Blogger Widgets

Friday, May 4, 2012

Room 314


by: Rovi Yuno

“Ayoko na, Je.”

“Eto na naman ba tayo?”

“This time, I think totoo na ito. Ayoko na talaga.”

“Alam mo namang hindi ako papayag, diba?”

“Wag kang selfish.”


Pagkasabi ko noon, natahimik ka. Alam kong alam mo kung ano ang sitwasyon natin.

Natahimik tayong dalawa. Napabuntong-hininga ako. Nakita ko sa salamin ang pagiba ng expression ng iyong mukha. Mula sa kaninang masaya, ngayon ay banaag na dito ang kalungkutan. Pinilit kong wag kang pansinin. Humiga nalang ako sa edge ng kama habang ikaw ay patuloy na nagyoyosi sa kabilang gilid.

Wala pa rin tayong kibuan.

Malamlam ang pulang ilaw sa loob ng kwarto. Napakaconducive ng temperatura para sa isang nagaalab na pagniniig. Kita kita sa salamin sa gilid ng kwarto na aking katapat ngayon. Nakita kong nagtetext ka, mukha kang iritado habang gigil kang nagpipipindot sa keypad ng iyong cellphone, napailing nalang ako. Nakita kitang nagbuntong-hininga.

“Rovi.”

Hindi ako umimik. Rinig ko ang iyong malalim na pagbuntong-hininga.

Pinilit kong wag sumagot sa mga pagtawag mo sa aking pangalan. Tiniis kong lahat para maramdaman mong ayaw ko na talaga.

“Rovi. Magusap naman tayo.”

Tahimik.

Naramdaman ko ang paghiga mo sa kama. Lumubog ang foam ang pagshake nito. Ramdam ko ang marahan mong paglapit sa akin. Bago pa ako makatayo, huli na, you already had spooned me.

“Rovi. Give me another chance.”

I felt every inch of your body. I felt how warm you were. I felt how affectionate you could be. I felt special. I felt happy. But now, with the situation we are in, hindi ko na alam. I feel guilty dahil sa mga nangyayari. I feel sad dahil alam kong nakikihati lang ako. I feel envious dahil alam kong napakaswerte nya dahil kayo at dahil sayo sya at sa kanya ka.

“Rovi. Please?”

Napahikbi ako sa iyong tono. Batid sa paraan ng pakikipagusap mo ang matinding pagsusumamo. You seldom show sadness kaya sa t'wing nararamdaman kong malungkot ka, mas nalulungkot ako. You have this special way of making me feel wanted and loved, that I knew, ikaw lang ang nakakagawa.

You spooned me tighter. Mas naging intact ang ating mga katawan. Ramdam ko ang init mo. Ramdam ko ang mga baby fats sa tiyan mo na nakadikit sa aking likod. Amoy ko ang iyong amoy-lalaking hininga, amoy ng yosi at menthol na candy. Ramdam ko ang tibok ng iyong puso. Ramdam ko ang panghihina. Gustong-gusto kong bumigay mula sa bitag. Gustong-gusto kong pagbigyan ka. Pero alam kong mas magiging kumplikado lahat pag pinatagal pa natin ito.

“Je, nahihirapan na din ako eh.”

“Nahihirapan saan Rovi?”

“Dito.”

“Bakit?”

“Anong bakit? Ikaw ba di nahihirapan sa mga ginagawa natin?”

Tahimik.

Marahan mong inangat ang aking tagiliran at pinasok mo ang kamay mo para mayakap mo ako ng todo. Ramdam ko din ang pagpatong ng mukha mo sa akin while we were still spooned. Pisngi sa pisngi. Naramdaman kong muli iyon, ang kapanatagan sa iyong mga bisig.

“Na-nahihirapan.” mahina mong usal.

“Ako din.” sagot ko.

“Pe-pero ayokong tapusin to.”

“Anong gagawin mo?” I said, managing to still be calm.

“Basta. Wag mo akong iiwanan.”

Ako ay napabuntong-hininga. Napansin mo ang aking mahinang paghikbi. Inayos mo ang iyong sarili at hinarap mo ako sa'yo.

Magkaharap na tayo ngayon. Nakatitig ka sakin. Gusto kong matunaw sa iyong mga titig. I must admit na gustong-gusto kong hawakan ang iyong mukha tulad ng dati. Gusto kong pisilin ang iyong matangos na ilong like I used to. Gusto kong halikan ang mga labi mo and cuddle with you hanggang sa makatulog tayo. Pero pinili ko magpakatatag. Your chinky eyes are the most deceiving thing I've ever witnessed. I'd like to stay, but this doesn't feel right.

You sighed. I pouted my lips then beamed a bitter smile.

“Hindi ka na ba masaya sakin?”

It took me seconds bago ako nakasagot.

“Ma-masaya.”

“Bakit gusto mo akong iwanan?”

“Kasi nararamdaman kong mas nagiging kumplikado na.”

“Wag mo akong iwanan. Please.”

Our eyes met. Nakita ko ang pangingilid ng iyong mga luha habang namumutawi sa iyong mapulang labi ang pakiusap na iyon. Naglaban ang ating mga mata. Kinuha mo ang aking kamay at hinawakan.

“Alam mo namang ikaw ang nakakapagpasaya sakin diba?”

“Alam mo namang hindi ko kayang wala ka diba?”

“Stop it Je. Wag ka ng magsugar coat. Di din makakatulong. Mas mahihirapan ako.”

“Totoo ang sinasabi ko Rovi. Di mo ba nararamdaman lahat? Yung efforts ko? Yung mga ginagawa ko para sa'yo? Di mo ba nararamdaman kung gaano ka kaimportante sa akin?”

Bumigat ang pakiramdam ko. Napaisip ako sa kanyang mga sinabi. Honestly, may punto sya. Sya yung taong tatawag sa'yo every morning para lang magsabi ng magandang umaga. Sya yung lalaking nagpapadala ng white roses sa t'wing magaaway kayo. Sya yung lalaking hindi nakakalimot magsabi at magparamdam na importante ka sa kanya. Sya yun.

“Ramdam ko. Ramdam na ramdam ko. Kaya nga ang sakit Je.” nasabi ko

“Eh anong problema Rovi? Anong problema? Masaya ka sakin, masaya ako sayo. Ano pa bang mali?”

“May boyfriend ka.”

Natahimik sya. Nagsimula na akong lumuha.

“Masaya ka sakin Je. Masaya din ako sayo. Hanggang doon nalang yon?”

“Ramdam ko kung gaano ako kahalaga sayo. Ramdam ko ang sincerity mo. Pero ano? Hanggang doon nalang yon?” dagdag ko pa

“Sinasabi mong gustong-gusto mo ako. Pero bakit di pakiramdam ko hanggang ganito nalang tayo?” hirit ko ulit

“Ka-kasi..”

“Kasi ano? Kasi ano Je?”

Tahimik. Naging irregular ang aking paghinga.

“Di kita kayang iwanan. Di kita gustong mawala sa akin. It's just hindi pa ngayon yung panahon.” mahina at gumaralgal mong sabi

“Kailan pa? Kapag pagod na ako? Kapag ayaw ko na sa'yo? Kapag di na ako attached? Kailan pa Je? Kailan pa?”

“Hi-hindi ko alam.”

“Hindi mo alam?”

Tumitig ka sa akin. Nakita ko ang iyong mga matang lumuluha. Gusto kong manlambot pero hindi pwede. Ang gabing ito ang magiging huli ng ating affair. Dapat akong magpakatatag.

“Rovi. Alam mo naman na ikaw yung taong yon diba? Ikaw yung taong sabay na sabay lahat. Nung nakita kita, nagustuhan kita agad. Umamin ka na nagustuhan mo din ako. Di nagtagal, minahal kita. Alam kong mahal mo din ako. Alam kong mahal mo ako Rovi. Alam ko! Napakaganda ng relasyon natin. Sabay na sabay, walang nauna, walang nahuli, walang nagantay. Sabay na sabay nating minahal ang isa't-isa. Sabay na sabay. Napakagandang relasyon Rovi. Napakaganda ng ating relasyon” mahaba mong sabi

Tuluyan ng bumagsak ang aking luha.

“Ipapaalala ko lang sayo. Wala tayong relasyon. Sabay? Oo. Sabay na sabay. Perfect? Siguro. Pero baka nakakalimutan mong committed ka? Ipinapaalala ko sayo. Tinatapos ko na tong kalechehang to. Ayoko na. Pag papatagalin pa natin to, mas masasaktan lang ako. Ayoko ng umabot sa puntong puro sakit nalang ang mga ala-alang matatandaan ko sayo. Ayokong masira ang image mo sakin. Tapusin na natin to.”

Pinahid mo ang iyong luha gamit ang iyong kamay. Nagiiyakan na tayong dalawa.

“We can work this out. Mahal kita. Alam mo yan. Mahal kita.”

“Je. Hindi pwede mahal mo ang dalawang tao ng sabay. Mahal mo ako. Mahal mo din sya. Natural mas may matimbang samin. Ano ba naman ang laban ko sa 2-taon na relasyon nyo? Wala. Alam kong bored ka lang. Pampalipas-oras mo lang ako.”

“Hindi totoo yan.”

“Totoo. Ramdam mo na mahal kita.”

“Then why can't you just hold me?”

“Please Rovi. Wag mo kong iwanan.”

Umupo na ako sa edge ng kama habang patuloy kang umiiyak habang nakahiga.

“Alam mo yung 80-20 na concept ng mga lalaking naghahanap ng 3rd party?”

Tahimik. Wala kang kibo.

“Yung partner mo, sya yung 80%. Ako lang yung mga katangian na wala sya kaya ka napunta sakin. Ako lang yung 20%. Ako lang yung 20% na kukumpleto sa 100% para maramdaman mong buo ka as an individual.”

Upon saying those words, walang tigil ang pagpatak ng aking mga luha.

“Rovi. Mahal kita. Wag mo kong iwan. Di ako papayag.”

“Wag kang selfish Je. I deserve to be happy too. I deserve to have a guy na ibibigay sa akin ang relasyong gusto ko.”

“Hindi mo ba ako mahal?”

“Mahal. Pero tama na.”

Tumayo ako. Pinulot ang mga nagkalat kong damit dala na rin ng kasabikan natin sa isa't-isa kanina. Pumasok ako ng banyo. Naghilamos. Inayos ang sarili. Nagbihis.

Nakita kitang nakatayo nang ako'y lumabas sa banyo. Aninag ang lungkot at ang pamamaga ng iyong mata.

Lumabas ako ng banyo. Wala tayong kibuan.

Kinuha ko ang bag ko sa upuan. Hinawakan mo ang aking braso.

“Antayin mo ako. Kapag naging ayos na ang lahat, sinisigurado ko na magiging akin ka.” umiiyak mong sabi

I flashed a bittersweet smile.

Bago ako makalabas ng kwarto. Nagtama ang ating mga labi. Maalab. Mapusok. Nakakapaso. One of the bests.

Tumulo muli ang aking luha pero di ko na pinahalata.

Lumabas na ako ng kwarto.

Mabilis kong narating ang reception.

“Room 314.”

“Yung kasama nyo po?”

“Nasa itaas pa.”

Tinawagan ka receptionist.

“Sige Sir. Okay na po. Ingat po.”

Lumabas ako ng hotel magisa. Lumuluha.

Pumara na ako ng taxi.

W A K A S

No comments:

Post a Comment