Blogger Widgets

Wednesday, July 25, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 13



            Kamusta po sa lahat lahat lahat? ^_^ Yuhoo?!

            Okay, Una sa lahat ay gusto ko magpasalamat ulit sa mga taong naging concerned sa aking kundisyon. Medyo maayos na po ang aking pakiramdam. Maraming salamat po sa inyo.

           Pangalawa, ay gusto ko po muli magpasalamat naman sa lahat ng tumatangkilik ng kwentong ito. At sa mga positive feedbacks na binibigay nyo sa akin.

           Pangatlo, dahil po hindi na ako gaanong nakakasagot sa comments dito ay nais ko pong isuhestiyon sa inyo na pwede nyo po akong i-message sa fb. Pwede nyo po akong i-add. Pakiusap ko lang po na sa pag add nyo ay mag-iwan kayo ng mensahe po. dizzy18ocho@yahoo.com Maari po tayong magkwentuhan at magpalitan opinyon. Magrereply po ako. Promise.

            Muli, Gusto ko pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee,  Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy,  ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn,   _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom- at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)


          Ayan, humaba nanaman ang A/N ko.. Ahehehe.. Maraming salamat po talaga. Hindi ko na kayo bibitinin. Ay teka, salamat po pala kaila Riley, Camote hunk (Rakenrol ka dre! labylab din!!), knight-in-shining-armor- tommy, makki, kay Z, Erwin F, edward, christian at kay Jojie sa laging pagsusuporta kahit pa man din sa fb.. MWAH!!


          COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED








Napatayo ako bigla at kinuha ang bag ko. Naramdaman ko na tumulo ang mga luha ko. Patingin tingin ako sa paligid habang nagtatakbo palabas ng cafeteria. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko ng bigla akong may nabunggo ng di ko sinasadya. Naramdaman ko naman na agad akong sinalo ng nabunggo ko at niyakap. Napatingin ako sa mukha nya at bakas ang galit sa mukha nya.

“SShhh….”, sabay yakap muli sakin ng sumalo sakin. Si Andre.

Napako lang ako sa kinakatayuan ko habang yakap yakap ako ni Andre. Napatingin ako sa mukha nya. Talagang galit ang ichura nya.

“Ano masaya na kayo sa nakita nyo?! Mga Taena kayo!!”, galit nag alit na sigaw ni Andre. Lumapit naman si Kulas.

“Pare, bat ka ba nagagalit? Biro lang naman yan. Tsaka hindi naman siguro totoo yan, diba?”, tumatawang sabi ni Kulas.

“Taena, biro?! Yan ba ang biro sa inyo?!Yung tipong nakakasakit kayo?!”, galit na tugon ni Andre.

“Bat bag alit nag alit ka pre?! Huwag mong sabihing totoo yang picture nay an at ang nakikita naming?!”, maangas na sagot ni Kulas.

“Gusto nyo ng isyu?! Para sumikat?! Pwes, sige! Ibibigay ko sa inyo! OO! TOTOO! Nanliligaw nga ako kay Ryan! At di ako nahihiyang aminin yun!”, galit at sigaw na sagot ni Andre sa lahat. Halata naman ang pagkabigla sa mga tao sa cafeteria. Meron pang mga galing sa labas at nagpasukan sa cafeteria para makichismis.

“Pare, you mean to say, bakla ka? Pare, lalake tayo. Lalake yan. Basketball player ka pare! Sikat tayo pare tapos pipili ka na lang, sa lalake pa?!”, maangas na sabi ni Kulas.

“At ano?! Nakakadagdag bas a pagkalalake nyo kung gagawa kayo ng ganito! Pwes, Taena nyo! Lahat kayo! Kinaibigan ko kayo ng matiwasay! Pinakisamahan ko kayo ng maayos! Kung hindi nyo kayang matanggap ang decision ko, pwes, isang malaking taena nyo! Hindi ko kayo kailangan!”, sigaw na sabi ni Andre sa lahat ng nakikinig sabay hila sakin at lakad naming palabas ng cafeteria. Nagsitabihan naman lahat ng nasa daan naming. Sakto ding paglabas naming ay patakbo palapit samin si Chelsea at ang mga kaibigan nya. Sumunod lang ito samin. Naglakad kami hanggang sa makarating sa mini park.

“Ohmygawd, are you okay?”, alalang tanong ni Chelsea habang pinupunasan ang luha at pawis ko.

“I’m so sorry…”, mangiyak ngiyak na sabi sakin ni Andre. Bigla itong yumakap sakin.

“It’s not your fault. Salamat din sa ginawa mo.”, tanging nasagot ko. Nakita ko naman si Chelsea na sumagot ng telepono dahil nagring ito. Malamang si Karen yun.

“Bakla, asan ka na ba?! Andito kami sa mini park! Bilisan mo!”, galit na sabi ni Chelsea sa kausap.

Pinapaypayan lang ako ni Chelsea habang naghihintay kay Karen. Nasa tabi ko naman si Andre at hawak lang ang kamay ko. Nagiisip. Pero bakas din ang galit sa mukha nya.Meron ding humahaplos sa likod ko, malamang kaibigan ni Chelsea.

Nakita kong patakbo palapit si Karen. Kasama nito sila Melai at Andoy. Pagkalapit na pagkalapit naman nila ay agad yumakap sakin si Karen.

“Shit, ok ka lang ba? Huwag ka mag alala. Inaalam na naming kung sino kumuha non.”, galit na sabi ni Karen.

“Malaman ko lang talaga kung sino… Babasagin ko talaga mukha non!”, galit na sabi ni Andre.

“Sweetie, are you ok?”, alalang tanong ni Melai.

“Pare, ito tubig.”, sabi ni Andoy sabay abot sakin ng isang bote ng tubig.

“Kung sino man yang gagong yan, may araw din yan. Di ako papaya na ganyan ganyan na lang.”, galit na sabi ni Karen.

“Don’t worry. Pinatanong tanong ko na kung kanino galing yung picture.”, dagdag naman ni Chelsea.

“Guys, salamat. Pero medyo okay na ko.”, mahinahon kong tugon.

“Andre, ilabas mo na lang muna si Ryan. Ako na lang kakausap sa mga prof nya.”, biglang sabi ni Karen kay Andre. Tumango lang naman si Andre.

“Paano klase mo?”, tanong ko.

“Isa lang naman class ko today. Okay lang ako. Tara na.”, seryosong sagot ni Andre.

Habang palabas kami ng campus ay may mga nagtitinginan pa din. Pero sat wing may titingin ay tinitingnan din ni Andre ng masama. Sinigurado nila Chelsea na walang gulong magaganap kaya sinamahan nila kami hanggang sa parking.

“Susunod kami after ng klase namin. Hanggang 2 lang ang klase naming kaya hintayin nyo kami. Promise, susunod kami.”, paalam ni Karen sabay beso sakin bago kami umalis ni Andre.

Habang nasa sasakyan kami ay halata pa din ang galit at init ng ulo kay Andre. Kaya naman hinawakan ko ang mga kamay nya para kumalma sya kahit papano.

“Kasalanan ko to…”, guilty na sabi ni Andre.

“Huwag mo sisihin ang sarili mo…”, mahinahon kong sabi.

“No, its my fault. Lintik na kasikatan yan! Lintik na mga gagong yan! Hindi ba nila kayang intindihin na lang ang mga buhay nila?!”, galit na sabi ni Andre.

“Huwag mo na isipin yun. Tsaka medyo ok na naman din ako…”, pagpapahinahon ko.

“Malaman ko lang talaga kung sino yan…”, galit pa din nyang sabi.

“I’m sorry din…”, nahihiya kong sabi. Nagulat naman si Andre.

“Sorry saan…?, alala nyang tanong.

“Eh kasi… kung di dahil sakin, hindi ka din mapapahiya ng ganun. Hindi masisira ang image mo. Hindi ka sana laman ng usapan sa school ngayon…”, nahihiya kong sagot. Tinabi naman ni Andre sandal ang sasakyan at humarap sakin.

“I knew this day would come. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Napaghandaan ko na ang araw na to. I mean, na kukutyain tayo ng mga tao… Hindi ko lang alam na magiging ganto ang reaksyon ko… Lalo ng makita kong umiiyak ka.”, mahinahon na sabi ni Andre. Meron naman kung ano sa puso ko na parang tumibok ng kakaiba.

“Salamat.”, tanging naisagot ko.

“Malaman ko lang talaga kung sino…”, galit nya muling sabi.

“Huwag na. Pero salamat. Ang gwapo gwapo mo sa paningin ko kanina nung dinedepensahan mo ko. Natahimik naman si Andre at bahagyang namula.

“Ta-talaga?”, nahihiya nyang tanong.

“Oo. Kaya sobrang salamat.”, seryosong sagot ko.

“Eh, tara na, balik tayong school. Mangaaway pa ko!”, sabay pakawala nya ng  tawa.

“Ngumiti ka na rin…”, ngiting sabi ko. Huminto naman sya sa pagtawa at talagang namula. Nginitian lang din ako.

“Eh bat namumula ka?”, pagbibiro ko.

“Hi-hindi, ah! Mainit lang kasi. Teka, laksan ko nga yung aircon!”, tarantang sabi nya. Natawa lang ako.

Dadalhin sana ako ni Andre sa park kung saan kami nagkakilala. Kaso naman! Tanghali pa lang kaya! Ang init masyado kung pupunta kami don. Kaya naman dinala na lang ako ni Andre sa isang restaurant.

“Salamat talaga, ha…”, nahihiya kong sabi.

“Oh, saan nanaman?”

“Sa lahat. Ngayon lang kasi ako nakadama ng ganito. Yung parang spesyal talaga ako.. Hindi ko kasi…”, sabay nahinto ako sa sasabihin.

“Hindi mo ano? Hindi naramdaman ito kay Larc?”, medyo malungkot na sabi ni Andre.

“Don’t get me wrong. Naging mabuti syang kaibigan. Kaso…”, natahimik nanaman ako. Hindi alam paano itutuloy ang sasabihin.

“Kaso hindi ka nya nagawang ipaglaban…?”

Natameme ako at tumango lamang.

“Alam ko naman sya pa rin ang laman nyan eh. Pero hindi ako titigil Ryan. Patutunayan kong kaya kong ipaglaban ka sa paraang alam ko.”

Nakita kong ngumiti si Andre. Napangiti lang din ako.

“Korny mo pa din.”, pangiinis ko.

Kumain lang kami ni Andre at nagkuwentuhan. Kung ano anong kinwento nya para lang mawaglit sa isip ko ang mga nangyari. Hanggang sa di naming napansin ang oras. Maya maya ay dumating na din sila Karen at ang iba pa.

“Ano, ok ka na ba?”, alalang tanong ni Karen.

“Nakooooo. Mukha namang okay na sya. Eh tingnan mo magngitian yang dalawa!”, pangaasar ni Chelsea.

“Oo nga. Mas sweet pa kayo magtinginan samin, oh!”, pagbibiro naman ni Andoy at Melai.

Dahil na rin sa dumami na kami ay tuluyang gumaan na ang loob ko. Kung ano anong topic ang pinagusapan naming para lang mawala ng tuluyan sa isipan naming ang nangyari.

Natapos ang maghapon sa tawanan. Kahit pa man din ganun ang nangyari ay napakalma naman na nila kami. At tipong parang walang nangyari. Pagtapos naming ay nagsiuwian na kami. Pinauwi ko na rin si Andre. Out of way kasi kung ihahatid nya pa ako kaila Karen. Total kasama ko rin naman si Karen.

“Ang ganda ganda mo kanina friend!!”, pangiinis ni Karen habang nasa sasakyan kami.

“Sira ka!”, sagot ko.

“Aba!!!! Kinwento kaya sakin yung nangyari. Wala akong masabi!”, dagdag nya pa.

“Loka!”, sabay tawa ko. Pagtapos ay bigla akong natahimik.

“Karen…….”, nahihiyang sabi ko.

“Hmmmm?”

“Ahm, ano kasi…”

“Ano? Nauutot ka? Buksan mo yung bintana ha.”

“Hindi ano ba! Kasi.. Kasi ano…”

“Naiinlove ka na.”, casual na sagot ni Karen.

“Ha? Paano mo alam ang sasabihin ko?”, gulat kong tanong.

“Gaga. Obvious naman, eh. At ang tanga mo na lang pag di mo pa sagutin yan. Honestly, gusto ko sya para sayo.”, casual na sabi ni Karen habang nagddrive.

“Eh…”, sagot ko.

“Eh paano si Larc? Susme naman Ryan, ha! Okay, kaibigan ko din sya, kaso mas priority kita sakanya. At isa pa yang tanga dahil pinakawalan ka pa.”

“Karen…”

“Nako, wag mo ko ma Karen-Karen, ha! Iuuntog kita sa salamin ng sasakyan ko!”, pagbibiro nya.

Siguro nga tama si Karen. Masyado ng matagal ang binuro ng pagmamahal ko para kay Larc. Siguro nga panahon na para buksan ko na ang puso ko para sa iba. Tama na siguro na bigyan ko ng pagkakataon si Andre.

“Ay teka, yang term paper mo, ha. Hindi mo pa nasisimulan. Kelan mo ba balak kunin yung libro mo kaila Larc?!”, biglaang tanong ni Karen.

“Huh?! Paano mo…”

“Gaga! Bestfriend mo ko at kilala kita! Pag nagbibigay nga ng assignment, pagkakopya mo, ginagawa mo na agad. Ito pa kayang term paper. Kung nasayo ang libro mo, malamang, matagal ng tapos yan!”, sarkastiko nyang tugon. Nathimik lang ako.

“Hmmmm. Pakkk! Guilty!! Gusto mo bang ako na ang kumuha?”

Kinuha ko ang wallet ko at may kinuha ako doon.

“Huwag na. Ako na. Kailangan ko na din kasi ibalik to.”, mahinahon kong sagot. Sabay pakita ng susi. Susi ng condo ni Larc.

“Gu-gusto mo samahan kita?”, alinlangan sagot ni Karen.

“Hindi na. Kaya ko to. Nang matapos na rin.”

“O…kay. Gusto mo hatid na kita. Para matapos na talaga.”

“Sige.”, tanging naisagot ko.

At hinatid nga ako ni Karen sa building nila Larc. Sinabi nito na hindi na ako mahihintay dahil hinihintay sya sa bahay dahil nagtext ang mama nito. Tumango lang ako at sinabing magbbyahe na lang ako pauwi.

“Ingat ka ha. Ano’t ano man mangyari, itext mo lang ako agad, ha.”, paalam ni Karen. Napalunok naman ako habang pinapanood na lumayo ang sasakyan ni Karen. Napatingin ako sa orasan ng cellphone ko. Lampas alas ocho na.

Nasa tapat lang ako ng building ng condo ni Larc at di malaman ang gagawin. Nakatayo lang. Bigla namang umulan kaya napilitan akong sumilong sa loob ng building. Pagpasok ko naman ng building ay binate ako ng guard.

“Oh, sir! Long time no see, ha!”, bati sakin ni manong guard.

“Uy, kuya. Kamusta?!”, magiliw kong bati.

“Ok naman po sir! Tagal nyong hindi umuwi dito, ha. Mabuti naman bumalik na kayo. Lagi kasi kayo inaantay ni Sir dito sa baba gabi-gabi.”, sagot ni manong. Nagulat naman ako sa sinabi ng guard.

“Po?”

“Oo! Andito lagi si Sir Larc gabi gabi. Naghihintay sa inyo. Nasa bakasyon daw po kasi kayo. Eh nalulungkot daw sya magisa sa taas kaya bumababa sya dito para makipagkwentuhan sakin.”, sagot muli ni manong. Para namang naawa ako bigla kay Larc.

“Sige kuya, akyat na ko, ha.”, paalam ko.

“Sige sir!”

Pinindot ko ang button sa elevator at nanginginig na naghintay. Hindi ako mapakali dahil hindi ko alam ang gagawin at sasabihin kapag nagkita na kami ni Larc. Hawak hawak ko lamang ang susi ng condo unit nya.

Sumakay ako at pinindot ang floor kung nasaan ang unit ni Larc. Matagal tagal na rin nung huli akong andito kaya parang nakakapanibago. Habang pataas naman ng pataas ang elevator ay parang hinihipan ang ulo ko. Para akong nahihilo na ewan.

Ting! Pagtunog ng elevator ng makarating na ko sa palapag kung nasaan ang unit ni Larc. Nanginginig akong lumabas at tinahak papunta sa pintuan ni Larc. Ang dami daming tumatakbo sa isip ko habang naglalakd. Mga alaala noong una akong napadpad dito. Masayang masaya pa kami ni Larc noon. Hindi ko na lang napansin na nasa pintuan na ko ng unit nya. Nanginginig. Hawak hawak ang susi. Nagdadalawang isip kung pipihitin ko ba.

Sinubukan ko munang kumatok. Walang sumasagot. Siguro lumabas si Larc. Mabuti na rin para di kami magkita ni Larc. Kumatok muli ako. Wala talagang sumasagot. Nang makasiguradong walang tao nga ay agad kong pinihit ang susi at binuksan ang pinto.

Pagpasok na pagpasok ko ay kitang kita ko agad ang gulo ng unit ni Larc. Mga nagkalat na damit, libro, sapatos, at mga basyo ng beer at iba pang alak. Kelan pa naging ganto si Larc?

Nang makapasok ako ay naabutan ko din ang kusina at sala na magulo. Mga hindi nahugasang plato. Mga box ng pizza sa lamesa. At muli, mga basyo ng alak. Hindi naman ako makapaniwala sa nakikita ko.

Maglilinis n asana ako ng biglang may bumukas ng kwarto ni Larc. And there he was, standing. Nagkatitigan kami.

“You’re home.”, gulat na sabi ni Larc.

“Hi.”, simpleng tugon ko. Agad na lumapit si Larc sa akin.

“Kamusta ka na? Uuwi ka na ba? Umuwi ka na please.”, maluha luhang pagmamaka awa ni Larc. Naamoy ko naman ang alak sakanya. Bigla naman sya nagtingin tingin sa paligid.

“Magulo. Pasensya ka na magulo. Teka, maglilinis ako. Umupo ka. Magaayos lang ako. Sandali lang to. Kumain ka na ba? Gusto mo ba kumain? Shit, bat ang gulo?!”, mangiyak ngiyak nyang sabi.

“Larc…”

“Oh? Nauuhaw ka ba? Tubig? Juice? Gutom ka na ba? Wait lang. Please.”, naluha nyang sabi. Nakita ko syang tuluyang umiyak habang mabilisan at tarantang nagaayos ng unit nya. Naramdaman ko naman ang pagtulo din ng mga luha ko. Napahawak ako sa bibig ko at pinigil ang tuluyang pag-iyak.

“Larc…”

“Malapit na to. Please. Bakit kasi ang gulo dito?!”, mas malakas nyang iyak.

“Larc.. pumunta lang ako..”

“Hindi dyan ka lang. Sandali lang to please. Please, hintayin mo lang ako sandali. Sandali lang talaga to.”, umiiyak nyang pagmamakaawa.

“Larc, please making ka. Larc.”

Tumigil sa pagaayos si Larc at humarap sakin. Umiiyak.

“Ano yun?”, umiiyak nyang sabi habang hawak ang basyo ng alak.

“Pumunta lang ako dito para kunin ang iba kong gamit.”, umiiyak kong tugon.

“Oo nga, kakain tayo. Please. Susi! Asan ang susi ng kotse? Tara, kakain tayo. Please, kakain tayo, diba?”, pagmamakaawa nya habang umiiyak. Hindi ko na rin napigilang hindi umiyak.

“Larc… tama na. Please,,,”

“Please…”, pagmamakaawa nya sabay hila sakin. Hinila ko naman ang kamay ko palayo.

“Larc, hindi ka na pwede magdrive. Lasing ka, eh…”

“Hindi, kaya ko pa. Kakain tayo. Please naman Ryan… Please.”

Mabigat man sa loob ko ay pumasok ako agad sa kabilang kwarto at agad na kinuha ang mga gamit na naiwan at nilagay sa bag ko. Ramdam ko naman ang patuloy na pagtulo ng mga luha ko.

“Saan ka pupunta? Kakauwi mo lang, eh. Ryan naman. Please. Wag ka na umalis.”, pagmamakaawa nya sabay hawak sa braso ko.

“Larc, please. Huwag na natin gawing mahirap to.”

“Ryan… Please naman. Hindi ko na din kaya…”

“Larc ako din. Hindi ko na kaya…”, umiiyak kong tugon sabay lakad palabas ng kwarto at direcho papuntang pinto.

Gusto kong bumalik. Gusto kong huwag na umalis. Nadudurog na masyado ang puso ko na nakikitang ganto kami ni Larc. Pero tama na. Kailangan na matapos to.

Naramdaman ko biglang yumakap mula sa likuran ko si Larc.

“Ryan… Please… Mahal kita eh…”, umiiyak na pagmamakaawa ni Ryan sabay yakap sakin ng mas mahigpit. Napakahigpit. Yung tipong yakap na walang bukas.

Masakit. Napakasakit. Kung kelan naman kasi naging ganto na ang lahat, bat ngayon ko pa kailangan marinig ang lahat ng ito sakanya. Pero teka, ano daw? Mahal nya ko?

Napaharap ako kay Larc. Nakita kong umiiyak sya. Namumula na sya dahil sa pagkalasing at sa sobrang iyak.

“Ano…?”, umiiyak kong tanong.

Napaupo sa sofa si Larc at napahawak sa mukha nya at nagiiyak.

“Oo Larc. Mahal din kita.”

“Mahal din kita? I never told you na mahal kita.”, pagiyak ko. Ito nanaman. Pagpapanggap ko nanaman.

“Tama na Ryan. Sa tingin mo, hindi ko naramdamang mahal mo ko? All this time, alam ko, mahal mo din ako. Kaya mo nga ginawa yun, diba?”

“Alam mo ba ang sinasabi mo?!”, may galit kong sabi sakanya.

“OO!! ALAM KO!! TANGA AKO! ANG TANGA TANGA KO! AT NAPAKAGAGO KO DAHIL HINDI KITA PINAGLABAN!!”, pasigaw na umiiyak na sabi ni Larc sabay pagsusuntok sa sarili. Agad naman akong lumapit at pinigilan sya.

“Tama na Larc!!”, pagpigil ko sakanya. Pero patuloy pa rin sya sa pagsasakit nya sa sarili.

“Tama na sabi Larc!!”, pagpipigil ko pa rin. Ngunit sadyang malakas sya. Hindi ko mapantayan ang lakas nya kaya wala akong nagawa kungdi yakapin sya.

“Please… Tama na…”, pagmamakaawa ko habang nakayakap sakanya. Tumigil naman sya.

“Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?”

“Ryan…”, nagiiyak lang sya. Pumunta naman ako sa kusina at kumuha ng tubig upang kumalma sya kahit papano. Nahimasmasan naman sya kahit papano.

“Im so sorry Ryan… Dapat noon ko pa sinabi to… Pero sorry talaga.”

Hinaplos ko lamang sya sa likod.

“Ryan.. kung aalis ka man na talaga, pwede bang samahan mokong uminom?”

“Larc, kailangan ko ng umuwi.”

“Please… Alam ko naman kasing huling beses ka na pupunta dito..”

“Larc…”

“Please…? Para sa dating kaibigan…?”, pagmamakaawa nya. Napabuntong hininga ako. Naawa na din ako sakanya kaya pinagbigyan ko na sya.

Inayos ko ang lamesa at naglinis ng konti habang si Larc naman ay umorder ng pagkain at naglabas ng alak.

“Kelan ka pa natuto maginom mag-isa?”, tanong ko.

“Ah, yan. Wala yan. Malungkot kasi dito eh. Kamusta ka na pala. Iba na ichura mo ha. Congrats nga din pala sa pagkapanalo mo sa pageant. Tinamaan ako sa sagot mo nun, eh”

“Huwag na natin pagusapan yun.”

“Ryan…”

“Oh?”

“Pwede humingi ng pabor…?”

“Kung kaya ko, sige…”

“Total, huling gabi mo na dito… Pwede ba magpanggap tayo na kunwari, okay pa din ang lahat. Na kunwari, walang nangyari? Please?”

Nakaramdam ako ng sinceridad at pagkaawa sa paki usap nya. Kaya tumango ako at pumayag.

“So, kamusta ka na?”, tanong ko.

“Ito, hindi masyado okay… Naiisip kasi kita, eh. Mas naaalala ko pa ang lahat nung nakita natin si Alex. Natandaan ko yung araw na nag-away tayo. Nakakatawa nga eh. Akalain mo, seryoso na si kumag ngayon.”

“Oo nga eh. Sino ba magaakala. Pero natutuwa ako para sakanya.”

Patuloy kaming uminom. Biglaan naman kaming natahimik. Walang nagsasalita. Nagpapasahan lang kami ng inumin.

“Ako dapat yun, eh.”, bigla nyang basag sa katahimikan.

“Ikaw ang alin?”, takang tanong ko. Nagsimula muling umiyak si Larc.

“Ako yung dapat na andun para sayo eh. Ako dapat yung kasama mo sa picture nay un. At ako dapat ang nagtatanggol sayo sakanila! Ako dapat yun, eh!”, hagulgol na sabi ni Larc.

“Larc… Akala ko ba kunwari walang nangyari…?”, napaiyak akong muli. Nakaramdam naman ako ng biglang pagkahilo. Konti palang naman ang naiinom naming pero bigla akong nahilo.

“Ryan, hindi ka kasi naging patas. Bat di mo sinabi sakin na mahal mo ko?!”, medyo galit na sabi ni Larc. Umiiyak pa din sya.

“Larc, tama na.”

“Hindi Ryan. Hindi ko na kayang magpanggap din! Kasi masakit na, eh! Makirot! Sobrang sakit! Ni hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon!!”, umiiyak nyang sabi. Nagpintig naman ang tenga ko sa narinig.

“Masakit? Hindi binigyan ng pagkakataon Larc?! I already gave you twelve years, Larc!! Bakit? Kailangan ba ako ang magsabi sayo na mahal kita? Bakit ikaw? Bakit hindi mo sinabi sakin na mahal mo ko?”, panunumbat ko.

“I wasn’tsure kung ganun din kasi ang nararamdaman mo…”, malungkot na tugon nya.

“At sa tingin mo ako, sigurado ako? I was never sure of anything besides our friendship. At yun ang kinakatakot ko. Ang mawala ang pinakaiingatan ko!”, panunumbat ko pa rin.

“Edi magsimula tayo! Ryan, pwede naman tayo magsimula, diba? Please Ryan.”

“Sana ganun na lang din yun kadali, Larc. Ang tagal kong naghintay para sayo.”

“Andito na ako, oh. Handa na ako.”, pagmamakaawa nya.

“Paano naman ako?”

“Paano ka, o paano si Andre?”, malungkot na sabi nya.

Natahimik ako ng bahagya. Hindi alam pano sasagutin ang tanong nya. Tiningnan ko sya habang tumutulo din ang mga luha sa bawat isa.

“Oo. Paano si Andre. Ginawa nya ang bagay na hinintay kong gawin mo para sakin…”, direchong sagot ko.

Tumahimik si Larc. Alam ko sampal sakanya ang sinabi ko. Pero kung gusto lang din nya na direchahan na kami ng sagot, ibibigay ko. Total, pagod na rin ako magpanggap. Ive been doing it for too long.

“Larc, I hope someday, matingnan kitang muli ng hindi na ako muling iiyak pa. Sana dumating yung araw na kaya ko ulit sabihin ang pangalan mo na hindi ako nasasaktan.”, taos puso kong sinabi kay Larc sabay tayo at lakad palayo.

Naririnig ko ang pagbagsak ng ulan habang palabas ako ng pinto. Tila ay nakikisang ayon ang kalikasan sa hinagpis na nararamdaman naming ni Larc. Napakasakit dahil hindi ko inaasahan na after twelve years of friendship, nakarating na kami sa hantungan.

Palabas na ko ng pinto ng bigla akong hilahin pabalik ni Larc paharap sakanya.

“I’m never losing you again…”







No comments:

Post a Comment