Thursday, May 10, 2012
Dream On Chapter 11 (Last Part)
Eto ako..
Eto naman ang magkapatid na si Renz at Rolly..
At eto ang kwento ko...
Hindi nag sink-in ang mga sinabi ni Renz sa akin. Gulong-gulo ako. "Ano yun? Testing? Kailangan akong i-test? Kailangan suriin kung totoo ang nararamdaman ko?"tanong ko sa aking sarili.
"Alam kong unfair sa iyo ang ginawa at naisip ni Kuya. Maging sa akin unfair din iyon. Nahihirapan din ako kung alam mo lang. Nahihirapan at natatakot din ako dahil hindi ka mahirap mahalin at baka mahulog ako sayo ng lubusan. Minsan nga nabibigla din ako sa sarili ko dahil kusang lumalabas ang pag-aaalala ko sayo nang walang pagpapanggap; nang hindi pinipilit ang sarili."dagdag pa nito.
"Ano ba tingin ninyo sakin? Isang hayop na dapat pag eksperementuhan?! Hindi ba ninyo naisip na may damdamin din akong dapat hindi pinaglalaruan? Hindi lang kayo unfair! Napaka selfish nyo din! Bat di ka na lang nag-artista no? Sigurado ako hakot award ka sa galing mong umarte."galit kong tugon dito. Hindi ko maisip na lahat ng ipinakita niya sa aking paglalambing at pag-aaruga at pagmamahal ay isa lamang kasinungalingan. Isa lamang sa mga plano nila. Nakakapanlumo. Tumigil ako sa pag-iyak at sinuri ang sarili. Ayaw kong gumawa ng isang hakbang at magsalita dahil gusto kong timbangin ang lahat ng aking sasabihin.
"Hindi sa ganun Ramil."
"Eh ano?"
"Napakatorpe ng kuya ko kaya't hindi niya alam ang gagawin. Hindi din niya masabi sayo ang nararamdaman niya dahil sa takot na hindi mo siya maunawaan. Isa pa, naguguluhan din si Kuya kung bakit sa iyo pa tumibok ang kanyang puso. Hindi rin niya alam ang gagawin kaya sinubukan niyang magkagirlfriend ngunit ikaw pa rin daw ang laman ng puso niya, ikaw lang kaya nakipaghiwalay din siya dito. Noong mga panahong iyon na alam na niya at sigurado na siya sa kanyang nararamdaman, kinausap niya ako kung pwede ko daw siyang tulungan. Sumunod na lang ko sa kanya dahil alam ko din naman ang kanyang motibo. Alam niyang may gusto ka din sa kanya ngunit gusto lang niyang makasigurado kung paghanga lang ba ang nararamdaman mo sa kanya o tunay na pagmamahal."tuloy-tuloy na sabi ni Renz sa akin. Bigla namang lumabas sa likod ni Renz si Rolly upang ikumpirma nga ang lahat ng kanyang mga sinasabi. Pagkakita ko sa kanya ay may kung anong gumapang sa aking katauhan. Galit pa rin ako pero unti unti din itong naglaho pagkakita ko sa kanya. Yun bang galit ka pero gusto mo rin naman iyong nangyayari. Gusto mo rin marinig ang kanyang mga sinsabi. Dahil iyon din naman ang matagal ko nang pinapangarap..na mayroong magmamahal sa akin, na mahalin din niya ako tulad ng pagmamahal ko sakanya.
"Oo, tama ang narinig mo kay Renz, Ramil. Natakot akong labanan kung ano ang laman ng puso ko dahil kahit sa sarili ko, hindi pa rin ako sigurado sa nararamdaman ko. Natorpe ako...natakot...Hindi alam ang gagawin."sabat ni Rolly na tuluyang nagpatahimik sa akin. Sa pagkakakita ng kanyang mga mata, tuluyan ko nang nalimot ang dapat gawin. Ewan pero hindi ko din maipaliwanag ang aking nararamdaman. Yun bang, kahit anong galit ko sa kanya, pag siya na ang nandyan at nagsumamo, nawawala na lahat. Napaupo na lang ako sa sahig at patuloy na pinakikinggan ang kanyang mga sinasabi. Haghahanap ako ng dahilan kung bakit niya ginawa ang lahat ng iyon. Naghahanap ako ng dahilan kung bakit sa tinagal tagal ng pagkakataon at panahon, ngayon pa niya sasabihing may pagtingin din siya sa akin. Samantalang ako, nasa malayo, matagal na naghinihintay na mangyari ang mga pangarap kong makasama siya, ang mahalin niya.
"Bakit ngayon pa? Yun bang mga pag iwas mo sakin, yun ba ang pagmamahal? Yung panahon na sinuntok mo ako at nawalan ako ng malay ng hindi tinatanggap ang sorry ko, pagmamahal din ba iyon?"sumbat ko sa kanya.
"Iniiwasan kita noon dahil hindi ko pa alam ang nararamdaman ko para sayo. Hindi ko na alam kung sino ba talaga ako o kung ano ang gusto ko noong dumating ka sa buhay ko. Hindi ako ganito pero simula ng makilala kita, binago mo lahat. Lahat lahat. Ayaw ko mang mahulog sa iyo pero ikaw pa rin ang pilit na sinisiksik ng puso at isipan ko..ang pangalan mo, Ramil. Noong mga panahong iyon, nakita ako ng mga tarantado kong barkada na hawak hawak ang picture mo at nahuli pa nila akong kinakausap ito at sinasabing mahal na mahal kita. Wala akong magawa kundi ang umamin sa kanila; na mahal kita. Alam kong tarantado sila sa paningin ng marami pero sila pa mismo ang nagsabing "Kung ano ang sigaw ng puso mo, yun ang sundin mo. Hindi masama ang umibig sa isang kapwa lalaki dahil hindi mo naman natuturuan ang puso mo diba? Kung saan ka maligaya at masaya dude, duon kami". yun ang sinabi ng barkada ko pero. hindi pa rin ako makapaniwala sa sarili ko. Ayaw kong tanggapin na ganito ako. Kaya sinubok kita, oo subok ang tawag dun. Sinubukan ko kung pag-ibig nga ba ang nakikita ko sa iyo o paghanga lang, nataatakot din kasi akong masaktan sa pag-ibig sa unang pagkakataon at sa katulad mo pa. Pero napatunayan ko din sa sarili ko na dapat ay hindi ko iyon ginawa sa iyo. Dahil ako din ang nahirapan noong makita ka sa ganung kalagayan. Hindi ko man ipinakita sa iyo ang nararamdaman ko, andyan lang ako sa tabi mo noong mga panahong iyon, pinagmamatyagan at tinitingnan sa malayo. Alam ko na nakahugot ka rin ng lakas dahil sa kantang pinatugtog ko noong nasa plaza ka. Alam ko din sa sarili ko na noong pinabili ko si Levie ng tokneneng ay nakita mong hindi pa katapusan ang lahat; na may handa pa ring tumulong at makiramay sa kalagayan mo. Ang katatagan mo sa buhay at pagharap sa mga hamon nito at ang kabutihan ng iyong puso ang nagpatunay na mahal mo nga ako at mahal din kita. Pero siguro napaka perfectionist ko lang siguro pag dating sa isang relasyon. Playing safe din ako, dahil ayaw kong masaktan, ayaw kong magsisi sa bandang huli. Na mali pala ang pinili kong relasyon, na hindi ko kayang panindigan. Inilayo ko ang loob ko sa iyo at ipinalapit ka kay Renz upang subukin ang pag-iibigan natin. Ang tagong pag-iibigan natin sa isa't isa. Pinagpanggap ko si Renz na may gusto din siya sa iyo, dahil alam ko, katulad mo din akong una sa ganitong relasyon. Ako man, sinubukan ko ding magkagirlfriend pero hindi ko talaga kayang iwaglit ka sa puso't isipan ko. Masasabing perfect partner sya pero hindi yung perfect na iyon ang hinahanap ng puso ko... kundi Ikaw. Alam mo bang nasasaktan din ako dahil sa nakikita kong binibigay niyang atensyon para sa iyo? At natatakot din akong tuluyan ka ngang mahulog sa kanya. Masakit isipin na dapat ako ang naglalambing sa iyo, pero iba ang gumagawa. Masakit isiping ang mga parangap mo nandyan na pero ayaw mo pa ring kunin ng basta basta dahil...gusto ko kapag kinuha ko na ang pangarap na iyon ay siguradong sigurado na ako na pangarap ko nga iyon. Matagal na akong nagnanais na sabihin at ipagtapat sa iyo ang lahat pero talagang natorpe ako eh. Walang ni isang boses na lumalabas sa aking bibig tuwing lalapit ako sa iyo. Ni hindi nga ako sa iyo makalapit ehh dahil nangangatog ang tuhod ko. Pero ngayon naglakas na ako ng loob bago pa mahuli ang lahat. Mahal kita, Mahal na mahal kita. Sana mapatawad mo ako sa maling na gawa ko. Sana bukas pa rin ang puso mo para sa pagmamahal ko."mahabang salaysay ni Rolly sa akin. Nangungusap ang mata ninya, nagsusumamo. Ramdam ko ang sinsiridad sa kanyang mga sinasabi...ang bawat salitang namumutawi sa kanyang bibig ay tumatagos sa aking puso.
Hindi ako makakibo hanbang nagkatinginan kami mata sa mata. Lumapit siya sa akin. Nanatili lang akong parang isang estatwa. "Ngayon, pwede ko bang malaman ang laman ng puso mo? Ako pa rin ba?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ngunit sa tagpong iyon, nawala na lahat ng nasa isip ko. Nabitag na naman niya ako sa kanyang panghihipnotismo. Napatango na lang ako upang sumang-ayon.
"Naaalala mo ba ito?"Tanong niya sa akin at agad naman niya akong hinalikan. Hindi ako pumalag. Dama ko ang init at sarap ng kanyang mga labi. Naalala ko sa mga tamis at init ng halik nito ang nadama ko noong nasa burol ako. Na akala ko ay panaghinip lang. Na akala ko ay si Renz ang gumawa dahil sinabi ito niya.
"Paanong...?"
"Sinabi ko kay Renz ang lahat. Sinabi ko din sa kanya na sabihin sa iyo na siya ang humalik sa iyo pero ang totoo ako talaga. Sinabi ko naman sa iyo diba? Lagi akong nandiyan para sa iyo. Lagi akong nakabantay. Lagi kitang binabantayan sa malayo."saad naman niya habang may ngiti sa kanyang mga labi. Labis ang aking kasiyahan sa kanyang mga ibinunyag. Heto pala't abot kamay lang ang aking pinapangarap. Ngunit maging ako ay naduwag din sa magiging kahihinatnan nito kaya napilitan akong ikubli ang nararamdaman ko sa kanya.
Umupo kami sa dulo ng aking kama. Nanatili siyang nakayakap sa akin at nagsusumamo pa rin ang kanyang mga tingin.
"Tigilan mo na nga ang katitingin sa aking ng ganyan"
"Di mo ako masisisi dahil, matagal ko nang gustong titigan ka, na malapitan, mayakap at mahagkan."
"Wow! 'yan pa pala ang mahiyain huh. Ganyan pala ang torpe. hahahaha" biro ko dito sabay tawa. Nakita ko naman siyang nagblush sa sinabi kong iyon.
"Sorry din pala dahil wala ako doon sa tabi mo noong mga panahong hinang-hina ka. Nasa hospital kasi kami noon ni Lola Alissa at noong pumunta ako sa bahay ninyo ay wala ka na doon. Nabalitaan ko na lang sa mga kapitbahay ninyo na nagkagulo daw at pinalayas ka. Hinanap kita. Nangamba ako. Maging sa skwelahan ay hinintay kitang dumating dahil may sorpresa sana ako noon dahil nabayaran ko na ang graduation fee mo. Kaso huli na pala ang lahat. Hindi ka dumating ngunit nanatili pa rin akong hinahanap ka kung saan. Buti na lang at nakita ka namin ni Renz sa may simbahan pagkatapos naming magdarasal na matagpuan ka namin at nagkatotoo nga iyon. Nakita ka namin. Laking pasasalamat ko noon."
"Salamat. Pero bakit si Renz lang ang laging nandyan sa tabi ko noong nandito na ako? Nasaan ka noon?"tanong ko dito.
"Siya lang ang laging nandyan sa tabi mo at wala ako dahil inaasikaso namin noon ni mama ang lahat ng mga papeles mo para tuluyan ka na maampon. Pati mga credentials mo sa schools naasikaso na namin."sagot naman niya.
Madami pa kaming pinagusapan ni Rolly at nahalungkat na katotohanan galing sa kanya. Hindi ko lubos maisip pero natutuwa akong malaman na mahal niya ako at kaya niyang gawin lahat para sa akin. Napakasaya ko noong oras na iyon. Talagang hindi lang puro ulan o unos ang mararanasan natin sa ating buhay. Makakakita din tayo ng liwanag at sisikat din ang araw pagkatapos nito.
Nakalingkis pa rin ang kanyang kanang kamay sa aking baywang at ang kaliwa naman ay nakahawak sa aking kamay. "So, ano na ba ang estado natin ngayon? Tayo na ba?"tanong niya habang nagsusumamong nakatingin sa akin. "Bakit nanligaw ka na ba? And bilis mo naman ata Mr. Torpe.hehehe"pabiro kong sagot sa kanya. Ako din ay hindi ko pa din alam ang estado namin. Mahal namin ang isa't isa at napatunayan na namin iyon sa mga paraang alam namin.
Nagulat ako sa kanyang ginawa noong bigla itong kumalas sa pagkakayakap sa akin at lumuhod sa aking harapan. "Ramil, will you be my partner?"tanong niya. Kinabahan ako. Seryoso ang mga tingin niya. Nagtitigan lang kami. Hindi ako makasagot sa kanya. Maya maya pa ay naramdaman kong mai isinuot sa aking mga daliri. Noong tingnan ko kung ano ito, singsing. Napakagandang sing-sing. Ewan ko nga lang ba talaga kung napakaganda nga nito pero pag galing sa mahal mo, kahit anong simple ng bagay, kapag siya ang nagbigay sa iyo, napakaganda nitong tingnan.
"Hindi ako babae para mag-inarte. Matagal na din kitang gusto at matagal na kitang pinapangarap."sagot ko naman sa kanya.
"So, oo na ang sagot mo?"magiliw nitong tanong
Ngumiti ako at tumango.
"Yahhhhooooo!" sigaw niya dala ng kaligayahan at niyakap niya ako ng mahigpit. "Teka, ano nga pala ang sasabihin natin kay mama. Diba magkapatid na tayo dahil inampon na nya ako?"tanong ko dito dahil hindi ko alam kung tatanggapin niya ang relasyon namin dahil technically magkapatid nga kami.
Tumahimik siya at nag-isip. "Oo nga no? di ko naisip yun."sabay ngiti.
Natahimik ako. Nag-isip. Nakadama ng lungkot dahil alam ko hindi pwede ang ganitong relasyon. "Oh bakit ka malungkot dyan?"tanong sa akin ni Rolly. "Diba dapat masaya ka na ngayon dahil tayo na?"dagdag pa nito.
"May problema nga diba? Pano kung hindi pumayag si mama sa relasyon natin? Paano kung paghiwalayin tayo?"
"Pano naman kung alam niya ang lahat sa simula pa lang. Paano kung siya ang lahat ng may pakana ng lahat ng pagsusubok sa pagmamahalan natin?"
"Talaga?"
"Oo nga."sabay yakap sa akin. Tiningnan ang aking mga mata. Siniil ako ng halik. Matagal. Ramdam ko ang init at sarap nito. Dama ko ang pagmamahal sa kanyang mga halik.
Mula sa halik na iyon ay naganap ang una naming pagniniig. Hindi minamadali. Sakto ang lahat. Walang pilit sa mga nangyari. Banayad. Dama ang pagmamahal ng bawat isa.
Nakatulog ako pagkatapos dahil sa pagod. Nanaghinip. Kita ko sa aking panaghinip ang mukha ng aking ina. Nakangiti. Masaya. Na para bang sinasabi niyang natupad ko na sa wakas ang aking mga pangarap. Na tama ako sa disisyon ko. Na matapos lahat ng paghihirap at pagkukumagkag, nakamit ko rin ang tagumpay at pagmamahal na matagal ko nang inaasam.
Ganoon talaga ang buhay. Matapos ang mahabang lakbayin, ang pagkapa sa dilim...matapos ang mga unos at pagsubok na dumaraan sa ating buhay, laging may naghihintay bagong pag-asa sa huli. Ang sinasabing ilaw sa dulo ng isang mahaba at madilim na tunnel.
Hindi ko alam kung saan tutungo at hahantong ang pagmamahalan namin ni Rolly. Hindi ko din batid kung ilang pagsubok pa ang darating sa aming dalawa. Walang kasiguraduhan ang hinaharap...ang bukas ay malabo at mahirap pangunahan. Ngunit kahit anong unos pa ang dumating para ako'y subukin muli, kahit ilang beses pa kaming subukin ng tadhana, alam ko, magagawa kong suuingin ang lahat ng iyon...kasama si Rolly.
Patutuloy akong mangangarap at patuloy na magsisikap upang maabot ito.
Maraming naghihintay para sa atin sa mundong ito. But as we continue to battle and search for the great things that awaits us, we have to always remember one thing:
Dream on.
Mga etiketa:
Dream On
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
napakabilis ng mga pangyayari...now i know kung bakit dream on ang title...the best ka parts.
ReplyDeletehahaha...now you know...at baka naman sabihin mo hindi dapat shattered dreams ang title ng shattered dreams..lol salamat parts :*
ReplyDeletepaano makikita yung mga ibang parts ng stories
ReplyDeletepaano ba makita yung mga ibang parts ng story
ReplyDeleteibang parts ng stories??? lahat po ng chapters ay nandito..hehehe
ReplyDeleteoo nakita ko,,thanks,,pero mejo nabilisan nga siguro kame,,,alam mo naman mahilig kame sa kilig factors,,,tuloy tuloy kase,,,pero thumbs up pa din
ReplyDeletewow ganda ng kwento mo sir justyn. what a brilliant inspiration.. jejeje patuloy ko po kayong subaybayan sa mga kwento nyo po sir justyn ingat po.
ReplyDeletevinz_uan
wow!!!ang galing ng kwento nakakatuwa talaga mabilis man at madaming tanong sa isip ko masaya na din ako sa katapusan ng storya!!!
ReplyDeleteShattered Dreams Naman!!