slight emotional ako ngayon dahil may after shock pa ko ng aking sakit. I tend to be a slight emotional po kasi pag may sakit kaya sana pagtyagaan nyo po muna ako. ^_^


              Panag-apat, syempre po ay gusto ko humingi ng patawad sa matagal na pagkakapost nitong story. Tulad po ng nasabi ko, na-hospital po kasi ako kaya di nakapagpost. Pero I'm glad to say na medyo ok na po ang pakiramdam ko. Maraming salamat po sa prayers.


              Oh sya, masyao ng mahaba ang A/N ko. Enjoy na lang po. 


              COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.








Nakarating kami sa club ng matiwasay. Pero pagbaba na pagkababa naming ng sasakyan ay sinalubong kami ng mga kaibigan ni Larc. Halatang inaabangan ako.

“Ikaw…”, bungad sakin ni Kulas.

“Bakit?”, medyo kaba kong tanong. Agad naman bumaba si Karen at tumabi sakin. Handang makipagtarayan.

“Oh, wag kang kabahan! Gusto ka lang naming batiin ng congrats.”, casual na sagot ni Kulas.

“Sa-salamat?”, casual ko ding sagot. Ang awkward.

“Sige pre, congrats na lang ulit.”, bati pa ng ibang kasama ni Kulas.

“What the hell just happened?”, takang taka kong tanong kay Karen.

“Simple lang. Sumisikat ka na ngayon, eh. Kaya hindi ka na nila inaasar. Kung baga, isip nila, you belong.”, direchong sagot ni Karen.

Sikat?! Ako?! Talaga?! Tama ba yung narinig ko? Ok, una sa lahat, hindi ko pinangarap yun. Unang una pa lang, sinabi ko na gusto ko ng simpleng buhay. Okay na sakin na magkaron ng iilang kaibigan pero yung tipong ganto ay sobra na sa hiniling ko. Hindi sa nagrereklamo ak, ha. I mean, okay nga eh. Nakakapanibago lang kasi.

Pumasok kami sa bar at andun ang halos lahat ng mga kaibigan nila Chelsea at Karen. Andun din ang mga nakalaban ko sa pageant. Agad naman akong nilapitan nila Andoy at Melai.

“Uy, congrats pala, ah!”, magiliw na sabi ni Melai.

“Oo nga pre. Sa tagal kong sumasali sa pageant, ngayon lang ako nagenjoy ng ganto.”, bati naman ni Andoy. Sya nga rin pala ang nanalo.

“Nako, salamat. Hindi naman din ako mananalo kung hindi dahil sa tulong nyo.”, nahihiya kong sabi.

“Hindi ah! Nakakatuwa ka kasi dahil magaling kang makisama. Yung iba kasing baguhan, akala mo kung sino maka asta dahil nakasali lang. Pero ayos ka pre. Cool ka!”, sagot naman ni Andoy. Ngumiti naman din lang si Melai.

“Salamat uli.”, simpleng sagot ko.

“Oh, wag ka na kabahan dyan! Tapos na ang contest! Let’s have some fun!!”, masayang sigaw ni Melai.

“Andito ka na din sa wakas.”, sabi naman ng boses mula sa likod ko. Tono pa lang, kilalang kilala ko na. Si Andre.

“Ano ka ba, di naman kami natagalan.”, biro ko.

“Sabi ko kasi sayo, sakin ka na sumakay, eh.”, sagot nya.

“Hindi naman pwede, noh. Alam mo namang kasama ko din si Karen.”, pagngiti ko.

“Nako, hindi mo naman sinabi!”, biglang singit ni Karen na nakangiti.

Nagkasayawan naman sa bar. Habang ako naman ay nakaupo lang. Medyo napagod din kasi ako kaya umupo muna ako sandal. Katabi ko lang si Andre.

“Ano ka ba, pumunta ka nga doon!”, sabi ko kay Andre.

“I’m okay. Hintayin na lang kita.”, sagot naman nya.

“No, it’s okay. Susunod ako dun.”, sagot ko naman. Bigla naman hinila ni Chelsea si Andre. Tumango lang ako at nginitian sya.

“Sumunod ka agad ha. Baka mamis kita agad.”< biro naman ni Andre.

“Ang korny mo talaga!”, pagtawa ko naman. Bigla namang lumapit si Karen.

“Hoy! Anong ginagawa mo dito?! Diba may usapan tayo na pagbaba, okay ka na!”, gigil na sabi ni Karen.

“Buang! Napagod lang ako noh. Ikaw ba naman sumali sa contest tapos magiiyak after. Sino ba namang hindi mapapagod!”, pagbibiro ko. Ngumiti si Karen. Alam nyang okay lang ako talaga. Sadyang napagod lang.

“Oh, tara na nga. Baka masermunan mo pa ko.”, biro k okay Karen sabay hila sakanya sa dancefloor.

Nasa dancefloor na nga kami nila Karen, Chelsea,Andre at ng iba pa naming kasama ng biglang…


“Damn! Karen?! Ryan?!”, biglang sigaw ng isang boses sa likod naming. Agad naman kaming napatingin sa nagsalita. At napasigaw naman kami sa tuwa sa nakita.

“Alex?!”, masayang batid namin.

“Uy! Kayo nga! Sa lahat ba naman ng lugar! Wow! Kamusta na kayo?”, masayang bati samin.

“Alex!! Oo nga! Of all places! Okay naman kami. Eto galing kami sa pageant, nanalo si Ryan!”, sagot naman ni Karen.

“Wow! Talaga?! Kaya pala ibang iba na ichura ni Ryan! Uy, si Larc bay un?! Larc! Larc!”, biglang sigaw ni Alex ng mapansin nya si Larc sa di kalayuan. Nagkatinginan lang kami ni Karen.

Halata ang pagkagulat ni Larc ng makita si Alex. Agad agad naman itong lumapit. Mukhang di ata napansin na andun din kami.

“Uy, pare! Kamusta?!”, masayang bati ni Larc kay Alex. Pero agad nagbago ang aura ng mapansing nasa tabi lang nya kami.

“Aba! Hindi na mainit dugo mo sakin talaga, ha! Wow! Parang reunion tayo dito ah. At binabantayan mo pa rin si Ryan, ha!”, pagbibiro ni Alex. Nagkatinginan lang kami ni Larc at nagbigay ng tipid na ngiti. Halata namang natameme lang din si Larc.

“So ikaw ang kamusta?”, biglang singit ni Karen kay Alex. Para lang maiba ang topic at mawala ang pagka awkward ng sitwasyon.

“I’m good. Teka, curious talaga ako eh. Ang tibay kasi ng pagkakaibigan nitong si Ryan at ni Larc. Natatandaan ko pa nun, mainit ang dugo sakin ni Larc. Hahaha!”, pagsagot naman ni Alex. Mas lalong dumagdag sa pagka awkward ng sitwasyon.

Nagkatinginan lang kami ni Larc.

“Yeah, those were the days.”, simpleng sagot ko.

“Uy! Let’s take a picture! Minsan lang kasi to at baka kelan nanaman tayo magkita.”, masiglang paanyaya ni Alex.

“Okay lang ba?”, nahihiyang paalam ni Larc sakin. Napatingin ako kay Karen.

“Yeah, sure. Why not? Picture lang naman, eh.”

Pumwesto sa kanan si Alex, tapos si Karen, ako, tapos si Larc. Inakbayan ako ni Larc. Napapikit ako ng bahagya. Napatingin ako kay Larc at tumingin lang din sya sakin. Mata sa mata. Sabay tingin ko muli sa kumukuha ng litrato sa amin. Naramdaman kong humigpit ang pagkaka akbay ni Larc sakin. Mainit ang mga kamay nya, Sinubukan kong damdamin ang mga sandaling yun.Mga iilang Segundo na nakapagpatunaw muli sa puso ko.

Natapos na ang pagpapaicture naming apat. Kumalas na ako at tumingin tingin sa paligid.

“Wow! Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkita kita tayo. This is a night to remember. Drinks, anyone? It’s on me.”, paanyaya ni Alex. Hindi naman kami makatanggi dahil ngayon lang naming ulit nakita ni Alex.

Pagka order naming ng inumin ay naupo kami sa isang table.Apatan. Kaharap ko si Alex at kabilaan naman sila Karen at Larc. Minsan ay napapatingin ako kay Larc, at sat wing mangyayari yun, nakikita kong nakatingin din sya sa akin.

“So, kamusta na kayo guys? Parang ang tahimik nyo ah!”, takang tanong ni Alex.

“Okay naman. Pare parehas kami ng University na pinapasukan.”, casual na sagot ni Larc.

“Wow talaga ah. Mukhang binabantayan mo pa rin tong si Ryan, ha. Nakakatuwa naman kayong dalawa.”, ngiting sabi ni Alex. Ngumiti lang ako. Ako pa ba. Master ako sa pagpapanggap. Napansin ko naman na tiningnan ako ni Karen.

“Mapagbiro ka pa rin.”, casual na sagot ko.

“No, I mean seriously. Diba uminit pa nga ang ulo sakin ni…”, kaso nacut ang sasabihin ni Alex ng may sumingit sakanya.

“Hi.”, ngiting sabi ni Andre.

“Uy, there you are. Cmon grab a chair and have a seat.”, mabilisang sabi ni Karen sabay hila ng upuan at pinatabi sakin.

“Ah, Andre, si Alex nga pala. Schoolmate namin nila Karen nung highschool.”, pakilala ko kay Andre kay Alex.

Nagkamayan ang dalawa.

“So.. Saan na nga ba ako? Ah! Yeah! So, ayun nga. Natatandaan ko pa noong highschool, mainit ang dugo sakin nito ni Larc dahil lagi ko kasama si Ryan kapag hinihintay nya si Larc pag nagttraining. And tapos, biglang isang araw, mabait na sakin si Larc. Of course, alam kong nagusap ang dalawa.”, masayang sabi ni Alex.

Natandaan ko ang mga tagpong yun. Nang minsang sinundo ako ni Larc galing training at nag away kami sa daan. How can I forget? Dahil after nun ay sinabi ni Larc na susubukan kaibiganin si Alex.

“Paano, lokokasi nung highschool! Baka mahawa si Ryan sayo!”, pagbibiro ni Karen kay Alex.

“Hahaha! Yeah, I know. I wasn’t the nicest kid and I’m not really the kid you wanna hang out with noon. Pero ive changed. Seryoso na ko sa pagaaral ko ngayon. Actually, I’m taking up Human Biology.”, pagmamayabang ni Alex.

“Wow! Talaga? Nakakatuwa naman.Sabi ko naman sayo noon pa. Wag mo lang hayaan na idown ka ng mga tao sa sinasabi nila.”, sobrang tuwa kong sabi.

“Yeah, actually natatandaan ko nung sinabi mo sakin yan. Kaya nga nagpapasalamat ako sayo eh. Iba kang kaibigan, kaya naman din siguro hindi ka mapakawalan nito ni Larc. Natatandaan ko pa nun, ang daming isyu tungkol sa inyong dalawa. Kinekwestyon kung magkaibigan lang ba talaga kayo. Ang sweet nyo naman kasing dalawa! Or teka.. Baka naman kayong dalawa na talaga ang nagkatuluyan? Nako Larc, wag mo na pakawalan yan. Baka masungkit pa ng iba!”, masayang biro ni Alex.

Natameme kaming apat. Walang nagsasalita. Dinadama lang ang sobrang pagka awkward ng sitwasyon. Napatingin ako kay Andre. Wala naman itong reaksyon at tipong nakikinig lang.

“Mukha palang close na close talaga sila noon, noh.”, biglang basag ni Andre sa katahimikan. Napatingin naman kaming lahat sakanya.

“Ay oo naman! Itong dalawang to? Sus! Solid kaya yang dalawang yan!”, pagmamayabang ni Alex kay Andre.

Ok, nagpromise ako kay Karen kanina na pagbaba naming ng sasakyan ay magiging okay na ako. Pero dahil sa takbo ng usapan, nasasaktan ako. Parang sinasampal kasi sakin ng pagkakataon ang gap sa pagitan naming ni Larc. Gusto kong maluha. Pero pigil. Pigil lang.

“Wow. Nakakainggit naman..”, medyo malungkot na tono ni Andre. Alam ko yun, ramdam ko.

“Sinabi mo pa! Teka, ikaw pare, new friends ka ba nila Karen, Ryan at Larc?”,  casual na tanong ni Alex. I felt uneasy. Kaya tumingin ako kay Andre. Hinihintay kung anong isasagot nya.

“Yes and no. Si Larc kasi, kasama ko na sa basketball team.”, sagot ni Andre.

“Eh sila Ryan at Karen?”, paguusisa ni Alex. Susme Alex! Kailangan ba talaga itanong mo pa yan?!

“This year ko lang sila nakilala.”, sagot ni Andre.

“Ah, new friends nga.”, ngiting sabi ni Andre. Medyo nakahinga ako ng maluwag.

“At nanliligaw ako kay Ryan.”, direchong sagot ni Andre. Napatingin kaming apat sa dinagdag na sinabi ni Andre. Halatang schock sila Alex at Larc. Natahimik naman ang lahat. Walang nagsasalita. Napainom naman si Karen ng Iced tea na inorder nya.

“Food! Wala tayong food! We need food! Tara Alex, samahan mo ko!!”, pagbasag sa katahimikan ni Karen sabay hila kay Alex patayo at pumunta sa counter. Kung tutuusin, may mga waiter naman. Pero alam na naming bakit ginawa ni Karen yun.

Naiwan kaming tatlo nila Andre at Larc. Tahimik lang kaming tatlo. Sobrang ramdam ang awkwardness ng pagkakataon.

“Are you ok?”, ngiting tanong sakin ni Andre. At sya pa talaga ang nagtanong kung okay lang ako. EH sya nga ang inaalala ko dahilsa mganarinig nya.

“Yeah. Ikaw?”, alalang sagot ko.

“Oo naman.”, sagot ni Andre sabay hawak sa isang kamay ko. Pinisil nya yun. Sinisigurado na okay lang sya. Hinayaan ko lang na hawakan nya ang kamay ko. Though I can feel Larc staring.

Napansin kong nakatingin samin ang ibang mga tao dahil sa ginawang paghawak ni Andre sa mga kamay ko. I even saw Kulas na nakatitig samin. Pero wala na akong paki.

“Ikaw pare, okay ka lang?”, tanong ni Andre kay Larc.

“I’m good.”, tipid na sagot ni Larc. I sensed sadness sa boses ni Larc. Ramdam na ramdam ko yun. Though hindi siguro mapapansinng iba yun. Kilala ko si Larc, and he was never good in pretending, atleast sakin. Napatingin ako sakanya. Nalungkot ako sa nakita. Kitang kita sa mukha nya ang pagkabigla at kalungkutan. Ang hirap nyang tingnan.

Maya maya ay bumalik na silaKaren at Alex. Sinabi na lang dadating na lang daw yung food.

Naramdaman ko na nagiba ang aura ni Alex ng bumalik sila. Alam ko na agad, kinausap sya ni Karen. Malamang may idea na sya kaya medyo tahimik kami kanina pa. Tumingin lang sakin si Alex at nagbigay ng tipid na ngiti. Ngitian ko lang din sya na parang sinasabi, “It’s ok.”

Ilang saglit pa ay dumating na ang pagkaing inorder nila Karen at Alex. Nilagyan naman ako ni AAndre ng pagkain sa plato ko bago sya kumuha ng kanya.

“Nako, wala pa ding sinabi ito sa luto mo Ryan.”, biglang sabi ni Alex.

“Ay oo naman noh! Masarap ata magluto tong bestfriend ko, noh!”, pagmamayabang na dagdag ni Karen.

“Sinabi mo pa! Natatandaan mo ba noon, pinagaagawan ang baon nitong si Ryan. Kaya naman nagagalit si Larc kasi…”, sabay hinto ni Alex. Bigla syang natahimik at kunwari ay sumubo ng food.

“Kayo talaga, nagkataong gutom lang kayo nung kumain kayo ng luto ko.”, pagbibiro ko.

Nagkakwentuhan pa kami sa mga sumunod na oras. Andun naman si Andre lang at nakikinig. Minsan naidadagdag pa rin ni Alex sa usapan ang pagkakaibigan naming ni Larc pero bigla naman syang titigil at biglang parang hindi matae ang ichura. Ngingitian ko lang naman ito.

Natapos ang gabi na medyo nakakastress at talagang nakakapagod. Tao lang din ako. I could only handle so much. Pero para sakin, this day was really too much.

Nang uwian na ay ipnaalam ako ni Andre kay Karen kung pwede bad aw sya na ang maghatid sakin. Pumayag naman si Karen. Kaya ng makapag ayos ay dumirecho na kami sa parking kung saan nakapark si Andre.

Nang makapunta kami sa parking ay naabutan naming si Larc na pasakay na rin sa sasakyan nya. Nang mapansin naman kami ay tuminginlang ito sakin. I saw tears falling from his eyes. Agad din naman nya itong pinunasan. Napatigil ako sa kinakatayuan ko at nakatitig lamang kay Larc. Gusto ko syang lapitan at yakapin. Pero parang may barrier sa pagitan naming at hindi naming magawang kausapin ang isa’t isa.

“Pare, ingat sa pagddrive.”, pagsigaw ni Andre kay Larc. Napatingin lang ako.

“Kayo din.”, sagot naman ni Larc.

“Hindi ka ba magpapaalam sakanya?”, mahinahong tanong ni Andre sakin. Tiningnan ko lang sya. Sabay tingin kay Larc.

Umiling ako. Tumango lang naman si Andre. Sumakay naman ako agad sa sasakyan ni Andre. Pinilit kong hindi tumingin kay Larc. Ayoko syang tingnan sa ganung kalagayan.

Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan habang binabagtas naming ang daan pauwi. Hindi ko alam kung ano bang dapat maramdaman pagtapos ng lahat ng nangyari.

“You miss him…?”, biglang tanong ni Andre.

“Ha?”, nabiglakong tanong din.

“Namimis mo na sya, noh?”, seryosong tanong ni Andre.

Tumahimik lang ako. Hindi ko alam paano magrereact. Hinawakan naman ni Andre ang kamay ko bigla.

“It’s okay. You can be honest with me. Kahit naman mamis mo sya, di naman ibig sabihin na sumusko na ko sayo.”, mahinahong sabi ni Andre.

Tumango lang ako sabay tingin sakanya. Nakatingin lang sya sa daan, nagmamaneho. Pero nakangiti din sya at the same time.

“Naiintindihan ko naman. I mean, grabe pala talaga ang pagkakaibigan nyo noon.”, mahinahong sabi ni Andre.

“Yeah. Kaya nga mas masakit eh…”, malungkot kong tugon. Mas humigpit naman ang hawak ni Andre.

“I know. I mean, it must really hurt. Ive been longing for a friend all my life, at kaya kapag mawala man yung kaibigan kong yun, talagang malulungkot din ako.”. malumanay na sagot ni Andre.

I felt a tear falling from my eye. Hinayaan ko lang sya tumulo. Humigpit naman din ang hawak ko sa kamay ni Andre.

“Salamat.”, simpleng sabi ko.

“Anything for you, my love.”, sabay ngiti nya. Natawa naman ako bigla.

“Alam mo, ang korny mo pa rin talaga. May my love ka pa dyan.”, pagaalaska ko.

“Ngumiti ka din…”, mabilisang tingin ni Andre sakin sabay ngiti. Natouch naman ako.

Pagkadating naming sa bahay nila Karen ay niyakap lang ako ni Andre bago tuluyang nagpaalam. Pagpasok na pagpasok naman ay kinausap ako ni Karen.

“Okay ka lang?”, tanong ni Karen.

“Okay na naman.”, sagot ko.

“Ang ingay naman kasi nitong ni Alex!”, medyo iritang sabi ni Karen.

“Ano ka ba. Wala naman alam si Alex. Wala syang kasalanan. Nasabik lang sya ng makita tayo. Kaso iba na nga lang ang sitwasyon ngayon kay iba na ang kahulugan satin.”, sagot ko.

“Sabagay. Pero sure ok ka lang ha.”, paninigurado ni Karen.

Dala ng sobrang pagod sa maghapon ay nakatulog agad ako pagpasok ko ng kwarto. Hindi muna ako nagisip at agad na natulog.

Kinabukasan, kahit pa pagod ay bumangon pa rin ako para pumasok. Buti na lang at tanghali pa ang klase ko kaya hindi ko kailangan mag apura. Agad akong naligo at nagayos papuntang school. Kinatok ko si Karen ngunit sabi ay tulog pa daw ito. Kaya naman nagbyahe na lang ako papuntang school.

Pagkadating na pagkadating ko naman sa school ay may napansin ako agad. Halos lahat ng makasalubong ko ay tinitingnan ako. Yung iba ay nagbubulong bulungan pa. Medyo naguluhan ako. Anong nangyayari?

“Hi Loverboy.”, narinig kong sigaw ng isa mula kung saan.

“Pare, pakiss naman dyan.”, narinig ko nanamang may sumigaw. Ano ba talagang nangyayari?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Tinahak ko ang daan papuntang cafeteria. Bigla ko namangg naramdaman nagvibrate ang phone ko. Nagulat ako dahil sunod sunod ang pasok ng mga messages. Lahat galing kay Karen. Puro “Asan ka?!”, “Hoy, reply agad”, “Asan ka na ba?”

Naguluhan ako sa mga text nya kaya naman nagreply ako na nasa school ako. Pero hindi ko pa man din naisesend ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Karen.

“Bat ang tagal mo sumagot?! Asan ka na ba?!”, nagmamadaling tanong ni Karen.

“Grabe ka naman, nakakadalawang ring palang kaya.”, pagbibiro ko.

“Asan ka nga?!”, direchong tanong ni Karen. Medyo irritable sya.

“Edi nasa school syempre! Eto naglalakad papuntang cafeteria. Bakit ba?”, taka kong sagot.

“Shit! Dyan ka lang, ha. Hintayin mo si Chelsea dyan. Papunta na ko.”, tanging sagot ni Karen sabay baba ng phone.

Nagtaka kobakit ganun na lang ka apura si Karen. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad papuntang cafeteria. Peron g makarating ako at makapasok ng cafeteria ay nagtinginan nanaman sakin ang lahat. Puro bulong bulungan habang nakatingin sakin. Medyo kinabahan ako. Ano ba talagang nangyayari? Nakita ko din doon sila Kulas. Pero wala si Larc. Nagtatawanan ang grupo nila habang nakatingin sakin. Naguguluhan na talaga ako. Kinakabahan.

Sinubukan ko humanap ng bakanteng upuan at umupo. Pero pagkaupong pagkaupo ko pa lamang ay lumapit sakin sila Kulas.

“Good Morning loverboy. Asan na ang syota mo?”, pangungutya ni Kulas.

“Syota?”, takang tanong ko.

“Nako, huwag mo na i-deny. Kitang kita naman kayo kagabi. Actually, may souvenir pa nga oh!”, biglang tawa ni Kulas at ng mga tropa nya sabay pakita sakin ng picture sa cellphone nya.

Nagulat ako sa nakita ko. Kuha naming ni Andre na magkahawak kamay sa bar kagabi. Napatingin ako sa mga tao sa cafeteria. Lahat sila nagtitinginan sakin. Ang iba naman ay nagtatawanan. Hindi ako bigla makahinga. Patingin tingin lang ako sa paligid habang pinapanood silang nagtatawanan at nagbubulungan.

Napatayo ako bigla at kinuhaang bag ko. Patingin tingin ako sa paligid habang nagtatakbo palabas ng cafeteria. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko ng bigla akong may nabunggo ng di ko sinasadya. Naramdaman ko naman na agad akong sinalo ng nabunggo ko at niyakap. Napatingin ako sa mukha nya at bakas ang galit sa mukha nya.

“Bakit….?”


No comments:

Post a Comment